|
|
|
Sa mga panahong ang Pansit Malabon ay unti- unting sumisikat, isang maliit na negosyo ang itinayo. Ang toying's Pansit Malabon na hango sa pangalan ng tagaluto ng Pansit na si Nanay Toying. Ang Toying's Pansit Malabon ay pag-aari ni G. Ricardo Pancual at itinayo noong Agosto 1999. Ito ay matatagpuan sa Letre Road , Brgy. Longos, Malabon City , paglagpas ng Tulay ng Malabon. Ayon kay Gng. Victoria De Leon, (kilala rin bilang Nanay Toying), ang tagaluto ng nasabing establisyamento, isa sa pinaka kilala at masarap na pagkain na likha mismo ng mga taga Malabon ay ang kanilang Pansit kaya noong sila ay nagsimula, maraming ordinaryong taga lungsod and sumubok at tumikim ng kanilang tinda.
|
Tunay na masarap ang Pansit Malabon dahil sa piling mga sahog. Ang kanilang Pansit ay may 1st class na Pansit Bihon, nilagang itlog, sugpo, dila ng baboy, giniling na baboy, talaba, pusit, tinapa, chicharon at sarsa na gawa sa atsuete at ilang mga rekado. Ayon kay Gng. De Leon, itinayo nila ang negosyo sa kadahilanang ang Ekonomiya ng Bansa ay unti- unting nalulugmok at kailangan nila ng nhegosyopng magtataguyod sa kanilang pamumuhay.
|
|
Pagkalipas ng ilan pang mga taon, Silay nagagalak dahil ang kanilang negosyo ay isa na sa pinaka kilalang tindahan Pansit Malabon sa katunayan dinadayo pa ito ng Maraming tao na nakatira sa kalapit Siyudad. Si Nanay Toying ay may pagmamalaking tingin sa kanyang sarili sapagkat habang kanyang tinitignan ang mga kumakain sa kanilang tindahan na sarap na sarap sa kanilang kinakain. Kaya naghanda si Nanay Toying upang mapasarap pa ang kanyang luto. Ang ibang kawani naman ng Tindahan ay sumusunod at nakikiisa sa anumang sasabihin ni Nanay Toying upang iangat pa ang kalidad ng kanilang negosyo at gumawa ng di malilimutang pagkain para sa kanilang mga bisita.
|
Noong Desyembre, sila ay inanyayahang makilahok sa Booth Fair noong Isinagawa ang Pansit Malabon Festival. Sila din ay inimbitahang makilahok sa paghahanda ng pinaka-malaking Pansit Malabon kasama ang ibang mga kapatid sa negosyo. Pero noong mga panahong iyon, silay masyadong abala sa pagsusuporta sa kanilang bagong Tindahan sa San Pedro, Laguna. Kilnulang din sila sa empleyadong magsusuporta kung saka-sakaling sila'y sumali sa booth fair. Pero naging bahagi parin sila ng selebrasyon dahil noong panahong iyon, kalahati lang nang tunay na presyo ng pansit ang kanilang tinda. Ayon kay Nanay Toying, ipinagmamalaki nila ang mga nagsagawa ng nasabing pagdiriwang dahil nagpakita sila ng pagkakaisa para sa isang matagumpay na aktibidad. Iniisip nila na pagkaraan pa ng ilang mga taon, ang Pancit Malabon Festival ay mas kikilalanin bilang kapantay ng mga naglalakihang Festival sa Pilipinas. Mga dayuhan, bisita, o kahit ang pinaka nagniningningang mga bituin ng bansa ay makikilahok sa nasabing pagdiriwang at ang turismo ng bansa ay may posibilidad na umangat. Malamang, ang mga tao sa siyudad ay makahahanap ng mga trabaho at ang Siyudad ay unti- unting babangon. Sinisigurado ng Nanay Toying na sila'y dadalo sa Pagdiriwang ng Pansit Malabon. Sa lahat ng nagnanais na magtayo ng mga ganitong negosyo, ayon kay Nanay Toying, dapat na mahalin ang iyong trabaho at dapat may dedikasyon sa piniling trabaho.
|
|
|
|
|
|
|
 |