<<< balik sa listahan

kung si hillary ang maging susunod na U.S. president

ika-6 ng Pebrero 2008
>>> pumunta sa susunod na pahina



Ang eleksyon sa Estados Unidos ay napakakritikal. Bilang isang imperyalistang bansa ito ay nakapagpapasya kung ano ang kahihinatnan ng iba pang semi-sovereign na mga estado. Sa bagong pamumuno sa Estados Unidos nakasalalay kung itotodo pa o tatapusin na ang giyera sa Iraq o kung magpapatuloy pa ba ang mga joint military exercises nila sa iba pang bansa gaya ng Pilipinas.

Malakas ang usapin na maaaring isang babae nga ang maging susunod na presidente ng U.S. Marami ang nagalak ngunit marami din ang nagpahayag na maaaring wala ding magiging malinaw na pagbabago.

KiIala si Hillary Clinton bilang isang liberal feminist, isang kampeyon ng pagpapalaya sa kababaihan. At bilang isang babae na nakapaloob sa isang patriyarkal na lipunan ay inaasahan na kung siya na nga ang umupo sa puwesto ay hindi niya hahayaan ang kaapihan ay maganap sa kanyang pamumuno. inaasahan pa nga na gaya ng isang ina ay mamumuno siya ng may kalinga kahit na nga ba nangangaral. Ngunit ito ay pinasubalian din ng ilang mga peministang grupo sa Amerika. Ayon sa kanila ay magulo ang posisyon ni Hillary Clinton sa ilang mga isyu ng kababaihan at maging sa mga isyu ng pamamahala.

(susunod)

________________________________________________________________________________


kasalukuyang binabasa:

kung si hillary ang maging susunod na U.S. president

ang nauna:

mariannet amper, namatay sa sinapupunan pa lamang

susunod:

paano bubusalan ang midyang mapagpalaya?
mga aktibista, mamamahayag at lider unyonista
shampoo, conditioner at girlpower




tinala ni ni Mikas Matsuzawa ang DIWATA 2008
pambungad | tahanan | anawnsment | artikels | piktyurs | kontak