|
|
|
Sa tatlumpong taon ng pagbibigay serbisyo at kalidad na pagkain, walang pag aalinlangan na ang aling Rosys Pancit Malabon and kadalasang binibisita ng mga tao hindi lang dahil sa masarap, malinamnam at kaaya-aya nilang Pancit Malabon. Marami sa kanyang mga katungalgali ang naghahangad na makuha ang lasa ng kanyang gawang bahay na pancit ngunit ni isa sa kanila ang nakakuha ng masarap at orihinal na lasa.
Ginang Rosy Pacheco o Aling Rosy ay binansagang Reyna ng pancit Malabon. Ang kanyang kagalingan sa pagluluto ay nakuha niya sa kanyang ina.
|
|
Sa Hulong Dagat, kanto ng A. Bonifacio at C. Arellano, Ginang Felisa Sueco, ang kanyang ina kasama ang kanyang ama, Ginoong Silvestre Pacheco ay mayroon lamang maliit na tindahang gawa sa tatlong piraso ng yero, kawayan na nagsilbing poste, at isang kahoy ng mesang nagsilbing patungan ng m,ga kagamitan sa pagluluto. Ang mga manggagawa ng marcelo Rubber Shoes ay dinadayo ang nasabing tindahan. Tiya Binyang at Tiya Leonora, kapatid ni Ginang Felisa Sueco ay tumutulong din para sa ikauunlad ng negosyo.
|
 |
Ang tagumpay ni Aling Rosy ay nagsimula lamang sa kanyang interes sa pagtulong niya sa kanyang mga magulang. Tinutulungan niya ang kanyang ina at hindi niya ikinahihiya ang pagbuhat ng mga kaldero, humawak ng mga malalansang panrekado at hindi niya ring alintana kung maulingan man ang kanyang mga kamay. Sa pagkamatay ng kanyang ina noong 1951, ang kanyang panganay na babaeng anak na si Rosy, na kung saan ang pangalan ng tindahan ay nagmula sa kanya, ang nagmana at sinumulang patakbuhin ang negosyo. Tumanggap siya ng made to order Pancit Malabon hanggang sa nakarating ito sa mag karatig lungsod gaya ng Maynila, Ollongapo, Zambales, Pangpanga, Laguna at marami pang iba.
|
Ang sekreto sa likod ng tagumpay kung bakit maraming prominanteng tao ang bumubili sa tindahan ay meron silang sariling paraan ng pagluluto ng Pancit Malabon. Ang bihon ng kanilang pancit ay sarili nilang gawa; ang mga panrekado ay bago at me kalidad; talaba galing sa Cavite pati na rin ang hipon at alimango, tsitsaron, tinapa, bawang mula sa Batanes, itlog ng pato, patis at kalamansi. Sila mismo ang gumagawa at ngahahanda ng mag panrekado at sinisiguradong bago ito ilabas ay masarap at malinamnam. Kung ang isang tao ay may interes sa pagluluto, kailangang unahin muna nating pag-aralan ang mga lutong sariling atin dahil kung tayoy bihasa na ay madali nalang para sa atin ang magluto ng mga lutong banyaga.
Ang mga sikat na suki ng Aling Rosy's ay angkan ng mga Tanchancos, Enriles, Cojuancos, Cosetengs, Madrigals at kahit mga dayuhan. Si Bb. Lalaine Ve, 2nd Runner Up – Miss Philipiines International ay bumibili rin sa tindahan, ayun sa kanya, si Aling rosy daw ay nagsisilbi na may kasamang ngiti kaya naman marami ang nahuhumaling.
|
|
|
|
|
 |