![]() |
|||||||||||||
|
|
These are the stories of the people of San Rymundo. Paano ako nakarating sas San Raymundo Ako’y taga Luzon sa isang bayan sa Cavite. Isa akong dating nagtatrabaho sa circus at kung saan-saang lugar ako nakarating sa Pilipinas, Ako’y nasa pangkat ng mga nasa circus mula pagkabata hangang sa aking paglaki. Sa dami ng lugar na puntahan ko, sa huli ay dito ako sa Jolo napadpad ng tadhana. Sa San Raymundo ako nanirahan pagkatapos ng aking paglipat-lipat sa ibang bayan. Sa San Raymundo ako tumagal mula nong taong 1985 hagang sa ngayon. Dito narin ako nag-asawa. Ang biyenan kong lalaki ay katoliko and babae ay muslim. Kahit na magkaiba ang paniwala nila, ay nagkakaunawaan sila. Ako’y pinagpatuloy nila sa pag-aaral hangang makatapos kahit na may tatlo na akong anak dahil sa tulong ng aking mga biyenan. At sa tulong din nila ako’y nakahanap ng trabaho bilang treasurer ng San Raymundo nong panahon ni Chairman Jubaira Izquierdo. Si Chairman Izquierdo ay aking naging idolo dahil sa marami siyang mabuting nagawa para sa mga nainirahan sa San Raymundo. Sana’y matularan siya ng maga opisyales ngayon. Noong panahon ni Izquierdo, kahit na ang mga karatig barrio ay tinutulungan niya tuland ng masunog ang karatig barrio. Dahil sa pagkakaisa ng mga opisyal at ng mga mamayan ang San Raymundo ay umunlad. Kaya ako ay naririto dahil mababait ang mga tao. Mula noong 1997 hangang ngayon ay tresorero ako ng San Raymundo. Sa lahat ng barrio sa Jolo, ang San Raymundo ang nangunguna sa kaunlaran, kalinisan at kapayapaan.
|
Marlyn
B. Tan |
||
|
||||
|
||||
|
||||