|
|
|
Nag-aaral sa University of the East, Caloocan , College of Business Administration , Major in Management , si G. Leo A. So, Chinese-Filipino, ay nasa larangan ng negosyo sa loob ng labing limang taon at may-ari ng Lea's Pansit Malabon na hindi inaasahang maging tanyag sa kauna-unahang Pansit Malabon Festival . At dahil siya ay may lahing Intsik, sinabi niya na ang mga taga-Tsina ay mahilig magluto ng pansit tuwing may pagdiriwang at sinabi niya na ang Pansit Malabon ay kilala dahil sa kakaibang lasa nito. Naging interesado siya nang una niyang matikman ang Pansit Malabon.
|
|
Hindi gaya ng ibang kainan na nagtitinda ng Pansit Malabon na inanyayahang dumalo at kumuha ng puwesto para sa nasabing pagdiriwang, si G. Leo So ay ang nag-kusang sumali at kinuha ang pagkakataon dahil mayroon na din siyang kaalaman sa pagluluto. Hilig niya ang pagsali sa iba't-ibang exhibits dahil para sa kanya, ito ay makakabuti at bahagi ng kanyang sariling negosyo, at nang dahil din sa tulong ng mga patalastas katulad ng mga streamers . Maganda ang kinalabasan nito kaya naman pinahalagahan niya ang matagumpay na pagsali sa Pansit Malabon Festival ng Lea's Pansit Malabon, mula sa kanyang bunso at kaisa-isang anak na babaeng si Lea ay pinangalan niya ang nasabing negosyo. Nakipagsbayan siya sa mga tanyag na kainan ng Pansit Malabon katulad ng Rosie's Pansit Malabon, Nanay's Pansit Malabon, Tito Roy's Pansit Malabon at Kusina Filipina. Ang dalawng salik na ang nagbigay daan sa Lea's na matagumpay ay ang lasa nito, na mula sa orihinal at iba't-ibang sangkap gaya ng laman dagat at ang mababang presyo sa halaga. Kahit ang kompetisyon ng kita laban sa iba ay wala sa kanya dahil hindi niya ito hinabol sapagkat gusto niya magpasaya ng mga tao.
|
Kaya't nahikayat siya at nagdesisyon na isama ang Pansit Malabon sa kanyang plano ngayong taon. Siya ngayon ay nagsisimula na magtayo ng kanyang negosyo sa likod ng San Bartolome Church. Gusto niya na lagyan ito ng kakaibang lasa para ito ay maging kilala at tangkilikin ng mga tao. Umaasa din siya na makakapag import sa karatig bansa sa Asya. Sinabi niya din na nakita niya kung gaano naghanda at nagtulong-tulong ang mga nakibahagi sa nasabing pagdiriwang. |
final
|
|
|
|
 |