[ 1 2 3 4 5 6 ]

April 25,

second day... inassign na ni edwin ang aming gagawin this intern. either dun ka sa pagbuild ng TBI website, or dun sa JRDC financials. san pa ba si alec d ba? e di dun sa may HTML kasi yun lang ang alam ko. ngayon pala kami pupunta ng ayala, so lahat naka semi-formal kami.

Punta kami ayala! yey! sakay kami MRT... tapos punta kami ayala! yey!

inorient kaming mga interns from different schools... marami kami malamang. inisa-isa kaming magintroduce ng sarili (with microphone) and share a secret. pinakamalupet na secret yung kay RJ! samba daw si edwin! yung secret ko naman... SECRET!! kaya nga secret eh. tanungin nyo na lang ako personally.

Pagkatapos nung orientation, pinasyal kami sa glorietta, sa ayala museum, ng aming co-interns from UP manila kung saan sila nagwowork. hanggang alas7 naglalakwatsa pa kami. tapos... hindi pa kami umuwe nun, kumain pa kami sa KFC sa SM north, inantay naming magsara yung SM. kaya nakabonding ko sina Mylene, Lani at Ghel, at masasaya pala silang kasama. saya-sayang mag195 no? ang gastos! pero masaya talaga! dun ko nalaman na kelangan ko na talagang ligawan si ... kasi malaki daw ang aking chance.

April 24,

first day sa JRDC... pinagaccount kami ni edwin ng JRDC facilities, wherein kinuha namin lahat ng serial numbers ng bawat workstation, binilang yung upuan, at kung anu-ano pang puedeng bilangin. maaga kaming nadinismiss kasi may lunch meeting daw si edwin somewhere, so oras na matapos namin yung accounting, sibat na kami. yey!.

punta muna kaming BK katips, bonding... tapos hiwahiwalay na kami pauwi. kami nina RJ at Justin pumuntang engg para manghunting... andun din pala sina mylene at ghel. inayos namin yung classcards sa dep... tapos groupby grades! heheh.... bale kung kukuha ka ng classcards sa dep, ang itatanong sa yo imbes na name and subject, ang itatanong sa yo ay name and grade.

nakita ko sya, kaso di ko na naman nakausap. tsk. ang bagal ko talaga, may kasama kasi eh.

April 23,

we were oriented sa TBI ni maam mitchie at ni edwin. mukhang magiging masayang summer to para sa aming lahat. 9 kaming interns, halos lahat volcorps. kumain kami hotcake.

:: CS 195 mates ::

  • Ghel
  • Justin
  • Lani
  • Mylene
  • Ric
  • RJ
  • Wilyne
  • Yvette
  • April 22,

    pila ako sa STS. pinaalis lang kami kasi uunahin daw yung graduating this summer. hanap kami ni Justin ng isusummer, psych 101 na lang daw. pumila muna ako sa hum II kasi 1:30 pa yung enlistment ng psych 101, nakakuha ako ng 9 - 11. kaso pagbalik ko ng engg para maghanap ng kaberkz, nakita ko sina wee at yvette, may slots pa daw CS 195! e di punta ako dun. nakakuha ako CS 195! ibig sabihin, magtratrabaho ako this summer sa JRDC. lam nyo ba kung saan yun? sa may Ayala TechnoPark, yung katabi ng ASTI.

    pagkatapos kong makakuha ng CS 195, pumila kami ulit sa hum II sa hapon para magpalipat ng klas. pinalit ko yung 9 - 11 sa 7 - 9 kasi baka daw 8 - 5 yung practicum. shucks! isasabay ko ang jobbing sa pagappreciate ng art!

    :: Announcements ::

  • mga tol, san na yung bocaue natin? tuloy ba? tuloy daw sabi ni iNfesTratoR... ipon na daw tayo para maraming chix sabi nya. buti pa ako, chic lang... justin talaga oh mukhang chix!


  • summer ako hum2 at sts. kayo? ano isusummer nyo?


  • isa pa: nagsasawa na ko sa mga MP3s ko!!! Anarch, san na yung pinagagawa kong MP3 CD ng incubus?
  • Apr 21,

    Ok lang... enrollment ngayon at maikli pila! kaso lang.... ang INET!!

    pasensya na at nadelay ang pagupload ko sa site kasi napagusapang pupunta kina pascal bukas... (e di dun na ko sa libreng internet kesa punta ako kay xakly, babayad pa ko 35 per hour)

    gusto ko sanang lagyan ng Archives section itong site. nakalagay dun mga nakakatawang articles na nasulat ko(nahalungkat ko kasi yung journal ko nung CommI... wala lang, natatawa lang ako sa sinulat ko... nakakatawa pala ako... heheheh), past guestbook entries, at kung anu-ano pa. wait na lang tayong lahat.

    Apr 20,

    hmm.. alas-one na pala in the dawn. ibig sabihin... enrollment na bukas!!!

    nagCRS na ba kayo?

    Mga kelangang iCRS:

  • CS 140 (uulet ako.)
  • CS 155 (Compiler Construction)
  • CS 131 (Numerical Methods)
  • CS 198 (Special Problems)
  • EEE 9 <- kung meron
  • kung wala, magCS 120 kaya ako?
  • at isang elective: Psych? Film? Antro 187?
  • Apr 19,

    CD-ROM ko tinotopak.

    inaayos ko ngayon yung Academics sections. na-aano na nga ko kasi alam nyo kung baket? puro <li> at </li> ang nakikita ko!! gets nyo...?

    April 18,

    Yung PC ko tinotopak!!

    April 17,

    Its Maundy Thursday. im not doing anything, so i came up doing some html stuff just to show everything and everyone including myself that i am not yet a three-toed sloth evolution. i mean i am starting to be guilty about myself being so LAZY after that one heck of semester, im starting to grow a lump of lard in my belly for my being (oh-so) bed potato. my body's refusing to move with the littlest bit of finger-tip motion... already having the illusion where every move i take hurts. damn! i think i need a whole body repair, before my skeletal system plummets to smithereens. maybe im just exhausted up to the extent where everything in my physical self just dies out. hope not. i need rest, i need to relax.

    relax... hmmm. i might as well practice speaking (and writing) in English to prepare myself in dealing with thesis stuff (which is supposedly delivered wholly in English), or later with international relations (WHOA!!!). im going to graduate! HURRAY!!

    alec... ang coņo mo. hindi bagay.

    April 14,

    hi. ambilis pala ng internet dito sa SC. 20 pa per hour! at baket ako nasa SC? magpapasa ako errata dun sa project paper namin at tinatapos ko lang yung 1 hour ko. astig.

    o nga pala, tinatamad pa kong magupdate ng site. pahinga muna ko kase kakatapos pa lang ng sem ko, at after one week papasok na naman ako. at saka wala pa kong maisip na layout... mukhang peyups kaya? hehe.. sana may magandang mangyari this summer, sana sana sana!!! dun sa mga nakakarelate... help me naman oh. ang gaganda ng sinasabi nyo eh, nakaka-uto. nyehehehe...

    musta nga pala sem ko? ayos lang. naexperience ko 5 majors, 1 webdesign contest, 1 basketball tourney, 2 mahabang projects, 1 week vacation kina eymard dahil sa 192, sangkatutak na masayahing friends, at isang girl. nakilala ko rin ang napakaraming CS majors dahil sa pagiging volcorps ko, gained reputation of being the "webmaster", at ngayon ko lang nafeel na ang cute-cute ko talaga(JOKE!!!). as for the grades... 2 na line of 1 ko so far (165 and 135). di ko pa alam yung 130 ko. aalamin ko mamaya pag napasa ko na tong hawak kong file. so sana maibalik na dost ko para may pangdate ako next sem.

    April 9,

    gawa kami 192 kina Eymard. alas 4 na ng umaga, di pa kami natutulog, naliligo, kumakain, jumejebs. haaaay... hirap talaga buhay comsci. sa sabaday na pasahan nito. go groupmates!!!

    << ^ >>

    [ 1 2 3 4 5 6 ]