These
are the stories of the people of San Rymundo.
Barangay
San Ramundo
(An Essay in Filipino Poetry)
By: Seribel Pandang
Una
sa lahat nais kong bumati sa inyo
Ng isang magandang hapon sa lahat ng narito
Isang magandang simulain ang pagtitipon-tipon na ito,
Upang magkakilala tayo ng husto
Bago ko
isalaysay ang aking pinagmulan
Nais kong ipakilala at sabihin ang aking pangalan
Ako si Seribel Pandang na sa inyo gumagalang
Sa
lahat ng bagay dito sa mundo
Importante ang iyong pinagmulan at iyong pagkatao
Kahit saan ka magpunta
Pinagmulan mo ang
tinatanong nila
Ako
ay pinanganak sa Bongao, Tawi-Tawi
Nagtatrabaho ang
nanay ko't doon nakabase
Ngunit ang aming pamilya ay taga Siasi
Kaya't di lumaon kami doon ay umuwi
Umuwi
kami sa Siasi doon sa lola ko
Nagkasama kami ng mga tiya ko
Sila ang nagmahal at nag-aruga sa akin
At mula noon sila na ang aking kapiling
Di
nagtagal lumuwas ng Jolo ang magulang ko
Upang dito sa Jolo magtrabaho
Nagkahiwalay kami ng apat na taon pa ang gulang ko
Pero OK lang ito dahila naiwan ako sa nga taong mahal ko
Di
lumaon namatay ang tiya ko
Na siyang nag-aruga sa aking ng husto
O di ko akalain na sa kanyang pagkawala
Ay malilisan ko ang bayang pinagmula
Kinuha
ako at dinala dito sa Jolo
Nanirahan sa Barangay San Raymundo
Kasama ang mga magulang ko
At dito nag-aral at nagtapos ng kolehiyo
Nang
unang nasilayan ang barangay na ito
Sadyang kay gaan ng pakiramdam ko
Tahimik, mapayapa at malayo sa gulo
At mabait ang mga taong naninirahan dito
Ang
Barangay San Raymundo ay isa sa mga barangay dito sa Jolo
Malinis, tahimik at malayo sa gulo
Maipagmamalaki ko na kabilang ako dito
At makilala sa buong mundo
Dito
ko naranasan kung paano mabuhay
Ng walang pag-imbot at matiwasay
Kasama ang aking mga magulang na mahal kong tunay
Wala na akong mahihiling pa at hahanapin sa buhay
Dito
akong natutong maging responsable
Dito sa barangay na itong sadyang kawili-wili
Harapin ang buhay na walang pagtitimpi
At sabayan ang agos ng tadhana na iyong mapipili
Dito
nabuo ang aming pangarap
Kung ano ang darating para sa hinaharap
Kasawian, tagumpay na ngayo'y nalalasap
Pagkat ang barangay na ito ay sadyang pingpala ng nasa Itaas
Ang
buhay dito's parang daloy ng ilog
Hindi permanente, patuloy sa pag-agos
Kailangan ng balanse, pagkakaisa, pakakaintindihan ng mga mamayan
Upang ang buhay ay siyang tunay na mapayapa at malayo sa kaguluhan.
|