[
1
2
3
4
5
6
7
]
|
June 30, tsk. daming problema. badtrip yung 140. nakakabadtrip talaga si miranda. tapos gumawa kami (actually, sila) ng proposal sa thesis na nung sabado lang namin nalaman yung assigned topic. bale, hindi ako naglunch. onga pala, nilabas na ni sir quiwa yung MP at problem set na due next next week. ohmy! June 29, linggo. pero nasa UP ako ngayon para magaral. mineet ko si acel para magaral. tumambay kami sa ESC office kasi kelangang magaral. baka kasi magexam kami kinabukasan kaya kelangang magaral. so... parang date na rin yun. hehe.... kaso nga lang sumakit ulo ko literally dahil sa sobrang lalim na kausap ni acel. nagtext nga pala ng forwarded si joanne. hehe... wala lang. June 28, sabado ngayon! basketball kami with my frends sa molave ulet! kelangan kong iimprove yung leg endurance ko kasi ang bilis kong pulikatin! yan tuloy natalo kami nung second game kasi yung scorer ng team namin (ako yun!) pinupulikat! may natutunan ako kay rj! pinupulikat daw ang isang tao pag marami nang nawalang salt sa katawan, ang bilis ko kasing pagpawisan eh. grabe pa akong magpawis as in grabe! totoo ba yun? ano sa tingin nyo? at since nagbasketball kami sa open court nang tanghaling tapat... Umitim si alec. at alam nyo ba ang badtrip sa araw na to?? imbes na Mobile CRS ang topic namin sa thesis... naging Linux Distro that runs off a CD. ang sayasaya. nagpakasaya na lang kami ni aldous kina joey. inubos ko yung isang serving ng corned beef. June 27, deadline ngayon sa pagregister sa grad pic!! so malamang nagparegister na kami. ang schedule ng akong picture taking ay sa July 17, <- 20th anniversary to ng kasal ng aking parents! shucks magkakagradpic na ko! badtrip. dapat pala pumunta ako nung freshmen night. June 26, report day sa STS ngayon! ako lang ang magsasalita sa harap! ang irereport ko ay napakaboring... "Contributions of Ancient China in Science and Technology". sa title pa lang ang boring...enewei... the report went well kaso tampo si joanne. (hi joanne ulet!)!!! badtrip nga pala yung 198. bat kasi binawi pa ni feria yung topic namin? prenting prenti na nga kami sa Mobile CRS tapos binawi pa nya? tapos alam niyo ba na requirement ang blog sa thesis namin? tapos dapat daw at least twice a week yung blog entries! shucks. June 25, punta ko UP. daan muna ako dost core group kasi pinasa ko yung P18,000 ko. tapos freshie orientation pala ngayon sa engg theater! ginabi ako kasi gumawa kami STS report kina joanne para kinabukasan(close na kami!... heheheh...). June 24, nagpunta kami kina joey blockmate. nagtambol tambol ako doon. sayasaya sa kanila! may indoor basketball court kaso wala silang bola. June 21, nagbasketball ang magkakaberks sa molave nang tanghaling tapat! hirap talaga pag mataba ang legs kasi ang daling pulikatin. tapos, punta ko ng ARISE acquaintance party somewhere in cubao kasi ininvite ako ni acel. yun. ang sarap ng barbecue! June 20, nakita namin si barbie almalbis sa personal sa food court kaso malayo. ang CUTE CUTE talaga ni barbie! June 19, nagdate ulit kami ni mylene nitong gabi sa sm north. at ang mga pinaguusapan namin ay napakalalim. ang lalim ko palang magisip. June 18, yuck! thesis na kami!!! gawin namin Mobile CRS. yuck! June 16, damn! may virus PC ko! June 15, Father's day ngayon! Happy father's day sa mga tatay dyan lalo na sa tatay ko! natapos ko na rin yung cs 195 gallery! sana pahiram uli ni ayze yung digicam nya sa kin para madagdagan pa. June 14, isang kakaibang araw ito para sa lahat. una, first day sa CS 155! tapos punta kami sc para magsoli si acel ng cd na hiniram nya. tapos bumili na ko load. tapos kumain kami sa jollibee. tapos wala na kong pera. tapos may utang pa pala si acel sa kin na bente! tapos binayaran na nya yung bente! tapos balik kaming UP para mag198! kaso walang klase. tapos punta kami yakal para kunin kay ayze yung pictures! tapos talo Nets! tapos punta kami SM North! tapos nag-Worlds of fun kami. tapos nagpunta sa TOYS! tapos nagQuantum. tapos may nakita namin yung mangliligaw ni acel. tapos naglaro ulit ako capcom na 4 years ko na atang hindi nalalaro. tapos punta kaming annex. tapos hinihila na ko ni acel kasi ayaw nya sa manliligaw nya. tapos punta kaming synergy sa annex. tapos punta ulit worlds of fun naman sa annex. tapos hinatak ako ni acel kasi nandun yung manliligaw nya. tapos naggala muna kami ni acel sa carpark kasi balak naming mawala yung manliligaw ni acel. tapos bahala na si justin celo at rj dun. tapos nagtext si rj, sa a&w daw magmemeet. tapos balik na kaming a&w ni acel. tapos biglang nandun yung manliligaw ni acel! tapos binigyan siya ng drumsticks nung manliligaw nya. tapos umuwi din yung manliligaw nya. tapos nagshootshoot muna sa synergy para mangolekta ng ticket para bigyan ng boys si acel ng something. tapos nagvideoke kami! tapos naubusan ako ng boses. tapos uwi na! saya noh? since nasakin na yung pictures, magagawa ko na yung comsci galleries! June 13, friday the 13th ngayon!! MWAHAHAHAHAHAHAH!!! tapos na yung gallery kaso lang kulang pa ng mga litrato na na-kay ayze pa at hindi ko pa nakukuha. June 12, independence day ngayon. walang masyadong nangyari kasi parang isang typical na school day lamang ang araw na to... ang corny kanina kasi ayaw nya ng dewberry. June 11, first day sa 198! shucks! by 3 lang daw yung groupings! hindi matutuloy yung matrix! nawala yung architect! bale ang nangyari.... naging kagrupo ni Saboteur si betrayerOfHope tsaka isa pang girl na hindi ko kilala. kagrupo ko si mindbreaker_x at deathwing! gawa kami mobile crs. yuck! meron nga palang hindi inaasahang mangyari ngayon. nakarating na naman akong katipunan, at may nagtanong kung kelan birthday ko! sayang hindi ako umabot ng mawikina. bat kasi ang tagal-tagal nung sweldo ko sa DOST? June 10, am i supposed to be happy today? i should be. ANG SAYA KO TALAGA KANINA! kaso, ang INET talaga sa Pilipinas! leche! share ko lang, may bagong CS subject. CS 143. hehe.. hindi bagay sa yo maging mataray. June 9, talo new jersey daw. demet. masaya na naman ako kasi ang ganda na ng pamaypay ko. hehe.... kala nyo ah!! first day ng klase... shucks teacher ko na naman si erickson at si evangel. kadire!! babalik ako sa pagkabangag! hindi ko pa feel na isa na akong ganap na senior kasi past profs ko na yung profs ko ngayon. June 8, pasukan na bukas kaya bagong gupit ako. June 6, punta ko bicutan nung morning. nagpasama si sharie sa akin eh, wawa naman... e di sinamahan ko. grabe tindi na ng ubo ko. may sars na ata ko eh. June 5, tumanga ang magbabarkada sa jollibee, nanlibre si jimrobbar ng sundae cone, at may bebot sa jollibee na tinitingnan-tingnan ng magbabarkada. maya-maya ay nagkayayaan nung magpunta ng SM North dahil sa paghirit ni jimrobbar sa amin na maghanap ng chicks. ngunit tila siya ay natatameme pa rin nung may lumapit na chick kina dous at bri nung nakataya kami malapit sa national. tsk tsk... June 4, tapos na ko sa enrollment. hindi na ko kukuha ng eee9 kasi conflict sa sked. papacheck na lang ako bukas, tapos registered na ko. masaya na naman ako. tanong ko lang, bat tuwing may pagkakataon ako... may darating na hadlang? lagi na lang.... hindi mo ba napapansin? nabanggit ko na dito na nahihirapan na nga ko, pinapapahirapan pa ko... bakit ganun? parte ba yun? June 3, enrollment. 9AM ako dumating sa UP kasi parang traffic ngayon at maraming tao sa antayan ng jeep papuntang UP sa may hiway. akala ko maaga pa ko pero andun na pala halos lahat ng tao. di bale, priority naman sa pila ang mga 4th year, kaya sandali lang ako sa dep tumanga para magantay ng form5A. nabuo na nga pala yung group namin sa thesis... buo na ang the matrix! bakit the matrix? kasi ganito yun... I'm so happy today, again and again. ang saya-saya talaga. June 2, nakita ko sina brian, dous, at joey (blockmate, blockmate, at long lost blockmate respectively) sa may engg canteen nung papunta akong dep. astig. yinaya ko silang pumuntang jrdc kasi wala naman silang gagawin. naglaro kaming basketball nung hapon, ang bantay ko ay si bri, na 5'9" or something yung height, grabe.... ngayon pinagiisipan ko kung maglalaro ba ko sa nba o hinde. hehe... kaso di natapos yung laro naming 3 on 3 kasi umulan nang malakas bigla. 10 - 7 pa naman score in favor of the home team. oo nga pala, Nakuha ko lahat ng CRS ko!! 18 units! first time kong magpakasaya sa CRS! ewan ko ba kung bakit ako siniswerte ngayon... sana tuloy-tuloy na to. birthday nga pala ng cellphone ko ngayon. Happy Birthday Cellphone! bale, 3 years old na yung 3210 ko. June 1, hi. june na! tinatamad kong gawin yung gallery! wala pa sa kin yung mga pictures eh! nasa baguio. ang mga nagawa ko pa lang ngayon... naayos ko na tong mga entries ko by month, may number links na sila isa-isa. natapos ko na yung description ng summer ko. at saka, nagluto nanay ko ng ginataang bilobilo. lalabas na pala harry potter and the order of the phoenix. watch out for it sa June 21. |
<< ^ >> |
[ 1 2 3 4 5 6 7 ] |