|
WORKS
•
In Depth wth Foreign Debt
•The Growing Philippine Debt Crisis
•Praymer sa Pagpapatalsik Kay ERAP
•"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"
READ THE NEWS!!


SITEMAP
Sign our Guest Book
|
PRAYMER SA PAGPAPATALSIK KAY ERAP
Opsyong Rebolusyon: "Extra-legal" na paraan?
Ang rebolusyon ay isang klase ng pagkilos na "extra-legal", at kapag ito ay naging matagumpay, ito ay nagiging ganap na legal.
Ang rebolusyon ay bahagi na ng kasaysayan ng mga Pilipino. Ang Himagsikan ng 1896-1898 at ang Himagsikan sa EDSA noong 1986 at kinikilalang ambag ng ating bayan sa pagsulong ng kalayaan ng tao.
Isa ang mapayapang rebolusyon sa mga opsyon ng mga militanteng grupo at mga alyansa at organisasyong ayaw kay ERAP, kung sakaling hindi makamit ang katarungan na hinhangad ng taong bayan sa isinasagawang paglilitis (impeachment) sa Pangulo. Ang pagtiwalag at pagtalikod ng mga opisyal ng Gobyreno at pakikiisa ng mga ito sa sambayanan, ang maaaring mag-usig sa Pangulo upang mapilitang magbitiw sa kanyang katungkulan.
Kudeta: iligal na paraan?
Ang Kudeta ay isang iligal na paraan upang tanggalin ang isang pinuno sa estado. Ito ay iligal sapagkat ito ay uri ng armadong pakikibaka na gumagamit ng karahasang naggagaling sa isang pangkat.ng militar at hindi sa buong sambayanan. Mapanganib ang isang kudeta sapagkat walang katiyakang bibitiwan ng militar ang kapangyarihang inigaw nila.
Hindi ito ang solusyon sa problem ng ating bansa, dahil hindi na kailangan pang dumaloy ang dugo at kumitil ng buhay para makamtan ang hinahangad ng mamamayan. Maraming paraan at solusyon sa mga problema ng bansa at hindi ito kudeta.
Anu ang dapat gawin ng mga taong bayan na ayaw kay Erap?
Tama na ang dalawang taong pagtititis sa bulok na pamamalakad nd administrasyong Estarda. Ang taong bayan na ayaw kay ERAP ay dapat sumama sa mga kilos-protesta sapagkat ito ay kasama sa kanilang karapatan. Ito ang diwa ng demokrasya. Ang kapangyarihan ay nasa mamamayan. Kailangan magkaisa para mapatalsik si ERAP.
Sheryle C Pablo
[PAGE 1]
[PAGE 2]
[PAGE 3]
[PAGE 4]

Copyright © 2001. The Supervixens. Sheryle Pablo and Dinah Silverio. All Rights Reserved. University of the Philippines,Diliman Q.C. |
| | |