Opening Song and Prayer
[Nobena sa wikang Ingles]

Pambungad na Awit:

Inang Sakdal Linis

Inang sakdal linis
Kami ay ihingi
Sa Diyos Ama namin;
Awang minimithi.

Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria

Bayang tinubua'y
ipinagdarasal
At kapayapaan
Nitong sanlibuta.

Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria


Pambungad na Panalangin:

Pari:

Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.



Lahat:

Amen.


Pari:

Mga kapatid, bilang mga anak ng ating Banal na Ina ay nagtipon-tipon tayo sa harap ng kangyang mapaghimalang larawan upang parangalan siya at humingi ng lahat ng ating kailangan. Dahil sa tayo ay di karapat-dapat na mga anak, humingin muna tayo sa Diyos ng awa at patawad.


Lahat:

Mahabaging Ama, sinugo mo sa lupa ang Iyong Banal na Anak * Upang tubusin at iligtas kami * sa pamamagitan ng kanyan pagkamatay at muling pagkabuhay * at upang bigyan kami ng bagong buhay. * Sa pamamagitan nito * ginawa Mo kaming Iyong mga anak * upang magmahalan kami * tulad ng pagmamahal ni Kristo sa amin.
Anong limit naming malimutan ang dakila naming karangalang ito. * Nagkasala kami sa aming mga kapatid; * nagkasala kami sa Iyo * Mahabaging Ama, * patawarin Mo kami. * Tapat naming pinagsisisihan ang aming mga kasalanan. * Kahabagan Mo kami, maawaing Ama. * Lagi nawa kaming mabuhay * bilang matapat mong mga anak



Birheng Maria, Tala sa Umaga
susunod na pahina




Panmbungad na awit at panalangin | Birheng Maria, Tala sa Umaga
Panalangin sa Nobena at para sa Tahanan | Mga kahilingan sa ating Ina ng Laging Saklolo
Pag-aalay sa Ating Ina ng Laging Saklolo | Birheng Mahal | Handog na Tagapagligtas at Pasasalamat
Panalanging para sa may mga sakit | Sambahin natin ang Panginoon | Benediksyon | Pagpupuri | Aba Ginoong Maria
Personal na Debosyon | Ang Redentorista sa Pilipinas