[
1
2
3
4
5
6
7
]
|
July 31, ang saya sa psych! na26/25 ako sa oral exam ko! tapos, di natuloy yung sts report ko! yes! ang kelangang gawin ngayon ay yung MP sa 131 na sinoli ni quiwa kaso tinatamad pa ko, tsaka yung write-up ko para sa yearbook. august na pala bukas. tapos na july ko! magbabago na ko ng entry pages. July 30, latex seminar kanina kaso di ko makita yung nakasulat sa projetor. labo na ng mata ko. make up exam sa 131! wala akong sakit ngayon kaya kelangang bumawi! pagkatapos ng 131 ay kain kami ni acel sa mcdo. tapos nakita namin sila joanne at ghel sa philcoa at yinaya namin silang kumain with us. bale exam ko sa psych bukas tapos report ko sa sts. hay. bad trip! ayaw mabasa nung cdrom ko yung mp3s sa cd!! stupid cdrom! bibili na nga ako ng bago. July 29, pumunta ako sa UP para gumawa kami sa sts. inaantay ko si joanne sa taas habang ako ay nagbabasa ng human genome project (yuck geek) na irereport ko sa thursday. hapon na. matapos makipagmeet about sa sts ay yinaya ako ni joanne na pumunta ng katips kasi bibili sya ng java book, at tamang-tama puedeng kumain dun kasi hindi pa ko naglalunch. tapos punta daw kami sa kanila para gumawa ng presentation. kaso walang jeep papuntang katips! e di sa philcoa na lang kami kumain, di na lang daw sya muna bili libro ng java. bigla ba namang umulan ng malakas habang kami ay kumakain! pumunta na kami kina joanne, at dun! pinagtripan na nya yung pictures ko! nilagay ba naman sa lahat ng slides yung mukha ko! at iproproject yun lahat sa CS Auditorium!! bale, buong screen makikita yung mukha ko lang. hehe... alas12 na ko umalis dun kasi nagwarcraft pa ko. July 28, hindi ko pa naapload yung pictures sa bday ni ghel gallery kasi sira yung diskette ko, tapos naipit pa yung diskette ko na isa sa floppy drive at ayaw na nyang matanggal. suspended nga pala classes ngayon kasi sona. kaso badtrip kasi sinoli ni sir quiwa yung mp ko kasi hindi daw ako sumusunod sa specs (at sira yung diskette ko)! so, nagantay na lang kami sa dep ng gagawin after kumain. may meeting pa pala ako ng sts (kasi may report kami sa thursday) ng 2 pm kaso nagyaya si acel na manood ng sine. buti hindi natuloy kasi nagmeet kami ni joanne sa taas. tumambay lang kami nina aldous, acel at joanne dun as usual, nagwaYM kami maski nasa isang room lang kami. tapos ay napagusapang gigimik sa sm nung mga alas6 na kasi nagugutom na kami. e di nagKFC kami! July 27, ginagawa ko ngayon yung bday ni ghel gallery kaso baka hindi ko pa maupload kasi hindi pa lahat ng pictures na sa akin kasi yung binigay kong diskette kay ric na may ari nung digicam na ginamit sa pangunguha ng litrato sira kaya yung ibang jpg files hindi mabuksan. tsaka ko na lang iapload pag na sa akin na lahat ng pictures at maybago na akong mga diskettes, kasi tataas na naman ng version itong site ko. pag sinipag ako, maglalagay ko ng descriptions sa mga thumbnails sa gallery para alam nyo yung kwento. July 26, nagbasketball kami ulit sa molave as usual, practice para sa engg cup. tapos kain kami coop. tapos tambay kami thesis room. |
- July 25, 2003 - shucks, bente ka na! |
July 25, nakiepal ako sa mga magpapagradpic (wee, acel, cj, ayze, ric, yvette, ghel). ganda pala ng mga frends ko in fairness, hehe.... may pictures nga kame oh. matapos magpagradpic (at manggulo ng studio) ng mga tao ay napagusapan naming kumain sa beach house. matapos kumain ay pumunta kami ni acel sa sm. since birthday pala ngayon ni ghel, naisipan ng kanyang mga frends kagabi lang(kasama ako dun) na magambag-ambag to buy her a gift... cake yung naisip namin. so ako yung nasabihan ni lani na bumili ng cake, else sya daw yung bibili. wala kaming battery ni acel nung nasa sm kami. matapos mangolekta ng kandila ni acel ay bumili na kami ng cake para kay ghel, kasi nga ako yung naatasan. nung papunta na kaming UP ay biglang lumakas ang buhos ng ulan. ang malas talaga noh? nabasa tuloy yung cake (di bale carton lang yung nabasa). nung kami ay secured na sa loob ng engg ay biglang tumigil yung ulan. ang malas talaga noh? mayamaya ay dumating si lani at may dala rin syang cake. ngek! kinokontak pala nya ako kanina kaso lang wala nga kaming battery ni acel. bale dalawa yung naging cake ni ghel. nang dumating si ghel, nagulat (ata) sya sa kanyang nakita na may dalawang cake na galing sa kanyang mga frends na para sa kanya at sa kanyang birthday. hanggang sa nagtipontipon na ang mga tao, masaya na kami kasi kakainin na yung cake na binili ko. bad news is, may mga epal na hindi dapat kasali sa celebration ni ghel dahil hindi sila kilala ng mga tao ngunit sila ay natural na maangas na walang ibang ginawa sa buhay kundi magangas at mangasar at mambadtrip ng tao dahil mukha pa lang nila ay nakakabadtrip na at bigla na lang sila ang naging feeling bida sa celebration at ang angas angas pa at habang nandun sila ay nanggigil ako at pinipigilan ko lang sarili ko na humirit kasi baka masira yung bday ni ghel kasi baka mangaway pa ko ng maangas sa harap ng mga nagcecelebrate. whew. enewei, umalis din yung mga kumag at tuloy ang celebration. nagpicture taking na naman yung mga tao. ako ba naman yung ginawang photographist? gabi na. lahat masaya despite sa panggegatecrush ng mga hinayupak na walang kwentang tao. nagsiuwian na ang mga tao, last line nila ay "Happy Bday, Ghel" bago naghiwahiwalay. kasabay kong pupunta ng sm sina mhy at acel, may bibilhin sila at bibili rin pala ako ng sapatos na pambasketball. sa sm, punta muna kaming tatlo sa national kasi bibili si acel ng gamit at balloons para sa acquaintance party nila. ang tagal! nainip tuloy si mhy kaya humiwalay muna sya at may bibilhin daw sya sa taas at magkikita na lang kami sa rubber shoes section. after magbayad ni acel ay nagpunta na kami sa taas para bilhin yung sapatos. tapos ay inantay namin si mhy. tapos dumating na si mhy at napagusapan naming kumain... sa chowking... ililibre daw ako ni acel. habang kumakain ay ginawan ko na ulit si acel nung pangalan nya sa wire na may heart kasi nanakaw sa kanya yung unang bigay ko sa kanya nung summer. naabutan naming magsasara ang sm.... so sibat na kami! it has been a ride. nakakapagod tong araw na to (kasi ang bigat nung mga kandila na pinabuhat sa kin ni acel). everything's worth it, masaya ang mga tao, at nakapagpasaya kami ng isang kaibigan. July 24, Wala ulit 140! yes! ang saya ko talaga! kaso ang bagal pa rin ng internet sa thesis room. July 23, kinram namin ni rj yung thesis proposal na ang deadline ay sngayon. yung 18 pages na thesis proposal nagawa naming 43 pages. hehe... ang problema, down yung isang server kaya halos wala nang internet kaya hindi namin naapload yung pdf na nagawa namin. malas noh?? July 22, bumabagyo. nadatnan kong brownout sa eng. gagawa dapat kami ng thesis proposal sa thesis room kaso biglang nagbrownout. ngek. ang malas no?? tapos suspended pa yung classes nung hapon! sinali ako ni justin sa CS Men's basketball team. sinulat ba naman yung pangalan ko sa sign-up sheet?? hehe... nood kayo Engg Cup! start sa july 31 yung games. bumili na ko battery ng phone ko! July 21, ang saya ko ngayon. una sa lahat di ko nakita si miranda kasi hindi ako pumasok. tapos ay magbibigay si sir quiwa ng make-up exam sa 131 kasi marami atang bumagsak nung exam na yun. isa na ko dun kasi hindi ako makapagisip nung time na yun dahil nga ako ay may sakit. ang bait talaga ni sir!tapos ay OK na ko sa Psych kasi nakapagexam na rin ako sa wakas. pagkatapos ay sasali daw kami ni justin sa 2Ball competition sa yakal sa wednesday. tapos ay ginawan ko si joanne nung aking kinakareer na wire naming, i mean inukit ko sa wire yung pangalan nya na ginagawa ko sa mga babaeng kaclose ko. special yung ginawa ko na yun kasi usually pangalan lang nilalagay ko, kaso nagpalagay pa si joanne ng heart, star, flower at sabitan na hugis heart. (hay nakoh!) ayan tuloy yung resulta ang daming burloloy. pero ok lang natuwa naman sya eh. at pagkatapos ay walang SM North na jeep dahil sila ay nasa strike! bale naghiway na lang ako paguwi at hindi na ko dumaan ng sm. finally, cheesedog yung ulam. o di ba ang saya ko? tanong lang, kelangan ko pa bang lagyan ng descriptions yung mga pictures sa gallery?? |
|
July 20, i decided to buy myself a new phone after the second release of my stipend. kelangan ko munang bumili ng mas kelangan ko sa stipend ko ngayon kesa bumili ng bagong telepono. July 19, bat parang ang biles magupdate ng version ng site ko? siguro sinisipag lang akong magupdate... o di kaya dahil may internet connection na naman ako. enewei... here goes my story for the day... outdoor photo shoot namin ngayon (kasama sa grad pic package). dun kami sa engg steps. ang saya ko talagang tao. sumabit ba naman ako sa gate ng engg at dun ako pumosing na para akong tatakas sa klase!? tapos nagbasketball uli kami sa molave! mga tol, kelangan nating iimprove ang play number 1 para masaya! kelangan nga ba?? kelangan! ang saya ko nga pala kanina kasi... |
I sank one from half court! |
pumasok ba naman yung initsa ko galing halfcourt?? astig! swak na swak! pagpasensyahan nyo na yung guestbook ko. ang bagal ng bravenet talaga eh! siguro yun yung dahilan kung bakit hindi pumipirma mga tao. wala naman akong magagawa dun kasi libre eh. speaking of guestbook, sino sa inyo yung "someone mentioned in the site"? naintriga ako kung sino ka eh. sana mabasa mo to. naging teacher ba talaga kita o pinagtitripan mo lang ako?? saan kita naging prof?? pls tell me. natouch kasi ako sa sinabi mo. at saka pano mo nalaman yung website ko?? i haven't started reading Harry Potter and the Order of the Phoenix yet. tinatamad pa kong magbasa eh. corny na, kasi alam ko na kung sino yung mamamatay. July 18, walang masyadong nangyari ngayon. as usual sa thesis room ang setting ng school day ko. pero ang magandang nangyari ngayon, lumabas na DOST ko!! |
July 17, this is one hell of a busy day kasi:
alis ako bahay ng mga 945. nasa ako UP ng mga alas1015 tapos nagpaprint ako sa SC ng MP ko. may grad pic taking ako ng 1130. tapos may exam ako ng 1. pagkagaling ko sa SC ay nagpunta ako sa thesis room para magaral kasi wala pa kong questions na nagagawa sa exam ko mamya. hanggang 1130 ako nasa taas tapos punta na ko engg para puntahan ko yung mga friends kong kasabay kong magpapicture. ang inet pa ng polo ko. so punta na kaming studio sa bahay ng alumni. pagkatapos magbayad ay pinaupo na ko sa harap ng salamin at saka mineyk-apan nung bading! ganun pala ang feeling sa mukha nung foundation. ang pangit! ang pangit din nung feeling nung lip gloss. lalong naging parang nanunuyot yung leps ko. despite the uncomfort natawa na lang ako sa sarili ko kasi mukha akong patay! hehe.... sobrang ang kinis ng mukha ko. si rj, aldous at eymard mga kulay pink. lumabas kaming studio ng mga 1245 at may exam pa ko!! gusto ko na talagang idrop yang psych ko na yan! nakakatamad eh. enewei, lumabas na daw yung dost. wish ko lang lumabas na talaga at bibili na ko ng bagong celfone. |
July 17, 2003 Happy 20th anniversary to my parents! maski walang handa ngayon at parang walang celebration, at least we are still one big happy family. |
July 16, the first presentation of our thesis (regarding what our thesis is all about) in front of the class turned out to be quite OK. bakit kami ang hinuli ni sir feria?? kami ata pinakamamahal ni sir eh. tsaka pansin ko kami lang ang kakaibang kind ng project. puro sila research, as in research! kami wala kasi walang published documents regarding linux. skl, san ka nakakakita ng presentation na html na usually ang ginagamit ay power point?? sa amin lang! on the spot ko ginawa yung presentation namin habang nagprepresent yung mga group. heheh.... saya! today is the deadline of the CS 131 MP. however, yours truly is already at the house at wala ata syang balak magpasa ng MP on time. ayaw akong pakopyahin ni celo eh. bukas na lang kokopya ako kay CJ. so, i just treated myself a hotshots meal when i went home to motivate myself into finishing the said MP. and waddaya know, may buko juice sa bahay! astig. ewan ko ba! tama naman yung MP. kulang lang ng isang iteration. tapos tinatamad na kong gawin yun! hay. ang tamad ko talaga. enewei, it is almost 8 pm and it seems my MP is finished already. it is ready for submission, i sure do hope prof. quiwa never returns this MP to me. late ako ng isang araw kaya minus .1 sa grade ko. Grad Pic ko na bukas!!! July 15, pinagtsitsismisan ako kay mylene! and vice versa! may crush daw ako kay mylene! ano ba naman yan!?? friends kami ni mhy... di ba noh mhy?? ang hirap pala ang buhay pinagtsitsismisan. parang showbiz. as usual, tumambay lang ako sa thesis room. ang saya talaga dun! ang daming tao kanina. parang party. tapos ako yung dj sa mp3s ni aldous na dinig sa buong room. hehe... hindi ako nakagawa ng 131 na gaya ng inaasahan ko. kasi nga ang saya sa taas! i really hate my haircut today. bakit ngayon pa pinagtripan nung barbero yung buhok ko eh grad pic taking ko na sa thursday!!!??? ang bantot talaga ng july ko! sa end ng month ieenumerate ko yung mga kamalasan na nangyari sa kin for the month of july, para naman maawa kayo sa kin. kakareerin ko ba si ano oh hinde?? tanong... sino ba talaga gusto kong kareerin?? ano ba yan celo nahahawa na ko sa yo! dagdag ko lang... bakit ang dali ko nang antukin??? hindi naman ako ganito dateh ah!. nagsimula ito mula nung nagkasakit ako. alam nyo bang ang pasahan ng MP ay bukas na at heto ako ngayon tinatamad na kasi inaantok na ko!? hindi ko pa tapos yung MP, at mangongopya na lang ako sa makukuha ni pascal. July 14, badtrip na Psych yan. pinaghirapan kong isipin yung questions kaso hindi tinanggap ni maam. idadrop ko na ba o hinde? last chance ko na sa thursday (which is my grad pic day)! nakakatamad na kasing magbasa ng isang buong chapter sa libro eh. acel patulong naman gumawa ng questions oh. i am doing my MP in 131 at nagkakandaleche-leche pa yung pagcompile! bakit lumilipat ng directory yung exe file?? ayoko na tinatamad na ko. Newton na lang kulang nito at ipapaayos ko yung typecasting kay aldous bukas. gagawa pa pala kami ng technical paper at slide presentation para sa 198 due on wednesday. hay! hindi ako puedeng magpuyat!!! instructions ni daddy ko! hehe.. i seem to be lazy at about anything and everything that i must do. tinatamad na akong magaral, gumawa ng MP, magbasa, gumawa ng tanong at pumasok sa 140. parang ayaw ko nang gumaling sa sakit ko (literally). ang sarap kasing matulog. ano ba ang gamot sa katamaran??? yun lang naman ang dapat kong labanan para ako ay umunlad. ano ba kulang sa kin ngayon? feeling ko may kulang eh kaya parang tinatamad akong magtrabaho. cs 143 kaya? hmmm.... at saka... i am thinking of enrolling cs143 again with someone na baka mabigla kayo. cute ng outfit nya kanina eh. bagay sa kanya. at hindi nya ko inaway ngayon! puede rin pala si ano... at si ano... at si ano.... July 13, inuubo na ko. at sinisipon. binigyan ako ng peppermint tea (na amoy gamot at walang lasa) ni Prof. Schriever tsaka vitamin C. 'stig! we watched Animatrix at paski's house and like its parent movie, mapapakamot ka sa ulo. pero in fairness ang galing nung animation! i have this idea to keep you informed if ever i have put a new word in my glossary. currently, there are 279 words listed in it, thus its version is 1.279. im going to increment its version everytime i add a new word to it. ok ba yun? check nyo na lang yun para masaya. natapos nga pala ni mindbreaker_x yung MP sa CS131. ang galing! elibs ako tol. so ang gagawin ko na lang yung exam ko sa Psych na hindi ko matapos-tapos. nakakatamad kasi. i have to fix my gallery. i noticed that lower IE versions and other browsers seem to refuse to pop up the remote windows i wrote to pop up, which are supposed to show the blown-up images of the thumbnails. i have to cut scripting out and let those thumbnails be anchors. in that way, viewing the original images should be no problem for almost all kinds of browsers that i know. kaso busy ako eh, next time na lang. and what the hell is wrong with my computer??? July 12, punta kami kina paski para gumawa ng MP. |
|
tanong lang, ganun na ba ang tingin sa kin ng mga tao na sobrang ang takaw ko??? nung gabi ay napagkasunduang magoovernight kina pascal and team Penarmac kasi namimiss na namin yung bahay na yun. galing ako sa sakit tapos heto ako ngayon magoovernight. wish ko lang hindi ako mabinat. July 11, hindi ako pumunta ng up. kelangang magpagaling kasi gagawa ng MP bukas sa 131 kina pascal. malamang overnight yun so i need to reserve my strength. nawiwirduhan nga pala ako sa guestbook ko. kaya siguro walang pumipirma kasi ang tagal magload. kakainis.
may bago akong trip na kanta: July 10, i didn't come to school. why? duh! im sick remember? kakasabi ko lang eh. buong araw akong tulog. ang taas ng lagnat ko eh. I woke up hot. i mean hot. im sick. but i still chose to come to school for i have lots of academic stuff to do like attend the group consultation with Prof. Feria, prepare for the two exams that im going to take this evening (STS at 6pm, CS 131 after). i managed to finish the STS exam at about 20 minutes despite the excruciating headache im suffering. im so sick! sick sick sick. we went to engg theater after the STS to take the 131 exam. can you imagine a literally hot person taking two exams in the evening? i still continued to do battle with a prof quiwa exam, hoping i would still be alive after. during that dreaded time, my head ached severely i cant think. i gave up. i submitted the exam without finishing it. i think ill fail my first 131 long exam. how unlucky me. July 8, tumambay lang ako magdamag sa thesis room (from 10:30 - 6:30). may internet connection na naman ako (sa thesis room) magdamag na tulad nung summer!! tapos binigyan ako ni joanne ng tickets sa frida mamya sa film center ng 7pm. manonood ako ng sine mamyang gabi tapos may exam ako kinabukasan sa STS at sa CS 131. astig. e di yun. nanood ako ng frida. ok yung movie. daming kong nakuhang quotable quotes. alas-three AM nga pala ako natulog kasi nagaral ako sa 131. |
desoLator 1.0 na! changes include the addition of the Comsci gallery, the modification of other galleries and the unification of their layouts, and the addition of the Archives section. i also enabled right-click for the links page so that you may have the option of right-clicking the links. |
July 7, I have uploaded the new version of the site. badtrip wala akong maintindihan sa CS 131! exam na sa wednesday! STS ng 6 pm tapos CS 131 ng 7 pm! shucks! tapos exam ulet sa Psych sa thursday. tapos pasahan ng MP sa CS 131 sa monday! sheesh! July 6, I have finished doing the website for our thesis. It will temporarily be housed in my web server until we find a free server space with database access and server side scripts. I have finished the letter for someone. I have finished doing my take home exam in Psych 101. For the rest of the month, or worse the sem, i must finish everything i needed to finish. I guess that would be better for me. I really need to get myself busy to forget what i just went through, wherein everything sucked. although vague, it still sucked, big time. im so bitter. sy*t. dami kong stalker. nabuhay yung mga stalker ko! onga pala. Happy 76th birthday lola! May handaan dito sa min. may spaghetti, cake, kakanin at gulaman. July 5, I almost wrote something. Please tell me what you think about it. i may make a song out of that composition. it is originally a paragraph in a letter which i wrote for someone. sinulat ko lang lahat nung nasa isip ko nyan, hindi ko yan pinagisipan nang husto. sadyang kakaiba talaga yung lumabas. this week plainly just sucks. July 4, Everything's over. vague, but true. its too vague. i failed. anyway, we went to edwin para makuha ko na yung autograph nya. July 3, First time kong malaro Warcraft 3: the Frozen Throne sa engg lobby. lakas ng undead pucha! punta kami ni wee sa TBI kaso wala si edwin. July 1, We tinkered our workstation that we reserved. |
<< ^ >> |
[ 1 2 3 4 5 6 7 ] |