Mga Pangakong Napako
Isang panayam ukol sa kinahatnan ng mga pangako ng pangulo para sa mga manggagawa at ang kanyang dagdag-bawas sa datos ng mga may trabaho
Limang araw bago ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, wala nang nagawa kundi bumuntong-hininga na lamang ang batang mananaliksik na si Carlo Macalalag nang tanungin ukol sa mga mga nagawa ni Arroyo para sa mga manggagawa.
“Sa totoo lang, ang dami nyang ipinangako na di nya na-accomplish,” sabi ni Macalalag, 18, isang kasapi ng labor research center, ang Ecumenical Institue for Labor Education and Research, Inc. o EILER.
Nagsimula bilang isang labor center ng simbahan noong 1975, ang EILER ay pormal na itinatag noong 1981 bilang isang ecumenical (binubuo ng iba’t ibang pananampalataya) na institusyong pang-serbisyo ng pananaliksik, edukasyon at pag-oorganisa ng mga manggagawa. Mula sa madilim na mga taon ng batas militar at lampas sa dalawang pag-aalsang EDSA noong 1986 at 2001, natipon ng EILER ang iba’t ibang samahang pang-manggagawa, mga alagad ng simbahan, mga propesyunal at mga institusyon para maglingkod sa manggagawang Pilipino. Sa kasalukuyan, inihahanda ng EILER ang isang papel na pupuna sa pang-manggagawang programang inilahad ni Arroyo sa kanyang lumipas na SONA—ang Medium Term Philippine Development Plan o MTPDP.
Sinasaad ng unang bahagi ng MTPDP ang paglaki ng ekonomiya at paggawa ng mga trabaho. Ipinangako ni Arroyo na sa pagdating ng huling taon ng kanyang termino, 10 milyong hanapbuhay ang naibigay sa mga Pilipino at ang disemployment rate ay bababa ng 8.9 bahagdan. Ang mga trabahong ito ay magmumula sa mga industriya ng agribusiness, IT at IT-enabled services, automotive, electronics, mining, healthcare, tourism, shipbuilding, fashion garments at jewelry.
Sinabi ni Macalalag na ayon sa pagsusuri ng EILER, ang mga nabanggit na industriyang panggagalingan umano ng mga hanapbuhay ng mga manggagawa ay pawang nakasalalay sa export-oriented at import-dependent economic development na ginagawa ng mga dating “rehimeng nagpalala sa krisis ng ekonomiya.”
Dagdag niya, ang agribusiness o ang produksyon ng mga produktong agrikulutura para sa pag-angkat, ang pangunahing industriyang sinasabing pagkukuhanan ng trabaho, ay may matinding hampas sa maralita. Hindi raw masasakop sa Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP ang mga lupang gagawing corporate farms na ngayo’y paryoridad ng pamahalaan upang makagawa ng mga trabaho mula sa industriya ng agribusiness. “Papalain nito ang feudal at semi-feudal na pagtrato sa peasantry, imbes na magbigay ng reporma sa lupa,”sabi nya.
Maliban sa pagpuna sa programa, sinaliksik din ng EILER kung natupad nga ang pangako ni Arroyo na makapagbigay ng mga hanapbuhay. “Hindi natupad,” tugon kaagad ni Macalalag, “Imbes na paunlarin ito, mas lalo pa nyang pinalala ang employment problem ng bansa.”
Ayon sa datos na kinuha nila sa National Statistics Office o NSO , 97,000 na mga trabaho lamang ang nagawa noong Enero 2005 na napakalayo sa target ni Arroyo na 1.2 milyon ngayong taon, sabi niya. Ang mga trabahong may pinakamalaking naigawa (70 porsyento), dagdag niya, ay galing sa sektor ng pagsasaka na wala sa mga industriyang pinupuntirya ng pamahalaan.
Kung susuriin ang mga trabahong nagawa, makikita na hindi totoong ginawa ng gobyerno o dinulot ng kanilang employment strategy, sabi niya. “Ang mga trabaho ay hindi income generating nor generated by economic expansion at pulos mga unpaid family workers at own account ang tumaas,” dagdag ni Macalalag.
Ang unpaid family workers at own account ay dalawa sa mga tatlong kategoryang ginamit ng NSO upang maipakita kung aling uri ng mga naghahanapbuhay ang tumaas mula Enero 2004 hanggang Enero 2005. Sa own account tulad ng fishball, yosi vendors at sari-sari store, ito ay tumaas ng 94. Sa unpaid family workers o mga kalagayang tumutulong ang mga magkakamag-anak sa pampamilyang negosyo na walang sweldo, 574 naman ang naitala. Samantalang sa wage and salary earners, ang pangatlong kategorya kung saan dapat nabibilang ang mga tunay na manggagawang pinangakuan ni Arroyo ay hindi man lamang nadagdagan kundi nabawasan pa ng 586 na may trabaho, ayon kay Macalala.
Subalit ang nakapanlulumo ayon kay Macalala ay ang pagbilog sa kaisipan ng mga mamamayan ukol sa kanyang pinangako noong nakaraang taon.
“Parang ginawa nya rin ang dagdag-bawas sa survey na ukol sa employment na ginawa nya rin sa eleksyon,”sabi niya.
Para mapaliit ang disemployment ng bansa, gumawa raw ang pangulo ng “statistical trickery.” Ginamit ang pakahulugan ng International Labor Organization o ILO ng salitang employment. Sa ganitong depinisyon, di na binibilang ang mga taong nagsawa nang maghanap ng trabaho dahil sa kakulangan sa perang panggastos sa paghahanap at pagproseso ng mga kailangang isumite (halimbawa ay pamasahe at pambayad ng filing fees).Dahil dito, lumiit ang bilang ng labor force. 656,000 lamang raw ang di kabilang sa labor force. Kung pagbabatayan ang orihinal na pakahulugan ng employment, 90 bahagdan ang employment rate, subalit 91.7 bahagdan ang lumabas gamit ang kahulugang ILO, ayon kay Macalala.
Ngayong namimiligro ang posisyon ni Arroyo dulot ng mga iskandalo ukol sa jueteng at pandaraya sa eleksyon, isa lang ang naging reaksyon ni Macalala. “Kahit sinong ipalit natin, kawawa pa rin ang manggagawa kung ganitong sistema lagi ang paiiralin,” sambit nya sabay buntong-hininga.
#
[]
 
JULY 16, 2005
May Bomba sa Maskom?
Kaninang umaga, nadatnan ko ang Plaridel Hall na may mga kumpol-kumpol na mga tao. Naisip ko baka may field trip. Pero bakit naman pati mga kaklase ko sa Comm 120 na klase ko tuwing Sabado eh kasama sa kanila. Nagtaka ako hanggang tinawag ako ni Steph.
Sabi nya, may bomba raw na sa sasabog between 9-10 a.m., sabay turo sa van ng bomb squad at mga nakakhaki na pulis-UP Diliman. Nataranta ako. Dapat ba kong mag-interview at gumawa ng spot report?
Ano ba ang nangyayari sa mundo? Wala na bang ligtas na lugar dito? Para sa taong may kinalaman dito, karmahin ka sana. Dahil sa’yo nasayang ang pamasahe’t oras ko.
Pero mas nataranta ang ka-grupo ko sa Advertising na si Myrtle, baka raw ma-delay sya kung sumabog ang CMC library. Sabi nya, magmeet na lang kami next week para sa presentation namin. Tanong ko sa kanya, paano kung next week wala nang skywalk?
Iskolar ng Inquirer
Nitong Miyerkules, pumirma na kami ng kontrata sa Inquirer. Pero bago nangyari yun, sinabihan kami ng isang taga-Inquirer na “ you’re going to meet our president.” Tanong ko naman: “Si GMA?” Maniwala kayo, Inquirer Scholar na ko.
Nameet nga namin ang Inquirer president na si Alexandra Prieto-Romualdez. Maganda sya kahit matanda na sya (para sa ‘kin). Pinagalitan pa nya si Sir Isagani Yambot, ang publisher ng Inquirer. “Isagani, your bias is showing again,” sabi nya. “Ba’t walang taga-UST.” Sagot naman ni Sir Yambot, “They’re not interested.”
Hah. Iskolar nga pero wala pa rin akong pera.
[]
 
JULY 7, 2005
The Blog Option Bloggers Blogging about the Gloriagate
Click. Encode. Enter. Read. Write. Upload. Discuss. Debate. What was once a host of online writers talking about their crushes, their meet-ups with a porn star or their undesirable experiences of wearing a thong now evolves into a collective of online commentators, giving their analyses on the controversy that is the Gloriagate tapes.
The Gloriagate tapes contain the wiretapped chat between President Gloria Macapagal-Arroyo, Senator Robert Barbers and Commission on Elections commissioner Virgilio Garcillano during the canvassing of votes in last year’s presidential elections, which fueled speculations that Arroyo cheated. Soon, these speculations were individually published online on their weblogs or blogs--- frequently updated personal websites, usually with talkback software for commenting and easy uploading key for entries. The MP3 files and the transcripts of the conversation and “Hello Garci” ringtones were also uploaded in some sites.
Prof. Danilo Arao, University of the Philippines Journalism Department head said that the existence of political content is a reflection of the changing times. However,
Arao, who also teaches web publishing, stressed that it can only be found in selected blogs and others are still indifferent to current events. He said that token comments were
most published, only discussing issues just for the sake of being “in.”
Meanwhile, Jason Paul Laxamana, Peyups.com columnist and blogger of Lagsh.com, said that his reason for writing about the controversy is because of its novelty. He said his purpose of writing is not to be “in” but expressing what is on his mind.
“In my blog, I write whatever that is mainstream and it [Gloriagate] was a big issue,” Laxamana said.
Paul Xymon Garcia, who blogs in Pxdg.blogspot.com, said that ideally blogs could be an alternative venue for dissent and protest. However, he said, we cannot compel people to do that for people have their own purposes in blogging. Garcia also said that it also borders on an ethical issue—trying the President by publicity.
UP Journalism professor Ma. Cristina Rara agreed that trial by publicity exists. She said however that the public has the right to know. With limited space in newspapers and bias in television, the freer medium could help in the flow of information for public analysis, Rara said.
Probably with the same reason as Rara, TXTpower.org, a website of cellphone users, provided a lists of bloggers regularly discussing the present political crisis, aside from having offered downloadable variants of “Hello Garci” and “I am Sorry” ringtones. Included in the list are the blogs of Philippine Center for Investigative Journalism (Pcij.org/blog), GMA 7 reporter Tina Panganiban Perez (Crimsonpage.blogspot.com), and Tinig.com editor Ederic Eder (Ederic.fil.ph).
Hype or pure social responsibility, blogging proves to be a promising venue for freer communication. So heads up people, if you think watching the news or reading the papers are heated enough, wait till you visit these blogs!
#
[]
 
JULY 6, 2005
Vilma Santos: Deserving but Others First
The academe now recognizes a popular movie star as a remarkable media practitioner. Does she really deserve such recognition? And what does this imply with the significance of a film actress in the Philippine society?
Vilma Santos, also known as the Star for All Seasons, received the highly coveted University of the Philippines (UP) Gawad Plaridel, an award given to media practitioners who did their responsibilities of setting high standards in their respective fields for public service. The recognition is named after the propagandist Marcelo H. del Pilar, whose pseudonym is Plaridel, who sought reforms by publishing La Solidaridad, a revolutionary paper in 1890. UP College of Mass Communication (CMC) said in the leaflet that the recipient must believe in an ideal of a Filipino society that is equal and progressive; and in a media that is critical, free, and makes people free or in the vernacular, mapagpalaya.
Dr. Nicanor Tiongson, UP CMC dean, stressed that popularity was never the reason Santos was chosen but rather what she did with her popularity. Santos, he said, had been picky in the roles she would be playing which made producers think twice in offering lead roles to her, creating and tweaking scripts that would suit her popularity. Eventually, with this attitude Santos’ films became classics not mainly because of being box office hits (e.g. Sister Estella L did not earn much), but because of its social relevance and gender sensitivity. On that note, I agree that she does deserve a Gawad Plaridel.
However, I strongly feel that even though she deserves it, some people ought to have it first. I am not saying that actors need less credit but don’t we have enough award-giving bodies to recognize them? How about the underpaid people who conceptualizes the story? The people who work in the background? I am talking about the likes of Jose “Pete” Lacaba, who wrote the screenplays of films where actors ironically were being more recognized. It was a bit disappointing that the academe overlooked the “under-recognized,” this recognition by the premier state university might have been a consuelo amid the mediocre industry to a less popular auteur.
In fairness to Santos, she fits the bill if we were going to honor actors. She used her ability to influence people in the creation of socially significant quality films. Santos is a concrete example of what media educator Gloria Watkins said: there is a direct link with the representation we see and the choices we make.In a country with new problems almost everyday, people seek relief from the routines of life, wanting to escape from pressures and problems of day-to-day existence. The audience, however, may not realize that while viewing Santos as an activist nun, a member of a patriarchal family or a mother in a dictatorial regime, they are in the process of cognition—an act of coming to know something. Her roles diverted people from the usual stereotypes of women and half-truths of a patriarchal society, which also proves that films, although profit-oriented, could make people critically vigilant.
#
[]
 
JULY 5, 2005
Isa pa
Kanina, napansin ng mga orgmates ko na palamura ang kasama naming si Lawrence. Sabi ko naman, ayon sa isang makata: kaya tayo napupuot ay dahil nagmamahal tayo. Kung ganun pala, mapagmahal pala ang palamurang loko.
Pero syempre, biro lang yun. Hindi naman nangangahulugan na ang palagiang pagmumura ay sukatan ng pagkapoot. Masyado lang akong natuwa sa pahayag na yun na nabasa ko sa isang literary folio ng Kule. Totoo nga naman, kaya tayo naasar, naiinis, nagtatampo, nagdadabog, nayayamot, sumisigaw, nalulungkot, umiiyak, humahagulgol, nagagalit, at napopoot eh dahil nga nagmamamahal tayo.
Reality check din ito sa mga taong katulad ko. Sawa na ko sa mga sablay ko at sa mga sablay ng mga minamahal ko. Para bang linggo-linggo na lang may pagkukulang ang isa na dapat bigyang pansin. May mga bagay na dapat ayusin.
Hindi talaga madali ang magmahal at halos sa lahat ng pagkakataon, madali tayong masaktan sa mga pagkakamali ng isa't isa, sinadya man o hindi. Pero dito pumapasok ang ayon sa orgmate ko na si Adan ang pinakamagandang salita: sorry.
Pero mas nagiging madalas sa isang tao ang mag-sorry. Ilang ulit nang humihingi ng paumanhin pero tuloy pa rin sa dating gawi. Hanggang humantong sa pagsisisi. Inuulit ang mga eksena sa isipan sa mga posibleng kinahantungan kung ibang kilos ang ginawa, ibang lugar ang pinuntahan, ibang tao ang nginitian o ibang salita ang binigkas, kahit alam sa loob na wala ring mapapala. Nawala na ang oras at nabasag na ang baso.
Masarap makarinig ng sorry. Pero mas masarap mabigyan ng isa pang pagkakataon.
[]
 
JULY 3, 2005
Tamaan Sana ng Kidlat ang mga Iyakin sa Mundo
Kala ko hindi na ko mabubuhay pagkatapos ng nakaraang linggo.
Pilit kung iniintindi ang mga nangnyayari. Ang mga salitang “ang lahat ay may dahilan” ay para nang gasgas sa pandinig ko.
Ilang ulit na kong umiiyak pero wala yatang nadadagdag na kapirangot na katapangan. Pinilit kung wag intindihin ang mga bagay napakasakit. Pilit kong pinagtuonan ng pansin lamang ang mga plato na hinuhugasan ko, pero humalo sa sabon ang laway ng mata ko.
Sinabihan ako ng Lunes na hindi ko maangkin ang lahat ng gusto ko. Naasar ako sa sinabi nya. Pulos mga kailangan ko na hindi ko naman ganoon hinahangad ang natatanggap ko.Pero ang simpleng kaligayahang ninanais ko ay napunta sa iba.
Bumaba ang loob ko. Pag-uwi ko sa bahay, nadatnan ko na ang ilaw namin ay napupundi. Mahirap maglakad sa kusina ng madilim. Natapakan ko pa nga ang buntot ng pusa namin. Mas lalo akong naasar. Hindi rin pala ako naiiba sa haligi na pawang panunumbat ang alam. Dahil nga dun, hiniling ng kapatid ko na mamatay na lang ako.
Kaya’t parang akong gripo gabi-gabi. Kailangan ko na nang pumunta sa Korea para magpatanggal ng eyebags. Nalaman kong gwapo pala ako pag umiiyak. Mag-emote ba naman sa salamin.
At wala na yata akong tamang ginawa. Kahit sa mga kaibigan ko, nadadamay ko sila sa kadramahan ko. Tangina.
Yun lang. Pero naasar rin ako sa isang ma-feeling na babae. Sisihin ba naman ako dahil mali ang linya ng cel nya na tinext ko para makontak sya. Anong akala nya,may responsibilidad ako sa kanya? Tsaka kung tutuusin wala na nga kong celphone pero nakitext pa ko sa dalawang tao, ni wala kaming usapan na i-kokontak ko sya. Alam ba nya kung gaano nakakahiya yun? Dahil sa hindi nya pagsipot sa usapan, bokya tuloy sya sa assignment.
Lintek talaga. Bat ba may mga taong ganun? Ganun na ba ko kasama? Finalist na nga ko sa Inquirer, ginagagawa pa rin nila kong tanga. Kulang na yata, sisihin sa akin ang ugat ng Jueteng sa Pilipinas.
Ah,ayoko na. Ok lang naman sabihin yun di ba? Ayoko nang maglagay ng pipino sa mga mata ko. Ayoko na ring makaramdam na taong-hangin ang kasama ko. Ayoko nang sumigaw na ako lang ang nakririnig.
Ang gusto ko. Sana lang talaga. Maging masaya.Asa pa ko.