Malaking halaga sa ating utang na panlabas ang ginagamit para sa mga pampublikong proyekto tulad ng pagpapagawa ng tulay, kalsada at iba pa. Kaya naman kailangang tiyakin ng Bangko Sentral kung saan ito gagamitin at kung ito ay makakatulong sa nakakarami.
Ang mga pribadong kumpanya tulad ng PLDT ay umuutang din. Ayon kay Cynthia Marcelo, "You can not have enough funds on your own, kaya dapat yung mga project managers mahusay dahil hindi alam ng BSP kung saan nila ginagastos yung pondong inutang nila. Nasa implementation yan at pamamahala, kaya nga importante yung mga branches at sectors ng gobyerno, dapat mapagkakatiwalaan sila at dapat hindi corrupt."
Ang utang na panlabas ng Pilipinas ay binubuo ng short-term, medium at long-term na utang mula sa mga bansang USA, Japan, UK, France, at Germany, at sa ilang Multilateral Agencies at Bondholders. Ipinapakita sa Figure 2 kung magkano ang utang natin mula sa mga nabanggit na bansa at multilateral agencies at bondholders.
Ang bansang Japan ay masasabing ang pinakamaunlad na bansa. Makikita sa graph sa itaas na sila ang may pinakamalaking pautang sa ating bansa. Kaya naman nakapagtatakang isipin kung bakit mas mataas ang tingin natin sa USA na wala pa sa kalahati ang pinapautang sa atin kumpara sa Japan.
Konklusyon…
Ang utang na panlabas ay hindi isang malaking problema ng ating bansa. Hindi dahil sa tumataas ang utang ay "lumulubog" na tayo o naghihirap na ang ating bansa. Sabi nga ni Gng. Marcelo, " It is not the amount, it is how we spend the debt, kung sa tamang paraan mo ba ginagamit ito. Masasabing hindi pa tayo lubog sa utang dahil we still have the capability to pay, kung wala ka kasing resources mangungutang ka talaga. As you go along kasi may mababayaran ka pero at the same time nag-I-incur ka pa rin ng utang."
Ayon pa sa kanya, "We can not say what will happen in the future, but at present, we can say that ALL IS IN ORDER."
Ang utang na panlabas ng ating inang bansa ay implikasyon lamang ng ating pag-unlad. Sumasang-ayon ako sa sinasabi ni Gng. Marcelo, hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ang kailangan nating bigyang pansin ay kung ano ang tingin sa atin ng ibang bansa. Importante ang kredibilidad. Hanggat mayroon tayo nito ay maraming bansa ang patuloy na magtitiwala at magpapautang sa atin.