HOME OF THE Home

Primer ERAP RESIGN
home
WORKS
In Depth wth Foreign Debt
The Growing Philippine Debt Crisis
Praymer sa Pagpapatalsik Kay ERAP
"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"
READ THE NEWS!!

Valentines Special Feature
links
SITEMAP
Sign our Guest Book
about us email us

PRAYMER SA PAGPAPATALSIK KAY ERAP

ERAP RESIGN! Ano ang Iskandalo ng Jueteng Payola?

Ang Iskandalo ng jueteng payola ay ang pag-akusa ni Gov. Chavit Singson kay Pangulong Joseph Estrada, na tumatanggap di umano ng halagang P200 milyon mula sa jueteng at ibinubulsa ang halagang 130 milyon mula sa buwis sa tobacco na dapat ay mapupunta sa mga magsasaka ng Ilocos Sur.

Ano ang naging bunga ng iskandalong ito?

Dahil sa isakandalo ng jueteng payola, tuluyan nang nawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa kakayahan ng Pangulo na mamuno sa pamahalaan. Ito rin ang muling nagbukas sa oposisyon at ibat-ibang anti-ERAP na hanay upang pasiklabin ang pagpapaalis kay Pangulong Estrada sa kanyang katungkulan. Ang panawagan ng simbahang Katoliko sa pamumuno ni Jaime Cardinal Sin ang naging mitsa ng sunod-sunod na panawagan sa pagpapatalsik kay ERAP. Dahil dito nabuo ang iba't ibang alyansa at organisasyon na may iisang layunin: ang pabagsakin ang administrasyong Estrada.
May iba't ibang panawagan ang mga oposisyon: Impeachment, Resign o Patalsikin.

Ano ang impeachment?

Ang impeachment ay isang ligal na paraan na nakatakda sa ating1987 Konstitusyom para masiguro na ang mga matataas na opisyal ay hindi gagawa ng katiwalian o paglabag sa batas at pag-abuso sa kanilang kapangyarihan.
Ayon sa Artikulo XI Seksyon 2 ng ating 1987 Konstitusyon, "Ang Pangulo, ang Pangalawang Pangulo, ang mga Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, ang mga miyembro ng Komisyong Konstitusyonal, at ang Ombudsman ay maaaring alisin sa katungkulan sa pamamagitan ng impeachment, sa pagpapatunay sa pagkakasala sa paglabag ng Konstitusyon, pagtataksil, pagpapasuhol, "graft and corruption," iba pang mabibigat na krimen, o pagkanulo sa pagtiwala ng bayan. Lahat ng ibang opisyal ay maaaring mapatalsik sa katungkulan ayon sa itinakda sa batas ngunit hindi sa pamamagitan ng impeachment."


[PAGE 1] [PAGE 2] [PAGE 3] [PAGE 4]

home





Copyright © 2001. The Supervixens.
Sheryle Pablo and Dinah Silverio.
All Rights Reserved.
University of the Philippines,Diliman Q.C.