HOME ::  1003-0604 ::  0704 ::  0804 ::  0904 ::  1004 ::  10.20.04 ::  1104 ::  1204 ::  0105 ::  0205 ::  0305 ::  0405 :: 

































 
05.29.05

Usapang PDI Exams, Pre-marital Sex atbp.



Isa-isa muna. Pag-usapan natin ang PDI exams na kinuha ko nung Byernes, at aaminin kong kinabahan ako nun,at oo,pinapraktis ko nang i-congratulate ang mga nakasama ko sa test.

Sampu kaming candidates (ako, si Eliza, si Melai, si Badet, si Shatzi, si Bernie, si Erika, si Kathryn, si Mark M. at si Rona) pero lima lang ang tatanggapin. Sabi ni Isagani Yambot, na napagkamalan kong karaniwang empleyedo ng PDI dahil sa pagiging sobrang accomodating (inabutan nya ako ng biskwet), kami raw so far ang pinakamaraming candidates (sabi nya yun ha). Inabot na kami ng gabi dun, mga mag-eeleven, kawawa nga si Mark M. dahil na late sya, dalawa kasi pinapasulat: isang tungkol sa sarili, isang feature tungkol sa initerview naming chief photographer ng Inquirer.

So just look. Sampu kami. Lima lang ang kukunin. Walo ang UJPeeps. Dalawa lang kaming lalake. So, kayo na mag-interpret nun.

At bago ko nga pala makalimutan, nakita namin si Ate Kate sa PDI. Astig ang Magna Cum Laude ng peyups, naka-dangling earrings! Girl na girl! Hehe! Joke lang, Ate Kate!:)

Bahala na kung makuha ako o hindi. At alam nyo ba kung saan nagmula ang katagang 'yun? Ayon sa Psych 108 namin (na 1.25 ako!YAHOO!), ito ay nanggaling sa salitang BATHALA NA,meaning inaasa sa kagustuhan ng Diyos ang mga susunod na magyayari, thus rebuking what Westerners have categorized-- it isn't about fatality,but...ay oo nga pala, dapat nga rin pala nating pag-usapan ang pre-marital sex. Ganito kasi yun , yung kaibigan kong GMA 7 researcher di ako pinatulog kagabi about this topic. Joke lang, kuya! Pero saka na lang natin pag-usapan,pagod na ako eh..hehe...

UNPLUGGED

[ ]
 
05.22.05

Tawag Mula Sa PDI



Nitong nakaraang Biyernes, nagulat ako nang biglang tinawagan ako ng Philippine Daily Inquirer. Hindi ko nga alam kung talaga nga bang nagulat ako o natameme lang sa narinig ko. Isa raw ako sa mga kandidato para sa Inquirer scholarship , kung sakaling makapasa ako, dun ako mag iintern at mag-aaply ng trabaho.

Kung seryoso akong maging reporter sa print, yung dyaryong yon ang pinakamagandang pasukan dahil ito ang nagbibigay ng pinakamataas na starting salary kumpara sa ibang pahayagan. Maliban dito, malaki na ang na-ambag nito sa kasaysayan ng bansa, ang pahayagang nagpabagsak sa dalawang tiwaling pamahalaaan.

Grabe. Nang nagpakilala yung Cita from Inquirer, di na ko nakasagot. Sa May 27, 4 pm raw ang preliminary exam. Di ko man lang natanong kung anong dapat kong dalhin sa test.

Kung sakaling, di ako makapasa. Otei lang. Karangalan na rin ang mapiling kandidatong maging Inquirer isko. Ang pinagtataka ko naman eh kung pano ako napili. Kung recommendation, parang malabo. Sa J100, ang tawag sa akin ni Dr. Encanto ay Mr. Ubalde. Malabo rin namang si Sir Teodoro, ang J101 prof ko, dahil hindi naman ako kilala nun. Di ko rin maisip na Ms. Khan ng J102 class ko ang gumawa nun, binigyan nga ako ng singko sa isang paper at tinanong ako ng “ Do you really want to be a journalist?” Sidenote: Pagkasabi naman nya nun ay pinuri nya ang sumunod kong paper at sinabi ko sa kanya na “ Edi Ma’am, Pwede na kong maging journalist?”

Ang bait talaga ng Diyos. Alam kong isa ako sa mga hindi pinakamatinong tao sa mundo, pero malaking blessing na naman ito para sa’kin at sa pamilya ko.

UNPLUGGED

[ ]
 
05.16.05

Walang Tirahan sa Araw ng mga Ina



Walang mapapala ang maralitang Pilipino sa bansang ito.

Ito ang natutunan ko sa loob ng dalawang linggo. Nakapanghihinang pahayag na malamang gasgas na at nakakarindi sa pandinig. Subalit hindi lang basta simpleng bukambibig ito para sa akin, lalo nang matapos ang pagiging volunteer ko ng isang NGO, dahil ako mismo nakita ko kung paano na lamang isinantabi ang mga pangangailangang sinasabi nilang libreng makukuha ng mga mahihirap.

Ang natalaga sa aking organisasyon ay ang EILER o Ecumenical Institute for Labor Education and Research. Nung una, inisip ko baka religious org ito pero hindi pala. Ang EILER ay binubuo ng iba’t ibang taong may iba’t ibang paniniwala (kaya Ecumenical) na tumutugon sa kakulangan ng edukasyon ng mga manggagawa ukol sa kanilang karapatan sa loob ng kompanyang kanilang kinabibilangan at maging sa lipunan.

Pinapili kami ng EILER kung aling pangkat namin gustong mapabilang: ang gagawa ng investigative report sa maralitang tagalungsod, ang magsusulat ng spiels sa kanilang radio program o ang bubuo ng isang dokumentaryo sa Araw ng Paggawa. Napili naming mga Journ major ang investigative report.

Sa investigative report, naatasan kaming manaliksik ukol sa nanganganib na panirahan ng mga taga- Waterhole-A sa Dońa Carmen Subdivision, Fairview. Sinasabi kasi ng isang Wilma Billote na wala silang karapatan sa lupa dahil wala silang hawak na titulo. Subalit napag-alaman ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY na ang gamit na titulo ni Billote , ang OCT 333 ay peke, ayon sa Bureau of Lands. Dagdag pa ng KADAMAY, ang lugar na iyon ay “unclassified forest land.” Ito’y nangangahulugan na pampubliko at sinumang nakatira dito sa taong 1992 paatras ay may karapatan sa lupa.

Pagdating namin doon ay sinalubong kami ng mga nakangiting mukha. Pinakain nila kami at pinatuloy sa kanilang bahay. Ni hindi ko maisip na, ang bahay na tinuluyan namin ay magiging mga tipak-tipak na bato na lamang.

Bumalik kami ilang araw pagakatapos. Subalit wala na ang mga pinaghirapang itayong mga bahay, ang natira na lamang ay mga yero at guho ng bahay, isang araw pagkatapos ng mga Araw ng mga Ina. Wala ring nagawa ang mga paghingi nila ng tulang sa mga ahensyang pinagpasa-pasahan lang sila. Nasaan kaya si Noli De Castro, ang housing czar, ng mga panahong yon? Kahit ang kaibigan nilang dating tibak na si Mike Defensor ay nakalimot na yata sa dating pinaglalaban niya.

Wala na kaming magagawa ng mga panahong iyon. Kundi makinig sa mga mga kwento nila. Kinse minutos lang ang binigay sa kanila para basahin ang court order na ayon sa kanila’y walang pirma. Wala ring representante mula sa Philippine Commision on Urban Poor at city hall, mga taong dapat naroon sa oras ng demolisyon. Dalawa pa sa mga bahay na hindi kabilang sa demolisyon ay nadamay. Biyernes naganap ang demolisyon, bagay na ayon sa KADAMAY ay bawal gawin.

Dinala namin sa UP College of Law Office of Legal Aid ang ilan sa mga pinuno ng mga nawalan ng bahay, nagnanasang baka ang Peyups, ang pamantasan ng mga mahihirap, ay makatulong sa kanila. Agad naman kaming nilapitan ng isang babae at makikitang interesado kaming tulungan. Subalit nang inalisa nya ang problema, nalaman nya na sangkot na pala sila sa kaso at unethical magbigay ng payo dahil raw baka magkaroon ng “conflict of interest.” Prenka ko syang tinanong na kung si Billote ba ang tinutukoy nyang tinutulungan nya sa kaso. Hindi nya raw pwedeng sabihin. At nahiya ako sa mga taong dinala namin. Mukhang ang tanging pag-asang iniisip namin ay ilusyon rin pala.

Sabi ni Ka Sylma, ang babaeng nagpakain sa amin sa kanyang ngayo’y naglahong bahay, lalapit na sila sa Commission on Human Rights. Apat ang anak ni Aling Sylma, isang fishnet vendor. Sa isang dyaryo, nalathala ang larawan nyang gingawang kalasag ang kayang katawan para masagip ang kanyang bahay. “Hindi na bahay ang pinaglalaban namin dito, kundi ang prinsipyo’t karapatan namin,”sabi nya.



UNEDITED

[ ]
 
05.10.05

Limbo



I had a week. I bumped into Starstruck avenger Anton de la Paz asking how to get to Katipunan Avenue, involuntarily joined a rally where a kabillion policemen welcomed us at the LTA building in Makati, and went into a community at the brink of demolition, heard in the news that my course is dangerous to practice in this part of the world and bought a pizza for my parents’ 20th wedding anniversary.

Now, I’m having the time of the day here at my aunt’s computer shop, pondering random thoughts on what’s next for the protagonist that is me while listening to that Ragnarok background over and over again. I’m drooling in envy that these kids still have a lot of money to spend this time of the year. Being in school really doesn’t equate to having money, contrary to most people say. Look at me, I’m currently enrolled in a civic welfare class yet I am very broke.

I am broke. Yes, penniless, as always. But I think and feel that the word broken is more apt to describe my current state. With only six months left on my being a teenager, I feel that I’m faced with a lot of options with blurred consequences.

Call me the whimsical Jerix. Taking a back seat from the politics of a political org, which I’ve survived for two years, I wager that this is the best time to move out of the box, to try new things I haven’t tried before. And as I received subtle words of encouragement from my friends, the feeling of embracing new things seemed alien to me, too unnatural that I might lose a sense of direction and fall into limbo just like the environmental org I am affiliated with.

UNLIMITED

 
05.01.05

Striker



    



Mga kaibigan, pinakikilala ko ang iniidolo kong amateur boxer mula sa palabas na Kamao (wehe, wala akong paki kung mabaduyan kayo!): si Luisito " Striker" Sangalang (sa ingles, shield). Hindi kasi tipikal na boksingero si Louie. Hindi sya yung katulad ng iba na na may kwentong rags to riches na madalas nating naririnig sa mga reality shows. Galing sya sa sa isang mayamang pamilya. Nagtapos sya sa De La Salle University (Humanities, Minor in Psychology). Bukod dito may Master's Degree in Communications at Ph. D. Marketing Communications pa sya.

Cancer survivor rin si Louie. Kaya mas lalo pa kong humanga sa kanya. Shet, andrama.



UNLIMITED

CODES

UNPLUGGED
Trips,adventures, events, anecdotes and whims

UNLIMITED
Self-analyses, reflections, stress relievers and outbursts

UNEDITED
Interviews, investigative reports, papers and other acad-related stuff

UNEARTHLY
Poems, stories, and other literary works

OUTSIDER
Guest bloggers, fill-ins, aliens and from outer space
ALIAS


secret identity: UY,JERALD TUAÑO
origin: 0.5 Kapangpangan + 0.5 Mindoreño
natal day:10.20.1985
occupation:journalism student
aliases:Jerry,J,Meteorcrasher, Silverbolt, Whirlpool, Jerix
powers/skills:
SUPERTEAMS


Union of Journalists of the Philippines-UP Diliman

UP Green Minds
BACK ISSUES
UNPLUGGED UNLIMITED UNEDITED UNEARTHLY
OUTSIDERS
0405 19 @ 10.20.04
AVENGERS

UNION
Ceasar
Darlene
Emman
Emman 2
Erika S.
Francine
Gretel
Irish
Jaypee
Jam
Jeff
Joanne
Karol
Kate
Katt
Kirk
Lawrence
Liezl
Maureen
MJ
Maya
Paul
Stox
Shayne

GREEN MINDS
Bam-Bam
Bien
Brew
Choe-D
Jamie
Jobert I
Jobert II
Joy
Nix

MAKATI SCIENCE HIGH SCHOOL
Cee-Jay
Erika C.
Hay
Ivy
Kae
Marifel
Maricel
Thea

MENTORS
Danilo Arao
Luis Teodoro

COLLEGE PALS
Amy
Cleng
Joanne
Klara
Lagsh
Mark
Markj
Mayee
Ten

CYBER DUDES
Abel
Allan
C-Ann
Ederic
Jaykie
Kaizen
Takore
PORTALS

Makati Science
Friendster
UP Mass Comm
Comm 140 ML
UP Green Minds ML
UJP-UP ML
UJP-UP Oldies
ENDSONG

Bamboo
Kitchie Nadal
Kitchie Nadal ML
6cyclemind
6cyclemind ML
Sponge Cola ML Sugar Free Comm
Sugar Free ML
SECRETS
Bob Ong
Comic Brook ML
Culture Crash Com
Filipino Comics
Hero Manila ML
Kubori Kikiam
Marvel Comics
New Avengers
Pinoy DC ML
Pop Culture Shock
Youth Mag ML
DIVINE RIGHT

First Appearance:July 28, 2004
words,design,and banner by silverbolt

House of M poster by Olivier Coipel of Marvel Comics
All Rights Reserved©May 2005
Plagiarists will be deleted on this reality.