Sa mga kadahilang ito ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga maykayang
miyembro ng lipunan na ipadala ang kanilang kapamilya, lalo na ang
kanilang mga anak sa Europa upang mag-aral subalit hindi lahat ay nagsilbi sa
kanilang tungkulin. Sa mga eksilo noon, sina Jose Rizal, Marcelo Del
Pilar at Graciano Lopez-Jaena ang mga pinakamatanyag. Mahalaga din ang
mga papel nina Gregorio Sancianco, Julio Lorente, Valentin Ventura, at
Maximo Viola. Umalis sila at marami pang iba sa pamamamayani ng klima
ng persekusyon o pagmamalupit laban sa kanila na nagpapahayag ng
patriotismo't nasyonalismo sa pamamagitan ng mga progresibo't liberal na
paniniwala. Sa pagsulong ng adhikaing repormasyon sa pagkakapantay-pantay
ng mga Pilipino at Kastila, representasyon sa Cortes, edukasyon,
pagpapatalsik sa mga prayle at sekularisasyon ng mga parokya at iba pa,
nahubog ang ideya na isulong ang ating karapatan gaya ng kanilang nasaksihan
at naranasan sa Madrid na malaya ang pagpapahayag ng mga pananaw kahit
anti-klerikal at ang pag-oorginasa ng mga masoneria upang makatulong sa
isang kolektibong pag-aaklas. Kaya naman, naitatag din ang Indios
Bravos na ang pangunahing layunin ay ang gawing kapuri-puri ang
pagpapapahalaga sa sariling lahi sa pamamagitan ng pagpapatingkad ng mabubuting
katangian na posibleng makahikayat sa Kastila na iwasto ang maling gamit
sa katagang Indio at ibahin ang tingin sa bayang sakop.
Bagamat hindi naging madali ang mga buhay-buhay nga ating mga eksilo,
tiniis nila ito ng kusang loob at pinili ang maninidigan. Isa pang
napakahalagang aparato ng mga Propagandista ang mga pahayagan at aklat.
Dahil sa nalikom nilang kaaalaman sa maraming unibersidad, naipahayag
nila sa pamamagitan ng mapanutyang salita, larawan at iba pang anyo ng
sining ang kanilang sentimiyento sa bayan. Liban pa nga sa indibidwal na
kontribusyon, malaking tulong din ang pagbubuklod nila. Mas malawak
ang diskusyon dahil sa regular na pagkikita-kita at palitan ng mga ideya.
Dahil sa pagkakaroon ng halos magkaparehong adhikain, namuo ang isang
mas malakas na tinig upang ipaabot sa Espanya ang mga hinaing bagamat
kanya-kanya ring pagdulog sa pamahalaan.
Masasabi na nangingibabaw ang prinsipyo ng "pen is mightier than the
sword" dahil karaniwan ang pagkaroon ng pseudonym para sa mga tulad ni
Graciano Lopez-Jaena bilang Diego Laura at Marcelo del Pilar bilang
Dolores Manapat, gayundin si Jose Ma. Sison bilang Amado Guerrero na
sumulat ng Philippine Society and Revolution. Ibig sabihin na ang
pangunahing resort na ginagamit ng mga eksilo at mas epektibo ay ang
kapangyarihan ng teksto upang ipamulat sa nakararami. Sa isang banda, hindi na
marahil libro lang ang means ng pagtataguyod upang impluwensiyahan ang iba
kundi ang teknolohiya. Sa mga hakbang na ito ang nagiging solusyon ng
mga Propagandista masasabing nagtagumpay sila. Mula sa asimilistang
paniniwala ay tumungo sa pagiging separatista. Kahit naman na hindi
adhikain si Sison na humiwalay ang Pilipinas sa anumang mananakop,
ipinaglalaban lang niya ang "paghiwalay" sa imperyalismo at kapitalismo, at ang
kanyang pamamaraan naman ay ang Communist Party of the Philippines
(CCP) at ang armado nitong grupo na New People's Army (NPA) kasama ang
National Demoractic Front (NDF). Makikita natin ang trend ng mga eksilo na
dahil sa panimulang hakbang na ipagbigay alam sa kanilang kababayan ang
bagong ideolohiya ng demokrasya at komunismo, gamit muna ang panulat,
saka gamitin ang dahas na siyang ginampanan ng KKK at Bonifacio at ng
NPA sa ngayon. Mahalaga ding banggitin na tila ang "tulisanismo" ang
isang patutunguhan ng nasawing pormal at "legal" na proseso ng pagsulong.
Bago tayo magpatuloy, balikang alaala lang natin ang pangunahing
dahilan ng kanilang pangibang bayan o bansa. Una, ang pangyayari sa
Kalamba at ang 1872 mutiny ang mahahalang kaganapan sa pagkamulat ng
karahasan at lantarang pang-aapi ng mga Pilipino ang nag-udyok na isulong ang
reporma. Ikalawa, ang paging political prisoner, akusado sa Plaza
Miranda Bombing, at ang pagbansag ng isang terorista ang nagpaalis dito at
nagpapanatili kay Sison sa Utretch. Sabihin natin na medyo
magkasalungat ang kanilang dahilan subalit ang dalawa ay may kaugnayan sa
lehitimong proseso na pinagdaanan nila sa kamay ng "hustisya." Ang una ay
dahilan ng paging "impasse" ng kaso ng mga Pilipino laban sa mga Dominikano
at ang pagpapatuloy nito sa Tribunal na Supremo subalit nabigo pa rin,
at ang sa pangalawa ay ang pagdulog niya sa Raad Van State (Konseho ng
Estado) laban sa Ministeryo ng Katarungan upang bigyan ng ganap na
asilo sa Utretch. Siyempre pa, may mga probisyon ng mga batas na
sumusuporta sa paglabag ng kanilang karapatan, halimbawa ang Artikulo 86 ng
Codigo Penal na nagsasaad ng hindi bababa sa 25 kilometro at hindi hihigit
sa 250 kilometro ang pagpapatapon sa mga eksilo. Alam naman natin na
umabot hanggang Dapitan si Rizal at sa Cuba pa nga ang iba. Sa isang
banda, ang Artikulo 3 ng European Convention na nagsasaad ng Protection
of Human Rights and Fundamental Freedom naman ang nagsisilbing
proteksyon ni Sison sa pagpapabalik sa kanya dito. Makikita natin ang
paghahalintulad ng dalawang panahon na pagpapahalaga (sana) ng Saligang Batas sa
pagdetermina ng kapalaran ng isang eksilo, maging ito man ay para o
laban sa kanya. Makikita din natin na ang transisyon ng pagiging
asilimista sa pagiging separatista sa pagbuo ng rebolusyonaryong partido at ang
"pamumundok' ng ilan sa kasalukuyan ay dulot ng hindi pagtaliwas sa
kung ano ang sa batas kaya nagiging dahas. Tunay na mapanupil ang mga
aparato ng estado at mapanglinlang pa sa pagpapaniwala na tayo ay may
maayos na lipunan.
Banggitin lang natin na ang pangunahing solusyon na pagsusulat,
pagtitipon, paghingi ng dayuhan suporta ay tila nauuwi sa isang rebolusyon.
Tulad ng nasa Utretch, matagumpay ang suportang natatanggap ng
pamayanang eksilo doon dahil sa mga boluntaryong Olandes bilang support network
at ang Utretch bilang isang rural na barrio at liberal na bayan.
Taliwas sa panahon ng mga eksilo sa Unang Yugto ng Propaganda kung saan,
sila ay mga indio samantala nagkakaisa sa pagsulong ang nasa Utretch.
Ibig sabihin na mahalaga ang kolektibong pag-oorganisa sa pagkakaisa at
pagtatagumpay.