<<< balik sa listahan

mga aktibista, mamamahayag at lider unyonista

ika-7 ng Pebrero 2008
<<< balik sa unang pahina

Dahil sa mahina o walang karampatang hustisya na inilalaan sa mga kaso ng pamamaslang ay lalo pang lumalala ang isyung ito. At dahil nga dito inihanay ang Pilipinas bilang “most murderous place in the world for journalists” ayon sa Committee to Protect Journalists at “the second most dangerous place in the world for journalists next to Iraq” ayon naman sa Reporters Sans Frontieres. Kung tutuusin ang Pilipinas ay kinikilala na freest press sa Asya, ngunit sa kalagayan ngayon malabo na yatang masabi iyon. Para yatang bumabalik ang panahon ng pamumuno ni Marcos, ngunit ngayon hindi na lamang pinapasara ang mga istasyon ng radio at pahayagan kundi tahasan na mismo ang paglapastangan sa kanila na maski ang panununog ng mga istasyon ng radio ay nagaganap na. Pinalala pa ang suliraning ito ng pakikilahok ng mga institusyon ng pamahalaan, na kung tutuusin ay siya dapat nangunguna sa pagkilala sa konstitusyon, demokrasya at karapatan ng mga mamamayang Pilipino aktibista man o mamamahayag.

Sa ngayon ay walang tahasang hakbang na isinasagawa upang tugunan ang problema ng pamamaslang. At ang nangyayari pa ay imbes pagtugon ay mga pagdepensa at palusot ang maririnig mo mula sa parte ng gobyerno. Madalas nilang sabihin na ang mga namatay ay komunista o NPA o di kaya ang kainabibilangan ng napasalang na organisasyon ay prenteng organisasyon ng CPP, terorista o may kaugnayan sa mga terorista (na sila din ang magtutukoy kung sino nga ba ang terorista). Ang mga burgesya naman sa lipunan na nagsisilbing mga tagapagsalita sa mga naturang isyu ay nananatiling nagkokondena sa isyung ito ngunit sa salita lamang, ito ay dahilan sa kanilang mga reserbasyon na ipinagtatanggol nila ang mga kaliwa at inaakusahang Komunista.

Sa ngayon ay padami pa ng padami ang bilang ng mga pinapaslang at dinudukot, kasabay pa nito ang pagpapatupad sa ngayon ng HSA o Human Security Act na sadyang malabnaw ang depinisyon ng terorismo. Dagdag pa ang mga circulars na nagsasagka sa responsibilidad ng mamamahayag. Dapat manatiling mapagmatyag ang lahat ng sektor ng lipunan dahil maaaring maging kapalit ng kanilang mga panawagan sa lansangan (na lehitimo din naman) at ng mga panulat na umuungkat sa mga isyu ng bayan (lalo na ang may kinalaman sa mga institusyon ng gobyerno) ay ang kanila ding mga buhay.

(tapos)

________________________________________________________________________________


kasalukuyang binabasa:

mga aktibista, mamamahayag at lider unyonista

mga nauna:

mariannet amper, namatay sa sinapupunan pa lamang
kung si hillary ang maging susunod na U.S president
paano bubusalan ang midyang mapagpalaya?

susunod:

shampoo, conditioner at girlpower




tinala ni ni Mikas Matsuzawa ang DIWATA 2008
pambungad | tahanan | anawnsment | artikels | piktyurs | kontak