ANG KUWENTO SA LIKOD NG BAND NAME:
Naiiba sa, halimbawa, Cueshe, ang mga awitin ng Groupies' Panciteria marahil ay hindi angkop sa panlasa ng mga kabataan na makikita mo sa mga coffeeshop, sa dahilang ito'y 98% Tagalog-based Filipino na pop rock, at 2% Cebuano na ska. Kaya mungkahi ng grupo na baka ang mga magiging groupies (o fans) nila ay makikita lang natin sa pinakamalapit at paborito niyong pansitan o panciteria, kasama ang mga estudyante ro'n, mga office workers do'n, at kasama na rin ang mga may kalakihan ang tiyan na mga pulis na malimit ay makikita rin natin dito. Think Eraserheads. O early Rivermaya. O Yano. O Itchyworms ngayon. O mga Tagalog na kanta ng Orange and Lemons. Think even Parokya ni Edgar o Kamikazee, kung inyong pahihintulutan. Kaya lang sa titik, medyo may lungkot, may galit, sama ng loob, pagkapikon, banta, o di mo magugustuhang proposisyon.
Kinalap ng banda ang piling suwerteng trese sa mga orihinal na kanta nila (15 kung isasama sa bilang ang 1 punk-reggae version ng isang kanta at 1 alternative-ending for a piece) para sa inaasahang aabot ng 1:03+-oras na recording na pinamagatan nilang Heto na, Groupies' Panciteria sa isang malungkot na barangay. Ang mga awit ay puno ng swabeng social commentary, m/pare.
ANG KUWENTO SA LIKOD NG ALBUM TITLE:
Tapos, ito naman. Bakit Sa isang malungkot na barangay ang pamagat ng album?Well, wala sila noong mga masasaya o di-kaya nakakatawa o nakakatuwang malungkot na commercial radio-awitin ng mga popular (o well-marketed) na banda. Pangalawa, wala sila nung palangiting good looks at fashionistang pananamit na kinagigiliwan ng mga fans ng maraming banda ngayon. Pangatlo, wala sila niyang connections na sinasandalan ng maraming band managers. :-) At pang-apat, ang pagka-"pambarangay" ng GP ay tumutukoy sa maitim na lengguwahe at sensibilidad o sentimento ng mga taga-barangay at hindi sa kuntentong nangangati ang titing Kamikazee side nila.
Siyanga pala, maliban sa lahat ng binanggit nating iyon . . . una sa lahat ang GP ay isang bandang masasabi mong "walang sariling tugtog", ika nga, kung kaya't ang kanilang tugtugan ay masasabi mo ring pambarangay lang at di pang-rocker, dahil sila'y palipat-lipat sa maraming uri ng tugtog tulad ng pangkaraniwang taga-barangay na mahilig sa mga awiting galing sa kung saan-saang genre. Sa mga taga-barangay, hindi sila nakakatawa o nakakasuka sa gawaing ito, dahil yun din ang kultura nila. Ibig sabihin, hindi "cool" ang GP tulad ng ordinaryong taga-barangay. Sabagay, ayaw naman yata ng GP na maging cool sila na parang mga Atenistang parating may bagong Levi's at gusto lang nilang parating nangangamoy-buko.
Susuka, 'kamo? Oh yes. Marami ang masusuka sa ganitong repertoire format ng GP. Ilan ding may mga "praktikal" na utak ang magsasabing hindi makikilala agad ang banda kung ang isang kanta nito'y mala-Slapshock habang ang isa nama'y mala-E-Heads, at ang isa mala-P.O.T., ang isa reggae at punk at ang isa nama'y folk, ang isa blues at ang isa pa'y mala-Razorback, ang isa waltz, ang isa naman mala-Nirvana, at ang isa pa ro'n mala-Beatles, ganun, en so on en so port.
Tila mahihirapan nga naman mag-market nito ang isang konbensyonal ang utak na marketing guru.
Well, eto:
Unang-una, iisa ang tunog o timpla ng GP bagamat marami silang music types na inuupakan. Iisa ang "boses" sa likod ng mga lyrics ng banda. Hindi ba isa lang ang "boses" sa likod ng one-man-band na Gary Granada, halimbawa? At si Ka Gary ay may blues at folk at kung anu-ano pa, di ba? Iisa rin lang ang main vocalist ng GP. O kung me second lead vocalist man, sinong banda ang me ganun maliban sa Kiko Machine o ang soul band na South Border? Unique pa rin, di ba? At, may sariling style ang lead guitarist ng GP. Di nga ba?
Pangalawa, hindi boring ang GP, malungkot lang ang mga awit. Depressing, 'ika nga, hindi monotonous. Mungkahi nila na ang mga naghahanap ng iisang tugtog sa isang banda ay mismong sila ring di makatagal sa isang oras na pakikinig sa CD ng kanilang pinapalakpakang artist. Pagkatapos ng limang kanta, parang narinig na nila ang buong album. Sa GP, pag sinimulan mo ang CD, hindi ka na makatatayo hanggang matapos! Gusto mo ng pare-parehong tugtugan ng mga awit ng isang banda? Bumili ka na ba ng Everclear o Evanescence na CD?
Pangatlo, okey lang sa kanila kung di makikilala ang banda sa tunog o tugtog nito. Mas gusto nilang makilala ang bawat awit. Maraming sikat na banda sa tunog nila na may kinagiliwang isa o dalawang kanta lamang ang tao. Ang mga fans ng mga bandang 'to ay nabuburat naman sa ibang kanta ng mismong banda. Kamo, sisikat ang mga kanta ng GP pero hindi sisikat ang banda? Okey lang yun! Mas okey yun!!
Pang-apat, kung mahirap silang i-market, e huwag na natin silang i-"market". :-/ Hayaan na lang natin ang market. Kasi, eto: tila yata nakakalimutan natin na bihira naman i-market ang mga banda sa tunog o tugtog ng mga ito, di ba? Kadalasan minamarket ang isang banda tulad ng Nirvana o Pearl Jam sa Amerika sa kapogihan o kapangitan ng mga miyembro nito, di ba, o di kaya sa kung saan sila galing, o sa mga kuwento ng buhay ng mga elemento nito, and so on and so porth! Madali nang mag-isip at mag-imbento ng label after may maibebenta ka nang image, di ba, tulad ng label na "grunge" na mahirap naman talaga i-define, di ba? Kaya nga ang GP, after natanggap nilang wala sa kanila ang may kamukha sa Wolfgang, nag-isip na lang sila ng label tulad ng "barangay rock" na mahirap naman talaga i-define, di ba?
Pero, sa kabila nito, masagwa bang mag-market ng VERSATILITY (kahit sa isang bandang puro lungkot ang dala)? Hindi ba 'to uso? Hahahahaha. Para tayong mga pop people niyan e. Rock tayo, men! Ang rock ay patuloy na pagkuwestiyon sa mga ininstitusyong bagay sa lipunan, kaya huwag po tayong tumulong na iinstitutionalize ang rock sa pamamagitan ng mga fashionistang batas ng mga may pampayola sa mundo! :-/ Kung sasama ka sa kanila, rakista ka lang sa tunog o sigaw o hitsura, hindi rakista ang utak mo. Wala kang pinagkaiba sa isang masunuring pare. Mas rakista pa sa iyo si Madonna.
Ito lang ang huling masasabi ng GP sa isyung 'to. Maraming makikinig sa CD nila at magsasabi, "walang iisang tugtog ang mga hayop na 'to a." Pero di rin mabibitawan ang CD ng mga gunggong na magsasabi nun! Di rin nila makakayang patayin ang CD player! Sus, ginoo. Uulitin lang namin, di na kailangan pang gumawa ng mga batas na hindi makabubuti o makapagpapaligaya sa atin.
Malungkot man ang mga awitin ng GP, hirit nila na liligaya ka rito. Well, kung liligaya ka ba sa piling ng iba e, . . .
okey lang din yun. Pis lang tayo. :-)
PRENTE | PAUNANG SALITA | ISTORYA NG BAND NAME & ALBUM TITLE
LOGO | MGA TRAKS | BALITA | PHOTO GALLERY | GUESTBOOK
MGA UNANG PASASALAMAT | KONTAKIN MO, BEYBI | MGA LINKS PALABAS