Novena Prayer
(Nobena sa wikang Ingles)

Panalangin sa Nobena



Mahal na Ina ng Laging Saklolo, * buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Hesus * upang maging Ina namin. * Ikaw ang pinakamabait, * pinakamasintahin sa lahat ng mga ina. * Buong giliw mong tunghayan * kaming iyong mga anak * na ngayon ay humihini ng iyong tulong * sa lahat ng aming pangangailangan * lalung-lalu na ang biyayang ito......(tumigil at sabahin ang iyong mga hangarin).

Noon ikaw ay nasa lupa, * minamahal na Ina, * ikaw ay buong pusong nakikiramay * sa paghihirap ng iyong Anak. * Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-Amang pagmamahal ng Diyos * tinanggap mo ang Kanyan Mahiwagang Kalooban

Mayroon din kaming mg krus * at mga tiisin sa buhay. * Kung minsan ang mga ito'y parang hindi na naming kayang pasanin. * Pinakakamahal na Ina * bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. * Ipaunawa mo na walang katapusan * ang pagmamahal ng Diyos sa amin * at tinutugon Niya ang lahat ang aming mga panalangin * sa paraang makabubuti sa amin. * Palakasin mo ang aming loob sa pagpapasan ng krus * tulad ng iyong Banal na Anak. * Tulungan mong maunawaan namin * na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ay tiyak na makakabahagi rin * ng kanyang muling pagkabuhay.

Pinakamamahal na Ina * habang kami ay nababahala sa sarili naming mga suliranin * huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. * Mahal na mahal mo sila; * tulungan mong mgaing ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila. * Samantalang idinadalangin namain ang aming mga adhikain * at mga adhikain ng lahat ng naririto ngayon * mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo, aming Ina, * tulungan mo kaming makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga may sakit * at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, * magpahilom ng sugat ng mga pusong wasak, * magpagaan ng tinitiis ng mga inaapi, * at turuan ng katarungan ang mga sa kanila'y nang-aapi * at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa Kanya.

Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan * na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit * at sa isa't-isa. * Buong tiwala naming isinasalalay * ang aming sarili sa iyong pagkalinga * at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan.

Amen




Prayer for the Home
(Nobena sa wikang Ingles)


Panalangin para sa Tahanan



Ina ng Laging Saklolo, * pinili ka naming Reyna ng aming tahanan. * Hinihiling naming pagpalain mo ang aming pamilya * sa pamamagitan ng iyong matimyas na pagmamahal. Mahigpit nawang bigkisin ng Sakramento ng Kasal * ang mga mag-asawa * upang lagi silang maging tapat at mapagmahal sa isa't-isa * tulad ng pagmamahal ni Kristo sa Santa Iglesia.

Hinihiling naming pagpalain mo ang lahat ng mga magulan. Mahalin nawa nila ang mga anak * na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila. * Nawa"y lagi silang maging huwaran ng kanilang mga anak * sa pamamagitan ng kanilang tunay na buhay-Kristiyano. * Tulungan mong palakihin * at arugain * ang kanilang mga anak * na may pagmamahal at takot sa Diyos. * Pag palain mo ang mga bata * upang kanilang mahalin, * igalang at sundin * ang kanilang ama at ina. * Sa iyong magiliw na pagpapala * tangi naming ipinagkakatiwala 8 ang mga kabataan ngayon.

Bigyan mo kaming lahat * ng pagpapahalaga sa aming pananagutan * nang matupad namin ang aming tungkulin * na gawing pugad ng kapayapaan ang aming tahanan * tulad ng iyong tahana sa Nasaret. * Ikaw ang aming huwaran *Tulungan mo kami * upang sa araw-araw ay lalong magningas * ang dalisay naming pagmamahal sa Diyos at kapwa, * nang sa gayo'y maligayan maghari ang katarungan at kapayapaan * sa buong sangkatauhan.

Amen




Birheng Maria, Tala sa Umaga
nakaraang pahina

Mga kahilingan sa ating Ina ng Laging Saklolo
susunod na pahina







Panmbungad na awit at panalangin | Birheng Maria, Tala sa Umaga
Panalangin sa Nobena at para sa Tahanan | Mga kahilingan sa ating Ina ng Laging Saklolo
Pag-aalay sa Ating Ina ng Laging Saklolo | Birheng Mahal | Handog na Tagapagligtas at Pasasalamat
Panalanging para sa may mga sakit | Sambahin natin ang Panginoon | Benediksyon | Pagpupuri | Aba Ginoong Maria
Personal na Debosyon | Ang Redentorista sa Pilipinas