Tingnan mo maigi ang logo'ng 'to.

Ang pagiging political ng banda ay nasa kulay pula rito, sa salitang "Groupies". At bagamat festive ang dating ng font sa tekstong "Panciteria", isipin na ito'y itim, at nakasalampak sa ibabaw ng sumabog na dilaw. Itong dilaw naman ay mistulang basag na itlog o di kaya sabaw ng pansit palabok na hinagis sa dingding.

Kung itong itlog o pansit palabok man ay tunay ngang hagis, para kanino ang paghagis? Sa mga politiko? Sa banda? Ayon sa isang miyembro ng GP, okey lang kung ang pambabato ay sa mga hampas-lupang miyembro ng political na bandang GP, tutal sanay naman daw sila riyan. Sige pa, hagis pa! - ito ang tila sinasabi ng logo. . . .

Aktwali nga, kung titingnan mo sa malayo, mukhang kawawang Sacred Heart of Jesus pa nga ang logo'ng 'to. Loko-loko talaga. Jaundiced na dilaw nga lang na tila taeng puso, pero napapalibutan pa rin ng pula at itim na tinik. Huwag nilang sabihing Christian band din sila tulad ng Bamboo o U2! :-) Hindi pa ba sapat na tagurian nilang "pop rock for the masses" ang kanilang tugtugan?

 



PRENTE | PAUNANG SALITA | ISTORYA NG BAND NAME & ALBUM TITLE

LOGO | MGA TRAKS | BALITA | PHOTO GALLERY | GUESTBOOK

MGA UNANG PASASALAMAT | KONTAKIN MO, BEYBI | MGA LINKS PALABAS