COLABORACIONES/ COLABORATIONS

05/Febrero/2001
ANG KARAHASAN SA HISTORIA NG FILIPINAS (4)
Ni Guillermo Gómez Rivera
Academia Filipina de la Lengua
Correspondiente de la R. A. E.

Manila
... Anteriores: Ang karahasan sa historia ng Filipinas (1) (2) (3)
(7) ANG MGA HOLANDÉS.

POR PROTESTANTES, LES ENFRENTÓ LA VIRGEN DEL ROSARIO Y DEJARON DE MOLESTAR A LAS ISLAS FILIPINAS.

Ang kinikilala ñgayon na Indonesia, Malasia at Brunay ay kolonya dati ng mga Portugués. Nang magsama ang mga kaharian ng Portugal at ng España bilang isang bansâ, napasailalim ng gobierno sa Maynila ang administrasyon ng buong Indonesia, buong Malaysia, buong Brunay kasama ang kalahati ng Ceylon malapit sa India at ang isla ng Formosa na siyang tinatawagñgayon na Taiwan.
Ang pagsama ng Portugal at España sa ilalim ng Haring Felipe, Segundo (II), tumagal ng otsenta (80) años mula sa pag-akyat ni Haring Felipe Segundo sa trono ng España at Portugal nuong 1545. Pero, ng maghiwalay ang Portugal sa España di tumagal at nawala sa mga Portugués ang Indonesia, (maliban ang Timor na tumagal na provincia ng Portugal hanggang 1975), ang Malasia ang Ceylon at ang Formosa.
Ang territoryo ng Filipinas pagkatapos ng paghiwalay ng dalawang trono ay ang pangkasalukuyan. Pero kasama nito ang Sabá, ang Islas Marianas at Guam, ang Marciales, ang Islas Palaus, ang Guadalcanal at Santa Cruz sa bandang timog ng Pacífico (South Pacific).
Nang mawalâ sa Portugal ang Indonesia at Malasia, bumagsak ito sa kamay ng mga Holandés o mga taong taga-Holland o Holanda na naguing bansang Protestante.
Ang Filipinas sa panahong iyon nagkaroon ng kaunlaran dahil sa komersiyo ng mga galeon. Ang Sulú bilang centro ng komersiyo sa Timog-Silañgan ng Asia ay bumagsak dahil ang halos lahat na kalakalan ng Asia ay dinadala na sa bagong sentro nito na siyang Maynila.
Maliban sa mga caravana ng mga komersiyante na lumalakbay ng matagal sa lupa mula China at India tuñgo sa Europa, ang mga galeon na nagdadala ng mga mismong kalakal mula sa Maynila sa México at America, at pagkatapos sa Europa, ay más matulin at nagbibigay ng más malaking ganansiya. Yan ang dahilan kung bakit tumagal ang komersiyo ng mga galeones ng lampas ng dalawang daang taon.
Pero, inggit na inggit ang mga Holandés sa kayamanan ng Filipinas na bigay ng "galeon trade". Gusto nila na ito'y mapasakanila kasama ang likas yaman ng Kapuluan. Yan ang dahilan kung bakit nilusob nila ang Kapuluan ng dalawampu't pitong (27) beses. Ang bawat pananalakay ay may kalupitan at karahasan na tiniis ng mga Filipino at ng mga mismong Español.
Pero ang naguing katapusang paglusob ng mga Holandés, kasama ang kanilang malupit na pagkatalo sa kamay ng mga sundalong Filipino at Español, ay ang ipinagdiwang hanggang ñgayon na "La Naval de Manila". Bagamat más marami ang mga barkong Holandés lumusob sa Bahiya ng Maynila, natalo ito sila ng dadalawang galeon ng mga Filipino at Español.
Ang isa nitong dalawang galeon, nilagyan ng altar ng "Nuestra Señora del Santísimo Rosario" at samantalang lumalaban ang mga sundalong Filipino at Español laban sa mga Protestanteng Holandés sinisigaw nila ang pagdasal ng banal na rosaryo sa Mahal na Birheng Maria.
Dahil dito, tinuturing ng Simbahang Católica ang pagkatalo ng mga lumulusob na Holandés na isang Milagro ng Mahal na Birheng Maria. Mula nuon, hindi na tinangkang agawin ng mga Holandes ang Filipinas sa España at sa mga mismong Filipino. Tuwing a doce ng Octubre, ipinagdiwang ng mga sakop ng Parroquia ng Santo Domingo, sa lunsod ng Quézon, ang fiesta at procesión ng La Naval de Manila.

(8) ANG MGA HINDU O MGA BOMBAY.

SU RESISTENCIA A LOS INGLESES BAJO EL CAUDILLAJE DE GHANDI LO DEBEN SEGUIR TODOS LOS FILIPINOS FRENE AL NECOLONIALISMODE LOS WASP USENSES.

Mapayapa ang pagpunta sa Kapuluang ito ng mga kinikilala na mga Bombay maski ang dapat itawag sa kanila ay mga "Indio" na taga India o mga Hindustán. Ang karamihan sa mga dumayo sa Kapuluan ay galing sa isang lunsod ng India na ang pañgalan ay Bombay. Dahil dito Bombay ang tawag ng pangkaraniwang Filipino sa kanila.
kung ang mga kinikilalang Bombay nagkaroon ng ano mang karahasan, nangyari ito ng sila'y maguing sundalo ng mga Británico na lumusob sa Filipinas nuong 1762. Ang tawag sa mga Bombay na iyon ay Sepoy. Lumaban sila ng walang gana sa mga sundalong Filipino ni Gobernador General Simón de Anda dahil alam nila na walang hustifikasyon ang paglusob ng mga Inglés sa bansâ at Estado ng mga Filipino na sa panahong iyon nasa-ilalim ng Corona de España.
Sa dalawang taong pinagtagalan nila sa Maynila bilang mga sundalong Inglés, ang guinawa ng karamihan mga Sepoy ay iwanan ang kanilang serbisyo sa mga Británico at magtagô sa bayan ng Cainta kung saan sila'y tuluyan na naiwan at nag-asawa ng mga babaing Tagalog. Ang kanilang lahi mapapansin hanggang sa kasalukuyan sa mga iilang naninirahan sa bayan ng Cainta, Rizal.
Ang mga modernong negosyante na Bombay mula sa kasalukuyang India, ay mga taong madaling lapitan at matiyagâ sa konting pagpautang sa madlang Filipino. Ang karamihan ay mga taong educado at may tiyagang magbukas ng mga tindahan at bazar sa Filipinas na mukhang kumokompetensiya sa mga negosyanteng Chino.
Ang kapayapaan sa ugali ng mga Bombay o taga-India makikita sa rebolusyon na nilunsad ni Mahatma Gandhi, ang kanilang lider espriitual at político, laban sa ekonomikong pananakop (neo-colonialismo) ng mga imperialistang Inglés o Británico. Nang nasa-ilalim ng United Kingdom, o Gran Bretaña, ang India at Pakistán bilang isang dambuhalang kolonya, malaki ang kita ng industria sa tela (cotton, linen, etc.) ng Inglaterra sa mga Bombay. Ang halos apat na raang milyung Indio nagdadamit ng tela mula sa Inglaterra (U.K.) na binibili nila sa mga negosyanteng Inglés o Británico.
Sa panahon ng Estado Filipino, na pinamamahalaan ng Corona ng Ang guinawâ ni Mahatma Ghandi ay payuan ang kanyang mga kababayan na bawat isa sa kanila ang maghabi ng sarili nilang tela sa pamaguitan ng isang gulong panghabi. Sila na mismo ang kumukuhâ ng sariling "cotton" sa "cotton flower" na sinasaka din sa India, at sila na mismo ang naghabi ng kanilang mga tela upang maiwasan ang pagbili ng mga tela mula sa Inglaterra. Halos bumagsak ang indusria ng tela sa Inglaterra. Pinayô din ni Ghandi na magtiis muna sila sa di paggamit ng asin sa kanilang mga ulam upang bumagsak din ang industria ng asin na hawak ng mga Inglés.
Pinayô din ni Ghandi na huwag manood ng pelikulang Inglés at Kano sa kanilang mga cinehan, o makinig ng musikang Inglés at Kano sa mga binibiling plaka sa mga tindahan. Di tumagal at walang kita sa India ang mga naturang pelikula at plaka. Pinayô din ng mga kasama ni Ghandi na huwag pag-aralan at gamitin ang wikang Inglés.
Nagreklamo ang mga Inglés kay Mahatma Ghandi. Sinagot sila ni Ghandi na bibili ng tela mula sa London ang mga kababayan niya sa kondisyon na isauli muna ang kanilang independencia. Kung hindi, walang maaasahan ang mga negosyong Inglés sa pera galing mula sa mga naghihirap na mga taga-India.
Dahil ayaw malugui ang mga Inglés, binigay nila ang independencia at kalayaan ng India. Ang gulong panghabi (spining wheel) ni Ghandi makikita ñgayon sa bandila ng malayang India. Ang leksiyon dito ay ang pagkakaisa ng buongbansâ.
¿Kayang sundin bá ng mga Filipino itong halimbawâ ng pagkakaisa ng India upang malutasan ang pañgañgalipin ng ekonomiyang Filipino sa dikta ng mga neokoloniyalista? ggr_flamenco@hotmail.com

Anteriores: Ang karahasan sa historia ng Filipinas (1) (2) (3)

( Guillermo Gómez Rivera es Académico Coordinador de la Academia Filipina, Manila )


Collaborations/Colaboraciones:
Influencia asiática en el chabacano, & José Balmorí, & The Filipino State, & Estadísticas: El idioma español en Filipinas, &
El idioma criollo de Filipinas, & Mabuhay, Gloria Macapagal, & Literatura hispano-filipina, by Guillermo Gómez Rivera
Paulino Alcántara the Pilipino-Spanish football player, by Ian Estenor;   La Academia Filipina, by Tony P. Fernández
Presentation of the Book "Rizal According to Retana" (1) (2) (3) by Liz Medina;
Why the Spanish has disappeared from the Philippines?, by Jess Mendoza;  
Filhispanic Activism & El fenómeno hispano en Filipinas, by José Perdigón

Editorials (Esp & English): ¡Hola! ¿Kumustá? & Philippines (1898-1946): The re-colonization drama
Spanish Newspapers   Spanish Magazines   Links/Enlaces   Letters 2001
What about Spanish?   Have you lodge?   "Pilipino-castila" names
Spanish by jokes   Yo te diré (book)   Cine   Tuna
J. Rizal
kaibigan kastila