<<< balik sa listahan

paano bubusalan ang midyang mapagpalaya?

ika-22 ng Pebrero 2008
>>> pumunta sa susunod na pahina


Ang kalayaan sa ekspresyon at pamamahayag ay naka-garantiya at pinangangalagaan sa konstitusyon ng Pilipinas. Kinikilala sa konstitusyon ang responsibilidad ng midya sa paglilingkod sa sambayanan at ambag sa paghuhulma ng lipunang Pilipino kung kaya naman iginigiit nito ang kalayaan sa pamamahayag.

Ngunit sa Pilipinas ay sadyang napakaraming busal para masagka ang kalayaan na ito. Ang mga watchdog kung hindi hinaharas ay pinapatawan naman ng mga represibong batas. At kung hindi sapat ang naunang dalawang paraan para sindakin ang mamamahayag ay napakadali naman ang pagpaslang sa kanilang hanay. Mula sa pagiging pinakamalaya sa Asya ay naging pinakadelikado na sa buong mundo ang sinasabing demokratikong Republika ng Pilipinas. Mula sa panahon na napalaya na muli ang bayan mula sa diktadurya ay sinasabi na napakalaki na ng isinulong nito ngunit, taliwas naman naman ang ipinapakita ng mga estadistika.

Mula 2001, sa ilalim ng gobyernong Arroyo, nariyan ang umabot na sa 889 na bilang ng politikal na pamamaslang habang 189 naman ang dinukot na mamamayan sa tala ng Karapatan, isang organisasyon sa karapatang pantao. Habang 54 naman ang bilang ng mga napaslang na mga mamamahayag. Kasabay nito, sunud-sunod din ang mga hinahain na kaso laban sa mga mamamahayag, at isa na nga sa mga legal na laban ay ang sa libelo. Isa mga naging kontrobersyal ay ang pagsasampa ng 43 na kaso ng libelo sa mga mamamahayag at organisasyon ng midya ng Unang Ginoo na si Mike Arroyo.

Inaakala na sa isang demokrasya ang libelo ay hindi magtatagumpay sa pagsagka sa responsibilidad ng mga mamamahayag. Ito ay sapagkat ang karapatan sa impormasyon ay sandata ng mamamayan upang sila ay maging mga aktibo, kritikal at nag-iisip na lipunan. Ngunit, kapansin-pansin na ito ay hindi ginagalang ng kasalukuyang rehimen.

Isa sa mga panawagan ng mga mamamahayag at mga organisasyon ng midya ay ang pagdekriminalisa sa kasong libelo. Dahilan sa talamak na na kultura ng impunity ay sadyang ginagamitan na ng estado ng iba’t-ibang porma ng pandarahas ang midya ng sa gayon ay masindak ito. Nabanggit sa isang artikulo ni Danilo Arao kung bakit ito ginagawa ng gobyerno. Ayon sa kanya:

(susunod)

________________________________________________________________________________


kasalukuyang binabasa:

paano bubusalan ang midyang mapagpalaya?

mga nauna:

mariannet amper, namatay sa sinapupunan pa lamang
kung si hillary ang maging susunod na U.S. president

susunod:

mga aktibista, mamamahayag at lider unyonista
shampoo, conditioner at girlpower




tinala ni ni Mikas Matsuzawa ang DIWATA 2008
pambungad | tahanan | anawnsment | artikels | piktyurs | kontak