Petitions to Our Mother of Perpetual Help
(Nobena sa wikang Ingles)
| Santa Maria | 
	 ---------------Ipanalangin mo kami | 
| Santang Birhen na ipinaglihing walang kasalanan | 
	 ---------------Ipanalangin mo kami | 
| Aming Ina ng Laging Saklolo | 
	 ---------------Ipanalangin mo kami | 
| Kaming makasalan ay tumatawag sa iyo | 
	---------- Masintahing Ina, tulungan mo kami | 
Upang paghandaan naming katulad Mo ang pagdating ni Kristo.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
	
 
Upang mapuno kami ng Espiritu Santo at maging mga magigiting na saksi sa pagmamahal ni Kristo sa tao.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang katulad mo, ay unti-unti kaming matulad sa aming mahal na Panginoon.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang kami'y maging mapagpaumanhin at mapagkumbaba katulad ng inyong Anak na si Jesus.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang kami'y matakot na lubusang masira ang pakikipagkaibigan ng Diyos sa amin dahil sa ayaw naming pagsisihang kasalanan
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang lagi naming sikaping matamo ang awa at patawad ng Diyos sa Sakramento ng Kumpisal.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang maunawaan namin na kami' tinuturuan ng Diyos sa pamamagitan ng mga panyayari sa araw araw na pamumuhay.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang manalangin kami araw-araw na may pagmamahal at patitiwala, lalo na sa mga sandali ng tukso.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang maunawaan namin ang halaga ng sama-samang pagsamba sa Diyos sa Eukaristiya.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang patuloy na mag-alab ang aming pag-ibig kay Kristo at sa kapuwa sa pamamagitan ng malimit na pagtanggap ng Banal 
	na Komunyon.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang igalang namin ang aming katawan bilang mga templo ng Espiritu Santo.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang magsikap kaming maging tunay na mga Kristiyano sa pamamagitan ng mapagmahal na pagmamalasakit sa iba.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang ipahayag naming ang dangal ng trabaho sa pamamagitan ng katapatan sa aming mga gawain.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang buong puso naming patawarin ang mga nakagawa sa aming ng masama.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang maunawaan namin ang kasamaan ng paghahangad sa sariling kapakanan na makakapinsala sa iba.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang tumulong kami na ipamahagi ang kayamanan ng mundong ito alinsunod sa katarungan.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang gamitin namin ang aming mga kakayahan para sa ikabubuti ng iba.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang tanggapin namin ang aming pananagutan sa lipunan ayon sa diwa ng tunay na paglilingkod.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang idalangin namin na patnubayan at patatagin ng Espiritu Santo ang loob ng Santo Papa, ng mga obispo at mga pari.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang pagkalooban kami  ng Panginoon ng maraming mga kabataan na may hilig na magpari, mag-ermano at magmadre.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang matulungan naming kilalanin at mahalin si Kristo ng mga hindi pa nakakakilala sa kanya.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang maunawaan namin na sa gitna ng aming mga tagumpay, kami ay nangangailang pa rin ng tulong ng Diyos.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang sa kamatayan ay maging handa kaming pumasok sa tahanan ng aming Ama sa langit.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang mamatay kaming kaibigan ni Kristo at na aming Kapuwa.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang pagdating ng kamatayan sa aming mga minamahal sa buhay kami sana'y aliwin ng aming pag asa sa Panginoong muling nabuhay.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Upang idalangin namin na ang mga yumao ay makinabang agad sa muling pagkabuhay ng iyong Anak.
	---------------------------------------------- Masintahing Ina, tulungan mo kami
Sta. Maria, * tulungan mo kami sa aming pangangailangan, ipanalangin mo ang bayan ng Diyos, *
maranasan nawa ng lahat * ang iyong walang hanggang saklolo.
Panalangin sa Nobena 
at ang
 
Panalangin para sa Tahanan
susunod na pahina
Pag-aalay ng sarili sa ating Ina ng Laging Saklolo
(sasambitin sa Unang Miyerkoles ng buwan)
susunod na pahina
Birheng Mahal
susunod na pahina