PAGE 4
Frame 1
ATOY: (mad balloon) Hindi ko akalaing magagawa mo sa'kin to.
MIA: (whisper balloon) Atong?!
ATONG: (shouting balloon) Niloko mo ko! Wala kang kwentang babae!
ILLUSTRATION:
Si Mia ay pareho ng pwesto pero nakatingin sa may pinto sa likod. Nakatayo lang sa isang gilid ang officemate at nasa pintuan na nakaturo kay Mia si Atong na galit na galit. Si Atong ay nakasuot ng Polo at Maong.
BOTTOM CAP: Pagkatapos bitiwan ang masasakit na salita ay biglang umalis si Atong. Si Mia naman ay naiyak sa pagkabigla sa mga pangyayari.
Frame 2
TOP CAP: Paglipas ng isang linggo… sa opisina…
OFFICEMATE: Wag mo nang panhinayangan yung star witness mo…
MIA: Hindi naman yon ang iniisip ko eh..
OFFICEMATE: Mahal mo na yang yagit na usiserong yan no?
MIA: Minahal ko siya ng ganon sya. Ayoko ko siyang mawala…
ILLUSTRATION:
Parehong nakaupo si Mia at officemate, magkahiwalay na table. Nakaharap pareho sa audience. Si Mia ay hindi naka-ayos ang itsura, naka t-shirt lang at si officemate ay naka-blouse. Parehong malungkot ang mga mukha.
BOTTOM CAP: Kinaumagahan ay lumakad sila at lumuwas ng probinsya kung saan nakatira si Atong.
Frame 3
TOP CAP: Pagdating sa bayan ay ipinagtanong nila ang bahay at natunton din nila ito. Laking gulat na lamang nila ng ibaba sila sa harap ng isang hacienda…
MIA: Magandang Umaga, pwede kay Atong?
MAID: Ah, kay sir po. Sige, pasok po kayo.
MIA at OFFICEMATE: Sir?!
ILLUSTRATION:
Nakatayo si Mia at officemate sa harap ng malaking gate na bahagyang nakabukas at may malaki at mataas na kongkretong bakod. Kausap nila ang maid na galing sa loob na naksuot ng putting uniporme.