<<< balik sa listahan

shampoo, conditioner at girlpower

ika-20 ng Pebrero 2008
>>>pumunta sa susunod na pahina

Mula sa probinsya ay nagpunta sa lungsod ang isang babaeng mula sa uring magsasaka. Maganda siya, may kaputian at malasutla ang kutis na tila hindi nadadampian ng bagsik ng araw o nabahiran ng hirap ng trabaho sa bukirin. Ang buhok niya ay mahaba, maitim at unat. Isa nga siyang babae, kahali-halinang babae na puno ng bagong pag-asa at pangarap. At ang mga pangarap na ito ay maisasakatuparan niya sa lungsod na puno ng pangako. Nang biglang dumating ang pinsan niya, mula sa uring burgesya. Nainis ito nang makita siya, isang imahen ng probinsya na makaluma at mahirap. Sinugod siya nito ngunit nang mahablot ang sapin sa ulo ay tumambad ang makinang na buhok na parang ipina-rebond sa isang salon. Salamat sa shampoo at siya ngayon ay isa nang empowered na babae.

Ganito ang mga eksena na tumatambad sa atin sa telebisyon. Mga imahen ng “girl power”, liberasyon at independence, mga porma ng pagpapalaya sa kababaihan. Ayon sa tala ng World Economic Forum, sa taong 2007 ang Pilipinas ay ika-anim sa mga bansa sa daigdig na may pinakamaliit na “gender gap”. Ang kaisa-isang bansa sa Asya na napabilang sa top 10 na listahan. Nakamit umano ng mga Pilipina ang pantay na akses sa larangan ng edukasyon at kalusugan, gayundin ang politikal at ekonomikong aspeto ay lalo umanong umunlad para sa kababaihan. Sinabisabi din ng naturang organisasyon na ang partisipasyon sa larangan ng paggawa, estima sa suweldong natatanggap at ang pagkakapantay-pantay sa sahod para sa parehas na mga trabaho ay napagtagumpayan ng Pilipinas para sa mga kababaihan.

Kung mapapansin ang mga kaisipan ng pagpapalaya sa kababaihan ay ibinaba na sa lebel ng komodipikasyon. Nakapakete na na kagaya ng sachet ng shampoo o conditioner ang imahen ng malayang babae. At ang imaheng ito ay ang sa babaeng liberal at moderno, kinakailangan na lamang ikonsumo ng mamimili ang naturang produkto upang makonsumo din niya ang kaakibat nitong “girl power.” Maski sa larangan ngayon ng pornograpiya ay sinasabi na malaya na din ang babae. Sa isang moderno at liberal na panahon ang emansipasyon ng babae ay masusukat kung gaano siya kabukas sa seks. Kung kaya’t ang burges na ideyolohiya ng peminismo ay nanganak ng bagong porma, ang Do me feminism na idolo ang mga gaya nila Paris Hilton at Britney Spears.

(susunod)

________________________________________________________________________________


kasalukuyang binabasa:

shampoo, conditioner at girlpower

mga nauna:

mariannet amper, namatay sa sinapupunan pa lamang
kung si hillary ang maging susunod na U.S. president
paano bubusalan ang midyang mapagpalaya?
mga aktibista, mamamahayag at lider unyonista




tinala ni ni Mikas Matsuzawa ang DIWATA 2008
pambungad | tahanan | anawnsment | artikels | piktyurs | kontak