<<< balik sa listahan

mariannet amper, namatay sa sinapupunan pa lamang

ika-26 ng Nobyembre 2007
<<< balik sa unang pahina


Ilang Nanay Magdalena Amper na nga ba ang nilugmok ng sistema na mapunta sa mga trabahong pantahanan na lamang at ang kita ay tinuturing na pandagdag lamang sa kita ng asawa. Na pasan ang dalawang krus ng pagiging api sa uri at sa kasarian. Nauuwi sa pagiging mala-manggagawa dahil walang lugar ang lipunan na mapaglalagyan sa kaniya kundi ang maging “Super Yaya” ng ibang bansa o puta ng daigdig. Sa huli ay sa tahanan lamang ang kanyang puwesto.

Ilang Mariannet at Reynal Amper na nga ba ang unti-unting binabawian ng karapatan ng estado na nagsasabing ang edukasyon ay karapatan. Na ayon sa National Youth Commission (NYC) ang populasyon ng kabataan kada taon ay nadadagdagan ng 2%. Samantala 8.14% ng populasyong ito ang taun-taon ay mga out-of-school-youth.

Ilang na nga ba ang mga Amper sa lipunang Pilipino ang ipinanganak pa lamang ay pinapatay na ng sistemang pinapairal ng kapitalistang interes. Ang masang api ay matagal ng lumulutang sa kawalan. Ito ang kanilang buhay at siya ring kamatayan. Paano maiaangat ng dangal ng masang Pilipino ang dangal ng bayan, gayong tila sila ay nasa kumunoy at walang kawala. Si Mariannet ay hindi namatay ngayong taon, pinatay na siya ng mamamayang nagwawalang-bahala at ng mga may hawak ng kapangyarihan at iilang nakikinabang sa kapangyarihan noong 1995 pa lamang, ang araw ng kanyang kapanganakan. Ideneklarang patay sa sinapupunan pa lamang. Kagaya ng 85% ng mga magsasaka at manggagawa na patuloy na lumulutang sa kawalan. Kagaya ng papatayin na 2.36% kada taon na mga sanggol na iniluluwal sa bayang ito. Nananaghoy na ang bayan, dinadaig na siya ni Kamatayan, kailan tayo dudulog?

(tapos)

________________________________________________________________________________


kasalukuyang binabasa:

mariannet amper, namatay sa sinapupunan pa lamang

mga susunod:

kung si hillary ang maging susunod na U.S. president
paano bubusalan ang midyang mapagpalaya?
mga aktibista, mamamahayag at lider unyonista
shampoo,conditioner at girlpower




tinala ni ni Mikas Matsuzawa ang DIWATA 2008
pambungad | tahanan | anawnsment | artikels | piktyurs | kontak