www.XanFactor.tk

Updated weekly: February 26, 2005

     

 

     

 

 

 

Fiction

Male Club

1. 2.

3.  

 

Ang gago, ‘kala mo kung sino! Isnab-isabin ba ko! Anong feeling niya, gwapo siya, eh… Okay, ‘di naman pala siya ganun kapatpatin. Maganda naman pala ang katawan niya—di masyadong payat, di mataba, tamang-tama lang. Mukha lang siyang patpatin at totoy kanina sa suot niya. Okay naman pala ang itsura niya.

 

Okay sabi ko, pero ‘di naman siya gwapong gwapo! Pango nga ang ilong niya eh!

 

Ano ba problema sa akin? Gwapo naman ako at maganda ang katawan, aba’y madaming nagpaparamdam sa akin at gusto akong hilahin kasama nila dun sa mga maliliit na kwarto. Pero ‘etong Alexis na ‘to, ni walang kainterest-interst sa akin. Aba’y ako na ang nagpapahiwatig, ayaw pa!

 

Sa baba pa lang pagkatapos ng tour niya, iniwan na lang ako basta-basta para magbihis. Sinundan ko siya. Magkatabi din ang aming locker—sabay kasi kaming pumasok. Tinanong lang niya ko kung saan ako sa Marikina at sabi sabay na daw kami uwi mamaya. Pagka-oo ko, yun lang… nilock niya ang locker niya at alis na siya. Pumasok sa labrynith. Akala ko para magshower, sunod naman ako… pero wala siya sa shower room.

 

Gusto ko lang matapos na. Yayain ko na siya dun sa taas para libre na ko… wala na akong utang sa kanya. ‘Yun naman kasi kung bakit pumayag siyang maghintay ng ganun katagal sa akin, well, bukod sa mapasok niya itong Degree… na ‘di naman niya ko kailangan… … … I owe him a favor, that’s clear, for allowing me to come with him para malibre ako ng entrance fee at maghintay. What would he want in return? Gwapo naman ako… maganda ang katawan…

 

Nakita ko siya sa taas, nakatayo sa isang sulok, magisa… May mga umaaligid na sa kanya… tinititigan siya pero ‘di niya sila pansin… naisip ko baka ako lang ang hinihintay nito. Dumaan ako sa harap niya. Tinunguan niya ko. Nginitian ko siya ng ubod tamis sabay tungo din sa kanya, nagpapahiwatig na tara na… sundan mo ko. ‘Di niya yata na gets, kasi ‘di siya sumonod. Umikot nanaman ako, nakatingin siya sa sahig, tumayo ako sa malapit sa kanya. Nang nagangat siya ng mukha, ngumiti siya sa akin. “Kamusta?” tanong ko. “Okay lang,” sagot niya. Yun lang, tapos wala na… hinintay ko na magsalita siya ulit, pero wala. ‘Di rin siya gumagalaw, nakatingin lang sa malayo… yung kamay niya nasa likod niya, nakaipit sa pagitan ng puwet niya at ng wall…

 

“Ano ba ‘to?” tanong ko sa sarili ko… Kikilos na sana ko, kukunin ko na sana ang kamay niya para hilahin siya… baka kasi, naisip ko, bago nga kasi siya, nahihiya lang… pero bigla siyang kumilos at umalis ng walang sabi-sabi.

 

‘Tang ina niya, bahala siya kung ayaw niya. Siya na lang, yung kaninang umaaligid sa kanya na iniwan niya rin…

 

Isang maliit na kwarto, isang single bed lang ang kasya… at pwedeng kayong dalawa lang. May lock ang pinto kaya pwedeng pwede ang lahat ng gusto niyong gawin… walang iistorbo sa inyo, at walang makakapanood na ibang tao. Ganun ka-okay dito… hindi tulad sa mga bars ng Malate na hangang halikan at kapaan lang kayo. Kung gusto mo blowjob, dun kayo, tabi-tabi sa taas habang pinapanood ng iba. Dito, hubad kung hubad, kang-kangan kung kangkangan at walang pwedeng manood sa inyo ng hindi mo gusto. Malakas din ang music, kaya kahit anong hiyaw mo sa sarap, halos ‘di ka maririnig sa labas.

 

Habang subo ng kapartner ko si junior, naisip ko kung magaling din kayang sumubo si Alexis… Magaling din kaya siyang mandila… ano kaya trip niya sa kama…? Gusto ba niya rough sex…? Hindi… wala sa itsura… pero malay natin, minsan ung pinakamala-anghel ang itsura yun pa yung hayok na hayok sa kama… Maingay kaya siya sa kama—wala pa eh, sumisigaw na na akala mo nirereyp… Mahilig kaya siyang magmura…? “Pasokin mo ko pare…” sabi ng kapartner ko sabay posisyon ang sarili para upoan ako… Nagpapatira din kaya siya…?

 

Pababa ako para magshower at ng mahugasan ko si junior ko, ng masalubong ko siya… paakyat siya, halatang galing sa shower at tumutulo pa ang buhok. Ngumiti siya sa akin pero ‘di nagsalita at tuloy lang sa pagakyat.

 

 

 

February 19, 2005 :|: Saturday

Loud Mouth, Me

 

February 20, 2005 :|: Sunday

Cool With You Again

 

February 22, 2005 :|: Tuesday

Me, Stressed?

 

February 23, 2005 :|: Wednesday

Boy Kidlat

 

Fiction

Male Club

 

Archives

 

GuestBook

 

Minadali kong magshower… pero kahit madali lang, sinugurado ko namang nalinis ko ang katawan kung maigi… Gusto ko malinis at mabango naman ako pag kami ng dalawa ni Alexis, nakakahiya naman… yun din ang dahilan kaya gusto ko sana siya ang mauna sa akin ng gabing ‘un. Dagli akong umakyat sa second floor at hinanap siya pero wala siya… umikot ako ng tatlong beses pero wala talaga… naisip ko baka bumaba… sa jacuzzi… wala din siya… Asan kaya lumosot ang gago… … …

 

Ano, ganun kabilis, pag akyat niya may humila na kaagad sa kanya sa kwarto?

 

Sumandal ako sa isang parte ng dingding kung saan kita ko ang pumapanik at bumababa para maabangan ko si Alexis… sa pagkakasandal ko dun, may lumapit sa akin… walang salita… okay naman ang itsura at katawan… tumitig sa akin, nakipagtitigan ako. Kinalabit ako sa binti, na ibig sabihin sunod ako sa kanya. Sinundan ko siya sa loob ng isang kwarto.

 

Nagshower ulit ako. Tapos hinanap si Alexis. Sa baba. Sa may steam room, isa-isa kung nilapitan ang mga nandun. Wala. Sa labrynith, wala din. Sa kabilang steam room, sa mini bar sa may Jacuzzi… sa may Jacuzzi… andun siya, nakatalikod mula sa bar, may kausap. Si Nick. Kilala ko si Nick. Mabait ‘yun, pala kaibigan. Sa kanya, hindi dahil kinausap ka niya, eh gusto ka niyang makakangkang. Kaibigan lang talaga. Pero gwapo yan si Nick… medyo mataba nga lang, pero dala naman niya. Bagay sa kanya ang taba niya. Pinapanood ko sila… tumatawa si Alexis, ang lakas nga ng tawa niya at bigay na bigay… alam mo yung nakakaingit na tawa… nakakaingit kasi nga bigay na bigay, masyadaong masaya... na pagnarinig mo, mapapaisip ka, kailan ba ko huling nakadama ng sobrang tuwa at napatawa ng ganun, walang pagaalinlangan… kung baga sa pagkain, ang sarap niyang panoorin dahil ang gana niyang kumain… Ano kaya ang sinasabi ni Nick sa kanya at napapatawa niya si Alexis ng ganun…? At bigla na lang na realize ko, gusto ko rin na mapatawa siya ng ganun…

 

“Tara pare, let’s join them,” sabi ng katabi ko, sabay kalabit sa binti ko. ‘Di ko siya kilala pero, oo nga naman, why don’t I join them…

 

“I think I want to get off na…” narinig kung sabi ni Alexis kay Nick habang papalapit ako sa kanila. Saka palang niya ako napansin, ngumiti siya sa akin, tumingin si Nick. “Uy…” nasabi ni Nick. “Kamusta?” bati ko. “Mabuti,” sagot ni Nick habang aktong aalis na si Alexis. Pinigilan siya ni Nick. “Alexis meet…” pinutol siya ni Alexis, “Yah, we meet na…” saka tumuloy sa pagalis. “Ikaw, pare ‘musta na?” tanong sa akin ni Nick. “Mabuti naman,” sagot ko sinusundan pa rin ng tingin si Alexis habang nagtatapis ng twalya at naglakad palabas. “Magaling ba pare?” tanong ulit sa akin ni Nick. “Sino?” tanong ko. “Siya?” sabi niya sabay turo sa pinto na ang ibig sabihin ay ung kalalabas lang, si Alexis nga.

 

“Anong ibig sabihin mong magaling?” balik tanong ko.

“Sa… kama?” pagdadalawang isip niyang sabi.

“Pare we just came in together…” linaw ko sa kanya.

“What do you mean?”

“I found him over the chatroom kanina and I found out that he wanted to go here for the longest time… I joined him… para ngang nilibre niya ko pagpasok kasi nga may referral system ‘di ba?”

“Oo, nilibre ka nga niya… so you owe him and you know the best way to pay favors here…” makahulogan ngiti ni Nick sa akin.

“Yun nga eh… Okay naman sa akin pero parang ‘di niya ko type… lumalayo paglumalapit ako sa kanya, at mula nung nagbihis sa lockers, umiiwas yata…”

“Bigla kang nainsecure ano?”

“Hindi naman… kung ayaw niya, ‘di huwag.”

“Kursunada mo naman ba siya?”

“Okay lang, pwede ng pagtiyagaan…” sagot ko, “Ikaw, kursunada mo?”

“Okay din lang, pwede ng pagtiyagaan…” sagot ni Nick, “pero mukhang ‘di naman niya gusto… kanina pa kami magkasama pero wala lang, usap lang… well, siguro nga kasi bago pa lang siya… baka nahihiya pa… anyhow, we are getting along well…”

 

Naisip ko, okay naman si Nick. Gwapo na, mabait pa, mayaman pa… Kung may tao man na gusto ko para kay Alexis, mapapalagay ako na kasama ni Alexis… Si Nick na ‘yun… magiging masaya siya kay Nick.

 

Nakatayo ako, naghihintay sa kung sino ang makatipo at matipohan ko rin… ‘di ko napansin, si Alexis, nakatayo sa tabi ko. “Musta?” tanong niya sa akin ng nakangiti, “Ano oras ka uwi? Sabay na ko…” dirediretso niyang sabi.

“Ikaw?” balik tanong ko sa kanya.

“Ewan ko… ano oras na ba?” tanong niya sa akin.

“Sabay ka na sa akin…?” kinomperma ko kung tama ang narinig ko.

“Oo, pareho naman tayo daan eh…” sabi niya, “kung okay lang sa’yo…”

“Oo naman… alas-dos, okay ba sa’yo?”

“Ano oras na ba?” tanong niya sa akin.

“Hindi ko alam eh…”

Tumahimik siya.

“Si Nick?” tinanong ko siya.

“Ininwan ko,” natatawang sagot niya, “may umaaligid aligid sa kanya eh, okay naman ang itsura… I hope they work it out para finally eh, makaiskor naman siya…”

‘Di niya type si Nick, naisip ko… kasi kung type niya rin si Nick, ‘di niya ito iiwan lalo na’t may umaaligid aligid dito. “Ikaw ba, nakailan na ba?” tanong ko siya.

Ngumiti siya, nahihiya… ayaw niyang sumagot.

“Nahiya ka pa sa akin…”

Umiling lang siya, at iniwan niya na rin ako. Pagalis niya, may lumapit sa akin… dalawa sila…

Game!

 

Halos wala ng tao sa taas paglabas namin nung dalawa… halos wala ng tao sa taas. Sa baba, wala na rin tao sa Jacuzzi at sa mini bar. Yung mga natira, nasa shower, nagbibihis na, o nakabihis na sila at nasa gym… wala si Alexis… Nakita ko si Nick… lumapit ako sa kanya para tanongin siya kung nakita niya si Alexis pero naunahan niya akong magtanong.

“Umuwi na kaya siya?” tanong ko.

“Baka, wala na siya eh…”

“Sabi kasi niya kanina, sabay na kami umuwi…”

“Baka ‘di ka na niya nahintay…”

“Siguro nga…”

“Pare, hingi ko nga number niya sa’yo… binigay niya kanina sa akin pero nawala ko ung papel eh…”

“Ah… ‘di ko nakuha number niya eh…” nagsinungaling ako, “sa chatroom lang kami kanina…”

“Ah ganun ba…”

“Sige, pare, ingat sa paguwi…” binigay niya ang number niya kay Nick, napaisip ako, o hiningi ni Nick…?

 

Ewan ko ba kung bakit ‘di ko binigay kay Nick ang number ni Alexis at nagsinungaling… Ang alam ko, gusto ko ulit siyang makita… Ang alam ko, gusto ko sana yung ideyang sabay kaming uuwi sana… Pero ‘di na niya ko nahintay…

 

Pagkakuha ko ng cellphone ko, text ko siya agad… “Ano? ‘di mo na ako hinintay… sige nice meeting you na lang… good night at thank you nga pala.”

 

Hinintay ko siyang magreply, sa byahe, hangang makauwi, hangaang nasa kama na ako… nakatulog na ako, wala pa rin sagot galing sa kanya… nagising ako kinaumagahan… wala pa rin…

Isa…

Dalawa…

Tatlong araw na, wala pa rin message galing sa kanya…

written & created by

Lexan B. Orantes for