www.XANFACTOR.TK

Fiction

Male Club

1.

‘Di talaga ako naniniwala sa fate, destiny, at soul mate… pero pagkatapos kong makilala itong si Alexis… parang gusto ko ng maniwala…

            Aaminin ko tag-libog ako ng araw na ‘yun… Gusto ko sanang pumunta dun sa Flimsy, kaya lang kulang ako sa budget. Kaya ng maalala ko na may ilang oras pang natira sa internet card ko, nagchat na lang ako at dun ako naghanap. Madami na akong nakausap, madami ring pwede—okay ang itsura sa litrato, bottom, at may place o kayang sagotin ang pang motel, at taga Marikina rin. May nakapalitan na nga ako ng numero eh—text na lang niya ko pagnakauwi na siya galing sa trabaho sa Cubao. Ayos na eh pero ewan ko ba kung bakit kailangan ko pang alamin na kung ang F sa Ftau, na nick ng isang chatter, eh Flimsy.

           

“Wat do you mean F?”

            “What do you think it means…” sagot niya.

            “Flimsy?” hula ko.

            “No, why?”

            “Ah, I thought you are looking for someone to go with to Flimsy.”

            “Why are you a member? I’ve been wanting to go sana for the longest time.”

            “Eh, bakit di mo magawa?”

            “Eh ‘di ba nga kailangan member ka… o ‘di naman?”

            “Kailangan member ka para makapasok.”

            “Yun ang problema ko, pa’no ba maging member?”

            “Papamember ka lang dun…”

            “Ano ba ang criteria para maging member?”

            “Wala naman screening.”

            “Eh ano?”

            “Wala lang, babayad ka lang member ship fee plus entrance fee.”

            “Ganun lang.”

            “Oo”

            “Magkano?”

            “100 to 150 plus 100 entrance fee.”

            “100-150, depending on what?”

            “Sa membership na kukunin mo: quarterly, semi-annualy, at annualy.”

            “Ah, okay… You want to go?”

            “When?”

            “Now.”

            “I like to sana pero I’m low in budget right now eh… next time, set natin.”

            “I want to go now.”

            “Okay, pamember ka lang, alam mo naman siguro kung asan yun ‘no?”

            “Yes.”

            At bigla akong may naalala.

            “Magpapamember ka ngayong gabi.”

            “Do I have a choice?”

            “Kasi may referral system sila…”

            “Can’t I just first go in and experence it, don’t I have the right to know what kind of club am I getting in to first before I sign in.”

            “Hindi, kailangan member ka muna bago ka papasokin.”

            “Ano ba ang nasa loob?”

            “May bar, may video oke, may gym, may library, my AVR, may jacuzzi… sigurado ko you’ll like it there, mageenjoy ka.”

            “Okay…”

            “So, pupunta ka at papamember ka tonight.”

            “Yes.”

            “Okay, as I was saying they have this referral system…”

            “Okay… what about it.”

            “If a member bring someone who would get a membership, that member’s entrance fee is waived.”

            “You mean pagsinamahan mo ko, at magpamember ako, libre ang entrance fee mo.”

            “Yah.”

            “Ayun naman pala eh, tara!”

            “Papamember ka?”

            “Yah, samahan mo ko?”

            “Basta sigurado ka na papamember ka.”

            “Para naman may choice ako?”

            “Wala nga…”

            “Basta sure ka na walang screening at magbabayad lang.”

            “Oo, basta discreet ka.”

            “Okay, ano oras ka makakarating dito sa Cubao?”

            “Give me one hour.”

            “Saan?”

            “Sa may Mc Donald sa Aurora, alam mo yun?”

            “Oo, number mo?”

            Binigay ko, “Iparing mo phone ko para ma-isave ko.”

            Pinaring niya.

            “Alexis here.”

            “Joel,” ewan ko ba kung bakit bigay ko tunay kong pangalan na di ko naman dating ginagawa.

            “So kita-kits?”

            “Ligo lang ako at dinner.”

            “Text mo ko pag alis ka na bahay at pag doon ka na Mc Do, dito lang ako Farmers.”

 

Pagkalog-out ko at aktong aabotin ang twalya ko, may pumasok na message sa cellphone ko. Galing sa una ko kausap, sabi niya malapit na siya sa bahay at imeet daw niya ko sa bayan. Nagisip ako. Itong nagtext sa akin sigurado na at okay naman ang itsura sa litratong nakita ko. Malapit pa kaya kahit na magkaaberya, okay lang. Eh itong huling kausap ko, si Alexis, malay ko ba kung nagtri-trip lang… Cubao pa man din… at ‘di ko pa alam ang itsura…

            Nagreply ako, sabi ko maliligo lang ako at punta na ko dun. Habang naliligo, nabuo ko ang isang plano. Sasabihin ko kay Alexis na ‘di pa ako agad makakaalis, mamaya pang ten ako makalabas ng bahay at kung ‘di na siya makakapaghintay, punta na lang siyang mag-isa. Naisip ko kasi na kung sakaling magkaaberya itong imemeet ko sa bayan, may reserba. O, kung okay naman… libog na libog ako, ‘di ako makukuntento sa isa o dalawang round lang. Sana makapaghintay siya…

Paglabas ko ng banyo, may isang message na pumasok sa cellphone ko. Galing kay Alexis: “Ei, dis is me. Hurry up, wag na nood soap opera.” Nagreply ako ng tulad sa plano ko tapos nagbihis at kumain. Fifteen minutes later na sa bayan na ko.

Walang sagot kay Alexis, wala namang masyado problema pero sa anong kadahilanan gusto ko sana magreply siya at sabihing hihintayin niya ko… at natagpoan ko na lang ang sarili ko na tinetext siya upang tanongin kung bakit di siya text back at sabihin pwede na akong umalis at hintayin niya ko… wala ng balak sipotin ang una kong kausap… Ewan ko ba… may excitement pa akong nararamdaman na makilala ng personal itong si Alexis. Wala pang sagot si Alexis ay sumakay na ako ng byaheng Cubao.

May pumasok na message, excited kong nilabas ang cellphone ko sa bulsa upang tignan kung si Alexis nga ang nag message para sabihing naghihinatay siya… Nadismaya ako ng hindi siya kung hindi ang una kong kausap. Nagreply ako ng tulad sa plano: ‘Di pa ako makalabas ng bahay… mamayang alas-dyis pa… okay lang ba?

Ilang segundo, may pumasok ulit na message. Akala ko ung una kong kausap kaya di ko na nilabas ulit sa bulsa ko ang cellphone, walang pakialam kung okay lang at maghihintay siya o hindi.

 

Gabi na pero matrapik pa rin ang Aurora Boulevard sa Cubao. Naiirita ako sa mabagal na pagusad ng dyip at sa twing hihinto upang magbaba ng pasahero. Kung pwede ko na nga lang lakarin eh, lalakarin ko na lang hangaang dun sa Mc Donald… Excited talaga ako at hindi dahil sa Flimsy kung hindi dahil gusto ko ng makilala itong si Alexis… Ano kaya itsura niya, ba’t nga ba nakalimutan kong hingan siya ng litrato? S.O.P. ko yun ah… di pa ko nakikipagkasundo nino man sa chatroom na makipag-meet, kahit simpleng meet lang at ‘di SEB (Sex Eye Ball), ng ‘di ko muna nakikita ang picture ng kausap. No pic, no reply policy nga ako kadalasan.

             Namataan ko na ang signage ng Mc Donald. Nagpasya ako na lakarin na ito, tutal malapit na rin ako. Pagbaba ko, dun ko naalala, ‘di pa pala sumasagot si Alexis kung maghihintay siya o hindi. ‘Tang ina, napamura ko sa sarili, nilabas ko ang cellphone: One message received, sabi sa screen. Yun yung message kanina na malamang ay dun sa una niya kausap na magsasabi kong maghihintay siya o hindi. “Putang ina!” mura ako ng mura sa sarili ko sa katangahan ko. Mali ang desisyon ko na sumakay agad ng pa-Cubao ng ‘di hinihintay na magreply si Alexis upang sabihin kung maghihintay siya o hindi. Lintik! Ngayon pati yung sigurado na kanina baka wala na rin… tinignan ko ang message, laking tuwa ko ng mabasa ko na mali pala ang akala ko. Ang message kanina na inakala kong galing dun sa una kung kausap ay galing pala kay Alexis: Ok, intay kita dun tapat Flimsy, sayang naman ‘di ba? Bilis, take the LRT. Naksakay na kasi me, punta na lang sana ako dun sa friend ko sa Espana.

            Nagtext agad ako sa kanya upang sabihin na nasa Cubao na ko at hintayin niya lang ako. Pagkasend, sakay agad ako ng dyip na pa Quiapo. Ang tagal umalis ng dyip, nahihintay pa ng pasahero… Dun napaisip ako, sino kaya itong kaibigan niya sa Espana…? Kaibigan nga lang ba… o Fuck buddy…? Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko, nilabas ko sa bulsa, at binasa… Galing kay Alexis: I’m seated at the steps of BPI, across Goldilocks near Flimsy, wearing a cup, cream shirt and a big back pack. Pagkabasa ko ng message, bigla na lang umariba ang sinasakyan kong jeep kahit tatatlo pa lang kaming sakay niya… harurot, overtake ng overtake, na para bang alam ng driver na may hinahabol at excited ako… nakisama…

 

Pagdating ko sa BPI, nakita ko na may nakaupo sa harap nito. Naka-cream na T-shirt, blue na pantalon, may suot na cap, maybag na kalong, pinatungan ng notebook kung saan may sinusulat ito… assignment sa eskwela… Napatingin siya sa akin… Bata pa nga siya, estudyanteng-estudayante… Nahulaan niyang ako ang kausap niya, tinunguan ko sa siya. Tumayo siya at sinilid ang notebook at ballpen sa bag. Maliit lang siya at payat, maputi, at sabi ko nga, batang-bata ang itsura, kung di nga lang siya nakasibilyan ay aakalain kung nasa highschool pa siya.

            “Tara na?” tanong niya. Tumungo lang ako ulit at nagumpisa ng maglakad papuntang Flimsy.

            “Ano yung ginagaw mo kanina, assignment mo sa school?” tinanong ko siya ng magumpisa akong mabingi sa katahimikan. Natawa siya, “Di na po ako estudyante,” sagot niya, “I might even be older than you.” British accent ang bata, napansin ko.

            “How old are you?” tanong ko sa American accent na gamit ko sa trabaho ko sa call center.

            “Twenty-five,” sagot niya. Hindi siya mukhang twenty-five, sabi ko nga mukha nga siyang high school. At tama siya, mas matanda siya sa akin ng isang taon.

 

Okay lang… malilibre naman ako sa entrance fee… Okay lang, minsan lang naman, tapos madami ng iba… pagbibigayan ko lang siya minsan… one round lang naman, siya magtratrabaho syempre… bawal pa halik sa lips… tapos shower lang… Okay na! Tapos pwede na akong mamili ng iba… madaming pagpipilian…

February 8/Tuesday

And Now I Wait

February 9/Wednesday

Degree 1

February 10/Thursday

Degree 2

Fiction

Male Club

Archival

Sign Guestbook View Guestbook

written and created by Lexan B. Orantes for Story Tellers Manila Concept & Design

28 Golden Grove St. Cor. Park St. Bartville Subd. DelaPaz Pasig City 1600 Philippines e: thirddayofjune@hotmail.com p: +63(2)4574973/+63(917)7476901