HOME OF THE Home

Primer ERAP RESIGN
home
WORKS
In Depth wth Foreign Debt
The Growing Philippine Debt Crisis
Praymer sa Pagpapatalsik Kay ERAP
"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"
READ THE NEWS!!

Valentines Special Feature
links
SITEMAP
Sign our Guest Book
about us email us

PRAYMER SA PAGPAPATALSIK KAY ERAP

Paano ba ang proseso ng impeachment?

Una, ay ang paghain ng kaso. Ito ay maaaring ihain ng sinumang miyembro ng Kongreso.

Ikalawa, ay ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Komite sa Hustisya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso(House of Representatives). Ang report ng Komite ay dapat aprobado ng 1/3 ng kabuuang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso o 75 na Kongresista, bago ito litisin sa Senado.

Ikatlong hakbang ay ang paglilitis. Ang Senado lamang ang tanging may kapangyarihan para litisin ang kasong impeachment. Upang maipatupad ang impeachment, kinakailangan sang-ayunan ito ng 2/3 ng lahat ng miyembro ng Senado.

Sa katunayan, ang impeachment ang pinakamapayapang paraan upang mapalitan ang Pangulo ng bansa at maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Nagsisilbi itong babala sa Pangulo upang magbago para sa ikabubuti ng bansa at ipinapahiwatig ng impeachment na hindi papayagan ng taongbayan ang maling pagpapalakad ng gobyerno kahit ang pinakamataas pa sa katungkulan ang nasasangkot.

Ano ba ang Nilalaman ng "Articles of Impeachment"?

Nakasulat sa "articles of impeachment" ang mga kasong kinasasangkutan ng Pangulo. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

Una, ay ang kasong pagpapasuhol (bribery). Ito ay ang pagtanggap niya ng pera mula sa jueteng na ayon kay Chavit Singson ay nagkakahalagang P200 milyon. Kasama rin sa kasong ito ang patanggap ng Pangulo ng P130 milyon mula sa buwis ng tobacco.

Ikalawa ay ang kasong "Graft and Corruption". Ito ay tungkol sa pagnenegosyo ng Pangulo na labag sa batas. Sinasabi na maraming kumpanya ang mga anak, at ina ng mga anak ni Pangulong Erap. Hindi maipaliwanag kung papaano niya ito nakamit sa ganoong ang kanyang statement of assets and liabilities ay nagsasabing ang kanyang pera ay hindi naman sapat upang mapalago ng ganito.

Ikatlo ay ang pagtataksil sa publiko. Ilang buwan pa lamang sa kanyang panunungkulan, inimpluwensyahan niya ang PAGCOR na magbigay ng kontrata para sa on-line bingo. Ito ay walang bidding at hindi alam ng publiko. Kasama rin dito ang di-mapaliwanag na mga ari-arian ng Pangulo at marami pang iba uri ng pagtataksil.

Ikahuli ay ang walang patumanggang paglabag sa Saligang Batas. Kasama dito ang isyu ng Luxury cars na ipinalabas niya sa Customs upang gamitin ng mga miyembro ng Kabinete. At ang pag-appoint niya ng mga Kabinete sa maraming posisyon, na labag din sa batas.

Ligal ba ang kusang pagbibitiw?

Ang kusang pagbibitaw sa katungkulan ay isang ligal na paraan na naaayon sa Saligang Batas. Malinaw na nakasaad sa Artikulo VII, Sekyon 8 ng ating Konstitusyon na ang Pangulo ay maaaring mapalitan sa tungkulin dahil sa pagkamatay nito, permanenteng pagkapinsala, pagkatangal sa tungkulin(impeachment) o pagbibitiw(resignation). Maaaring kusang magbitiw ang isang Pangulo kung nakikita niya na karamihan sa mga mamamayan ang tumututol sa kanyang patuloy na panunungkulan. O kaya naman ay kung nababatid niya na lubhang maselan ang kalagayan ng bansa na bunga ng malawakang kaguluhan sa lipunan.

[PAGE 1] [PAGE 2] [PAGE 3] [PAGE 4]

home


Copyright © 2001. The Supervixens.
Sheryle Pablo and Dinah Silverio.
All Rights Reserved.
University of the Philippines,Diliman Q.C.