HOME OF THE Home

Primer-ERAP RESIGN
home
WORKS
In Depth wth Foreign Debt
The Growing Philippine Debt Crisis
Praymer sa Pagpapatalsik Kay ERAP
"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"
READ THE NEWS!!

Valentines Special Feature
links
SITEMAP
Sign our Guest Book
about us email us

PRAYMER SA PAGPAPATALSIK KAY ERAP

Sino ang papalit kung sakaling kusang nagbitiw ang Pangulo?

Ayon sa Konstitusyon, Artikulo VII, Seksyon 8, "Ang Pangalawang Pangulo ay dapat maging Pangulo na manunungkulan para sa di natapos na bahagi ng taning na panahon ng panunungkulan. At kung sakaling hindi maaaring pumalit ang Pangalawang Pangulo, ang Pangulo ng Senado ang itinalagang manungkulan bilang Pangulo."

May iba pa bang paraan para mapatalsik si ERAP?

Maraming paraan upang mapatalsik si ERAP, mapa-ligal man ito o iligal. Ang impeachment at kusang pagbibitiw ay ang mga ligal na paraan. Ngunit marami ang hindi nagtitiwala at hindi umaasa sa impeachment at sa kusang pagbibitiw ni ERAP. Dahil dito maraming alyansa ang nabuo na nagnanais na mapatalsik ang Pangulo sa kanilang sariling mga paraan na hindi naaayon sa Konstitusyon.

Ano ang "Civil Disobedience"?

Ang Kongreso ng Mamamayang Pilipino (KOMPIL II) ang samahang naglunsad ng "civil disobedience" laban sa pamahalaan kapag hindi bumaba sa tungkulin si ERAP.
Sa ilalim ng "civil disobedience", ang lalahok na mamamayan ay hindi magbabayad ng buwis at hindi susunod sa mga batas ng pamahalaan at iboboykot nila ang produkto ng mga kumpanyang kapanalig ng administrasyon. Magsasagawa rin ang grupo ng malawakang kilos protesta upang hikayatin ang mga mamamayan na maki-isa sa pagpapaptalsik sa Pangulo.

Anu-anong alyansa o organisasyon ang nagkakaisa para patalsikin ang Pangulo?
Maraming organisayon ang nabuo laban sa administrasyong Estrada at ang mga ito ay may iisang layunin, ang patalsikin ang Pangulo sa kanyang katungkulan sa pamamagitan ng mga mapayapang kilos-protesta at mga prayer rally.

Ang MASA ay isa sa mga alyansyang nabuo, na naniniwala na dapat nang patalsikin ang administrasyong ERAP hindi lamang dahil sa mga kontrobersya at iskandalong kinasasangkutan ng Pangulo kung hindi dahil na rin sa kanyang kontra-mamamayang patakaran at polisiya na nagdulot ng ibayong hirap at panunupil sa mamamayang Pilipino. Kaya't ang pangkalahatang panawagan ng MASA ay "Patalsikin ang Gobyernong ERAP at itayo ang tunay na Gobyerno na mamamayan.


[PAGE 1] [PAGE 2] [PAGE 3] [PAGE 4]

home





Copyright © 2001. The Supervixens.
Sheryle Pablo and Dinah Silverio.
All Rights Reserved.
University of the Philippines,Diliman Q.C.