These are the stories of the people of San Rymundo.

POOK NG SAN RAYMUNDO
By: Salan S. Jumain

Nang dumating ako ng San Raymundo sa pamilyang mahirap napadpad ako, Pamilyang tunay ang pagkatao. Sila ang namumuno ng San Raymundo. Ang pinuno ng San Raymundo sa taong ito ay mananatili dahil sa wala pang panahon ng pagboboto.

Nitong mga nakaraang taon ay wala masyadong gulo dahil sa mga pinuno na matatandang tao. Kaya nilang madisiplina ang mga tao sa San Raymundo.

Sa mga nakaraang taon ay naalaala ko na ang San Raymundo ay hawak ng lolo ko bilang isang Panglima ng mga taga baryo. Siya ay tumanda nang husto sa pag-aruga ng San Raymundo, ngunit nang siya ay naglaho, ni isang alaala ay walang iniwan so kanyang mga apo.

Noong Enero 11, 1968 nakaalis kami sa San Raymundo. Natalo kami sa kaso ng pag-aari ng lupa ng mga mayayamang tao. Nahirapan kaming kumuha ng isang abugado dahil ang lolo ko ay hindi nakakuha ng titulo (ng lupa na kanyang pagaari). Ang mga improvement ng lupa na naipundar ng lolo ko ay hind binigyan ng importansiya ng gobyerno, kayat kami ay natalo.

Ang dating humalo sa politika na nagpaalis sa amin ay bumagsak na rin. Pero sa kapayappan ng mga tao sa San Raymundo, sapat na rin ang kaligayahan ko na makatulong sa kapwa ko tao.

Sa kagandang loob ng Barangay Chairman ng San Raymundo nakabalik ako rito. Sana lahat ng mamumuno ng San Raymundo ay sana manatiling tapat sa kanilang serbisyo upang mabigyan ng magandang kinabukasan at mantiling malinis ang San Raymundo.

Nitong pagbalik ko sa San Raymunod may pamilya na ako at parang isang nanay ang pag-iisip ko. Sapat na ang buhay mahirap man ako. Dito sa San Raymundo buo ang pasya ko. Maganda at makulay ang San Raymundo. May palengke, may Day Care Center at Health Center; ganap na tumulong sa problema ko.

 
Salan S. Jumain