[ 1 2 3 4 5 6 7 ]

Aug 31,

im still sad.

Aug 30,

nanood kami ni wee ng pirates and as i promised, nilibre ko sya. nilibre ko rin sya kfc. hinatid ko sya hanggang ilang-ilang. yun. bati na uli kami. hehe.... di na ko maglalagay ng additional details. dami nang drama eh.

wala lang.... malungkot lang ako after.... naheartbroken ako para sa isang kaibigan.....

Aug 29,

something significant happened today. it may change my life, at may mga masasaktang tao.

nakita nga pala namin yung mars. wala lang. dapat sa sunken eh. kaso umuulan. naglakwatsa na lang kami, nakaabot kami sa bigshot dyan sa may delta at nagbilyar kami dun.

Aug 28,

exam sa 140. grabe ang kupal talaga ni miranda. demet. ang hirap nung exam! sobra. uulitin ko na naman ba itong @#^$%&^@#%$ na subject na to next year??? ^@#%$&^@%# yan MADEDELAY AKO NANG DAHIL DITO?? MAGTETEYK THREE BA AKO DUN SA #@^%*$^@# NA SUBJECT NA TO!!???? ANAK NG WALA SOBRANG PROBLEMA NA BINIGAY NITONG SUBJECT NA TO LAST YEAR TAPOS UULITIN KO NA NAMAN BA ITO DAHIL SA SOBRANG HIRAP NG EXAM NUNG KUMAG NA YUN??

Aug 24,

nanood kami ni acel ng finding nemo. nilibre nya ko. hehehe.... sulit yung sine! at syempre sulit kasi libre. nakakahiya na nga eh.

Aug 23,

haha! exam sa 155! ang corny ng exam sa 155!

after nun, inantay namin ni RJ si joanne sa canteen dahil papahiramin ko ng mp ko si joanne, at sabaysabay kaming aakyat sa thesis room. tumambay lang kami dun. wala lang.

at syempre, tumambay kami sa mcdo after.

Aug 22,

badtrip! kung kelang magpapasa na ako ng MP naging holiday pa! pumunta kasi ako ng UP ngayon kasi dapat magpapasa na ko ng MP para 20 points lang yung minus (2 days late, -10 points per day... nung wednesday kasi yung pasahan). e di nagSM na lang ako tapos magaaral na lang ako ng 155 mamya.

Aug 21,

astig! ang saya talagang magoral exam sa psych!! 27 / 25 ako!

gumagawa kami ni joanne ng issue about us.... heheheh... trips lang (daw). oi sa mga nakakarelate, nagrorole playing lang kami ni joanne hah! lam mo yun? yung tinitingnan namin reaction ng mga tao...

natapos ko na yung mp. kumopya na ko kay justin. napagod na ko eh.

Aug 20,

dapat nasa UP ako ng umaga kasi may Student-Teacher's Dialogue sa engg theater ng alas10 at may lecture si sir wutrich about UI. kaso late akong nagiseng. so nasa up na ko ng lunch time.

kelangan ko nang matapos yung mp!

Aug 19,

gumagawa kami mp. nilabas ni joanne yung luma nyang computer at dun kami nagcode. alas4:30 na kami natulog! may meeting pa daw si joanne nang alas8 pero hindi sya nakapunta kasi 10 na kami nagising. hehehe.... nagluto si rj ng sopas para sa amin. natulog lang ako maghapon. paggising ko may niluto pala si ivy (na housemate ni joanne) na sinigang na bangus.

inumpisahan kong gumawa ng mp. wala lang. nagfofloating point error eh. kaya tinamad na ko.

Aug 18,

monday. di na naman ako pumasok sa 140. dapat mageexam ako ngayon sa psych pero tinamad na kong gumawa ng questions kasi napasarap na ang pagiinternet ko (at dapat gagawa ako ng proposal na ipapasa dapat nung sabado sa 198). nasa taas lang ako hanggang 131. tapos nung nung sts na, wala namang sts. so sinamahan ko na lang si joanne sa SC para bumili ng load. pagbalik ko sa taas, andun sila rj, steph at dous. kinram namin yung proposal sa 198. pinalayas pa kami kaagad nung nagbabantay sa taas ng bandang 6. nung kami ay pupunta nang vinzons para sa sakayan ay humirit si aldous na magSM. pumayag si steph, niyaya ko si joanne. si wee hindi ako pinansin, niyaya ko rin kasi sya.

inantay na lang namin si joanne sa mcdo philcoa. umalis kami dun mga quarter to 7. may EB pala si aldous sa SM. kumain na lang kami sa food court nang kfc. nagpicture taking, at nagaway, at pinanood sina aldous at yung kaEB nyang si kaye kasi hindi sila nagsasalita. habang kumakain ay napagusapang magovernight na naman kina joanne. na naman?? wala kaming dalang brief ni rj. heheh...

nung pauwi na ay hindi sumama si aldous sa overnight dahil hindi na daw sya pwedeng magovernight. so nagFX kami papuntang philcoa. daan muna kami sa mercury para bumili ng food.

seryosohang mp daw ang gagawin sa overnight na yun.

Aug 17,

ilalagay ko ba dito yung description sa kin sa yearbook? saka na lang. gagawa na lang akong separate website pag nascan na lahat ng pictures ng frends ko at nakuha ko na rin lahat ng softcopy nila. wala lang. hehehe...

di ko pa nasisimulan yung mp! shucks. ang ginagawa ko ngayon eh ang pagupdate ng website na to at yung questions sa psych.

Aug 16,

syempre nagumpisa ang aug. 16 sa mcdo. nagtungo na kami kina joanne by pair. understood na magkapair si rj at steph, pero dumaan muna sila sa bahay nila steph para magretouch. nauna kami ni joanne sa kanila. hehe... naglaro muna ako warcraft.

andun kami, nakalatag sa sahig, nagkekwentuhan, nagbabonding. ang kulit kulit ni steph. alas5 na (ako) natulog nung natulog na yung mga kasama ko. hindi kami nakagawa ng MP (onti lang).

nung umaga ay namalengke kami ni joanne para sa lunch. CORNED BEEF at TUNA. pagdating namin ay umalis na si steph kasi aatend syang kasal. tinulungan ko si joanne na magluto ng CORNED BEEF, and we dubbed our dish SIBUYAS na may CORNED BEEF kasi ang daming sibuyas. nagprito pa nga sya ng beef tapa. naghugis bowl yung beef tapa at dun nilagay ni joanne yung CORNED BEEF. ang saya. syempre as usual ako yung umubos nung pagkain.

Aug 15,

mimeet ko si joanne nung umaga sa thesis room para gawin yung write-up namin. mayamaya'y dumating si steph at si rj. hanggang magkayayaang pumunta sa katips, kasama namin si aldous. maghapon kami sa jollbee katips, nagkwento ako tungkol kay superman. bumalik kami sa taas para i-cram yung write-up na hanggang this day na lang ang pasahan. pati ba naman write-up kinakram?

nung matapos maprocess ang claim ng contact prints namin, (na hindi ko kamukha yung nasa contact print ko), nagyaya sina steph at joanne na magovernight kina joanne after magSM para gumawa DAW ng MP sa 131. hehe... nabadtrip ako kasi... basta... hindi natuloy yung sm kasi inantay namin si aldous at lj at gabi na at malakas yung ulan at badtrip ako... so sa Mcdo philcoa na lang kami kumain. hanggang 12:30 ng gabi kami nandun. hindi sumama sa aldous kasi kelangan na nyang umuwe.

Aug 14,

may topak yung floppy namin sa thesis room, kaya hindi ako makapagupload.

napagod ako kagabi kaya nahirapan akong bumangon ngayon. kaya hindi ako nakapasok ng 140. pagdating ko sa UP mageeleven AM na. late na kong isang oras sa 140! pero nung pagsilip ko sa room, walang tao. yehey! swerte!

tapos nanood kami laban ng CS vs. GE sa narra. w-ell.... ang score ay 98 - 46. pucha parang pinaglaban mo ang US Dream Team 1 sa UP maroons. (ay mas matindi kakalabasan nun!! siguro hindi makakascore UP.)

tapos ginawan ako ni joanne ng write-up ko. ginawan ko rin sya ng write-up. sa mcdo. until dumating si kuya go. hehehe... ang sweet nila! at hanggang ngayong hatinggabi ay gumagawa ako ng writeup... hehehehe.....

daming gagawin. MP sa 131. write-up for tomorrow. proposal 198 sa sabado. psych exam sa monday. deym. magbabayad pa ko bukas ng yearbook. 1500 lang naman. deym ulet.

namimiss ko na si ano... nakakamiss din talaga yung taong yun. wala na syang load eh. di ko pa sya nakikita madalas.

Aug 13,

bday nina wilhelmina (na classmate ko since grade 1), ayze at esti (CS mate)!

nagprogress report kami kay sir feria tungkol sa aming thesis. wala lang. sana maganda yung distro na magagawa namin kasi may "grant" daw kaming matatanggap after ng project.

exam ko sa STS ng alas6. wala rin lang. natapos ko yung exam in 15 minutes kaso hindi ako yung nauna (kasi inantay ko pa si joanne na magsimula...). exam ko rin sa CS 131! ang hirap nung exam. nakalimutan ko kung pano yung kaczmarz.

Aug 12,

haha! talo na naman kami sa IE as usual. ayaw na naming maglaro!

daming tao kanina sa taas. ginawa ko yung progress report in tagalog,(for transcribing later...) na ipapasa kay sir feria bukas. nung bago umuwe, niyaya ni rj si wilyne para sa akin (date na naman) na kumain ng sundae.

exam na pala bukas sa 131. wala lang. ongapala, sts! kelangan pa bang magaral dun? WRITE-UP!

Aug 11,

badtrip nakita ko si miranda ngayon....

matapos maglunch sa engg canteen ay napagusapan naming magkakaberks na maglaro ng basketball sa narra. kaso nung pumunta kami dun, di daw puede sabi nung guard. tapos naisip ko na may court sa bandang casaa. pumunta kami dun, kaso may mga nakapark. so nagikot kami para pumunta ng Area 2. kaso daming naglalaro nung pagdating namin dun. so hindi puede. may alam daw si justin na court sa bandang PCED. so nag"hike" kami papunta dun. kaso yung isang court dun, naging volleyball court. so hindi ulet puede. yung court naman sa may PCED, mukhang secured na secured sa mga outsiders so malamang hindi puede. hanggang nakita na lang namin yung court sa bandang IC, dun na kami naglaro. heheh..

nadrowing ko nga pala sa isang caricature yung prof namin sa STS. binigay ko nga sa kanya eh. astig. talent na naman!

kelangan ko nang gumawa ng write-up (nagpapagawa pa si joanne ng write-up nya in C). kelangan ko na ring magaral sa 131! exam na sa wednesday! kasabay ng STS! ngak!

Aug 10,

nakakatamad nang magaral... tsk. wala akong maintindihan sa 131! ay maleh! nakakatamad lang palang intindihin. nakakatamad din gawin. nakakatamad! matutulog na nga lang ako.

Aug 9,

bday ni charisse ngayon! ako yung inutusan na bumili ng card sa SC.

wala lang. nagaway lang ang penarmac tungkol sa 198. hindi ko sila maintindihan! paano pa gumawa ng initrd?

Aug 8,

nung una boring buhay ko. akala ko walang mangyayaring exciting ngayong araw na to. wala kasing masyadong tao sa thesis room buong araw. nagiinternet lang ako, inaayos ko yung website namin sa 198, ang lamig lamig pa, lakas pa ng ulan sa labas... parang kakaiba sa araw ko ang walang makausap na babaeng puedeng careerin (hehehe... bad!). pero nung kami ay pauwi na (actually, nung mangangareer na yung mga kagrupo ko... ako lang yung walang partner.), isang miskol lang (ay dalawa pala) nagkaroon ako bigla ng date!

gabi na naman ako umuwi, with a little help from wilyne, acel at rj. nagbonding na naman kami sa mcdo (dapat sa chowking), wala si aldous kasi nangareer ng iba.

inayos ko hanggang madaling araw yung website namin sa 198. may entries din ako dun at nakakatamad nang isulat dito. puntahan nyo na lang. di ko pa pala alam gagawin ko sa impending 131 duo disaster exam at MP. papaturo na lang ako kay joanne.

Happy Birthday, Mae!
- Aug 7, 2003 -

Aug 7,

matapos kong magdayoff kahapon ay naging makulay na naman yung buhay ko ngayon. dami talagang nangyayaring exciting!

wala na namang 140! masaya araw ko pag di ko nakikita si miranda eh.

naapload ko na yung website namin sa 198 na ginagawa ko kagabi: http://engg.upd.edu.ph/~penarmac/

bakit nung nagsecure-shell ako sa web server ng engg biglang nawala yung internet?? HALA!! baka ako may kagagawan nun!!

sabi ni charisse may bagong chismis na naman daw (malamang tungkol sa akin na naman yun kasi sa dinamidami ng tao dun sa kin pa sinabi!). tsk. ano na naman kaya yun?

sinoli na ni sir quiwa yung make-up exam namin! pasado ako! kinuha na rin namin yung first exam ko sa sts, pasado ulit! ang saya!

ginawan din nga pala ako ni joanne nung pangalan ko sa wire... tapos pinadalhan nya ko ng picture message na pangalan ko.... ginawa nya yun habang katabi ko sya sa sts.

buti na lang at wala akong date ngayon kasi gagabihin ako ulit kung meron. bday kase ng kapatid kong babae ngayon. 17 na sya. kumain kami sa mcdo munoz, nilibre ako ng kapatid ko. grabe ang LAKAS nya talagang kumain! daig pa nya ko eh. at hindi lang yun! nauna pa nya kong matapos kumain! at naubos nya yung fries nya. lahi ba namin ang matakaw?

pinagiisipan ko ngayon kung ibabalik ko yung geocities guestbook ko... wala nang pumipirma sa bravenet guestbook ko eh... ang bagal kasing magload.

Aug 6,

bday ng kapatid ko bukas! hindi ako pumunta ng UP ngayon kasi lakas ng bagyo, kaya tinamad akong bumangon. nagaral nga pala ako kanina ng 131 kaso hindi ko maintindihan yung readings. papaturo na lang ulit ako sa mga tao.

Aug 5,

first game namin sa engg cup vs. ME. guess what? tambak! tambak kami! haha! ano ba naman kasi yung kalaban namin may uniform, may coach (as in coach na gurang), may audience, may plays, may formation, may varsity pa sa kanila, ang tatangkad pa nila... tsk... tapos kami wala man lang uniform, suporta, coach.... kaya asa pa na magchampion ang cs sa engg cup. at saka hindi kami nakapagplay number 1 kasi madulas at saka wala ako sa sarili ko. pero maski na! talo pa rin kami. tinatamad na tuloy akong maglaro ulit.

tapos naglunch kami ng aking mga long lost nco batch mates sa casaa. wala lang. dami kong natutunang jokes sa mga kumag na yun.... heheh... like for example:

* ano tawag sa asong lumilipad?
* ano tawag sa asong naglalakad sa pader?
* ano tawag sa manok na kumakain ng bato?
* ano pagkakapareho ng tinidor sa aso?

at saka:

May magkakabarkada... isang tagaUP, Ateneo at La Salle. Dito pa lang ay alam nyo nang joke ito.

Hahahahah..... its nice to make kupal kupal with them again.

enewei, tinxt ako ni wee at nood daw kami sine "so close" sa film center, ililibre nya ko. syempre... sino bang hihindi sa libreng sine?

parang the matrix yung movie... yung maraming monitor sa harap ng operator na naggaguide sa yo magkapareho! yung fight scenes (pati yung pagdodge ng bullets) may magkakapareho! pero ganda pala ni Shu Qi sa movie, ayoko kasi sya sa picture lang eh.

:: desoLator 3.0 ::

  • syntax 1.282...
  • Bday ni Ghel gallery...
  • Gallery 4.106
  • Archives 1.15...
  • Image na yung desoLator™
  • august na!
  • Aug 4,

    bago shoes ko... at hindi ulit ako pumasok ng 140... at nakuha ko na yung ibang pictures sa site ni Ric... at exam ulit sa psych... at na-miss ko yung picture taking ng ECR Volcorps... at napasama ako sa picture taking ng Engg Choir bigla... at presentation ngayon sa sts... at natawa sila sa presentation namin dahil sa mukha ko... at nagbonding na naman kami ni joanne with aldous... at bumili ako ng pugad baboy kinse... at ginagawa ko na naman itong gallery...

    Aug 3,

    nakapa ko na yung Mr. Suave! malapit ko nang mabuo yan! maglalagay ako ng tab dito. kaso di pa puede kasi aral muna ko maraming subjects. acads muna tol.

    but, i hereby declare my new favorite senti song, Ted Hannah! ang senti ko dito mga tol! pakinggan nyo. ang senti talaga! ramdam ko eh.

    nagpagupit nga pala ako ngayon. badtrip inararo na naman buhok ko. tsk.

    Aug 2,

    nakigulo ako sa SM ngayon. bumili ako ng new shoes (na naman), at saka medyas at saka yung bagong album ng parokya, Bigotilyo. bili kayo nito! astig.

    hindi ba dapat masaya dapat ako ngayon kasi may mga bago akong gamit? pero parang ang senti ko ngayon. lalo ngang nagpasenti sa kin yung kanta ng parokya na "Ted Hannah". yung lyrics nya parang.... ang senti ko ngayon.....

    Aug 1,

    nanood kami Tomb raider... last full show. tapos sale sa SM Ngayon!!

    << ^

    [ 1 2 3 4 5 6 7 ]