|
|
|
Si Bb. Remedios Cruz ang anak ni Nanay ang na sa likod ng tagumpay ng Nanay's Pancit Malabon mula pa noong taong 1980. Ang pagluluto ng Pancit Malabon ay isang hilig lamang hanggang ito ay naging negosyo ng pamilya. Ang pamilya nila ay nagbebenta ng Pancit Malabon sa kanilang bahay sa Governor Pascual Avenue . Ito ay naging kilala sa maraming lugar, pati na ang mga dayuhan ay dinadayo na ito dahil sa kakaiba nitong lasa. Ang pamilya ni Bb. Remedios Cruz ay kailangan lumipat ng bagong lokasyon dahil tuwing may high tide sa Malabon hindi nila maipagpatulay ang nasabing negosyo. Sila ay nagdesisyon na lumipat sa mas ligtas na lugar kung saan ang mga tao ay madaling makapunta sa kanila upang bumili ng Pancit Malabon. Ang Nanay's Pancit Malabon ay matatagpuan sa 37 Governor Pascual Avenue , corner Santo Rosario Village , Malabon City mula noong 1984 hanggang ngayon.
|
Ang kanilang pangunahing mga sahog sa paggawa ng Pancit Malabon ay itlog, hipon (binalatan at hinati sa gitna), petchay (hiniwa), celery (tinadtad), tinapa (pini-pirapiraso), bawang, vetsin, pamintang durog, chicharon, ulo ng baboy (tinadtad), calamansi, at sarsa gawa sa cornstarch at cassava . Ang mga nasabing mga sahog ay ginagawa at hinahanda ng Nanay's Pancit Malabon para sa manamisnamis na lasa nito. Si Bb. Bernandita Ignacio, ang manager at apo ni Nanay ay tumatanggap ng suwestiyon ng mga mamimili para mapasarap at mapaganda pa lalo ang serbisyo ng Nanay's Pancit Malabon. Ang Nanay's Pancit Malabon ay binibenta ang kanilang mga produkto sa mababang halaga kaya ito naging kilala sa iba't-ibang parte ng bansa. Ang nasabing negosyo ay nagsilbing kabuhayan ng pamilya.
|

|
Ang Nanay's Pancit Malabon ay naipalathala sa mga peryodiko ( magazines at newspaper ) sa buong bansa. Ang nasabing negosyo ay naipalabas na sa isa sa kilalang broadcasting company sa Pilipinas, ABS-CBN. Marami ng opisyal ng gobyerno at kilalang artista ang bumisita na sa kainan at sila ay si Gng. Gelli De Belen-Rivera, Bb. Janice De Belen, House Speaker Jose de Venecia at asawa, Manay Gina De Venecia, Bb. Pilipinas-Universe '93 Charlene Gonzales-Muhalch, Aktress na si Amy Perez, Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo, at dating unang ginang Imelda Marcos. Ang susi kung bakit tumagal ang Nanay's Pancit Malabon ng dalawapung taon sa industriya dahil wala silang tinuturing kalaban kundi sila ay magkakapatid sa larangan na ito. Kahit kailan hindi sila nakipagkumpitensya dahil alam nila na may sarili silang originality at kakaibang lasa. Ang manager at may-ari ng Nanay's Pancit Malabon na si Bb. Bernandita Ignacio ay natutuhang mahalin ang negosyo ng pamilya dahil pagkatapos niya ng kolehiyo, siya na ang nagpalakad nito at hindi pumasok sa kanyang isip na pumuntang ibang bansa't ipagpalit ito sa mas malaking suweldo na kikitain niya sa ibang bansa.
Sila ay naimbitahang dumalo ng pinakaunang “Pancit Malabon Festival” ng namamahala ng nasabing pagdiriwang. Pumayag si Bb. Bernandita Ignacio na pumunta at inaasahan na maraming bibili ng kanilang produkto. Sila din ay naimbitihan na magluto sa pinamalaking Pancit Malabon sa pagtutulungan ng ilang kakumpitensya sa industriya. Nasabi nila na ito ay isa sa mga karanasan na hindi nila makakalimutan dahil ito ay nagturo sa kanila na magkaisa't magtulungan. Ang pangaln ng NANAY'S PANCIT MALABON ay galing sa tunay na kahulugan ng isang “nanay” dahil ipinaliwanag sa amin na sa tuwing tayo ay gutom ang tinatawag natin agad ay ang ating “nanay” na papawi ng ating nararamdaman na gutom. “Mahalin mo ang trabaho mo at masisiyahn ka sa lahat ng tungkol dito,” sinabi ng mga tao sa likod ng tagumpay ng Nanay's Pancit Malabon.
|
|
|
|
|
|
 |