Frame 2
TOP CAP: Kinagabihan ay nagkita sila sa isang simplend kainan malapit sa istasyon…
ATOY: Maraming salamat, Mia. Pinagbigyan mo'ng imbistasyon ko.
MIA: Pasensya na. Mainit lang ulo ko kanina. Sungit ko ba?
ATOY: Wala yon. Mia, sana hindi ito ang huling labas natin…
ILLUSTRATION:
Kumakain sila sa isang restaurant. Nakaupo na magkaharap, magka-level ang mukha ngunit hindi magkatinginan.
Frame 3
TOP CAP: Hindi nga iyon ang huli nilang pagkikita dahil halos araw-araw noon ay nagkikita at lumalabas na sila. At habang tumatagal ay lalong napaplapit ang loob sa isa't-isa…
ILLUSTRATION:
Extreme close-up na side view. Magkaharap si Mia at Atoy. Nakangiti at nakatitig sa mga mata ng isa't isa.
Frame 4
TOP CAP: Naramdaman ni Mia na tuluyan nang nahulog ang loob ni Atong sa kanya, kaya naglakas loob na siyang magtanong dito…
MIA: Mahal, totoo bang nandon ka nung napatay si Kokoy Lagmay?
ATOY: Hindi ah.
MIA: Nasa likuran ka daw ni Kokoy bago siya nabaril?
ATOY: Wala nga akong alam tungkol don.
ILLUSTRATION:
Nakaupo sila sa isang bench na may sandalan. Magkatabi at magkaakbay. Naka-lean yung ulo ni Mia sa balikat ni Atong. Si Atong ay naka-blue na t-shirt at maong pants at si Mia naman ay naka-bulaklakin na bistida.
Frame 5
TOP CAP: Kinabukasan ng umaga sa opisina…
OFFICEMATE: Hoy Mia! Madalas daw kayo lumalabas nung usi na yon?
MIA: Diskarte ko to. Malapit na siyang umamin.
OFFICEMATE: Ano kamo? Umamin? San?
MIA: Magkano ba bago kumanta yang Atong na yan…?
ILLUSTRATION:
Si Mia ay nakatayo sa kaliwa, naka-itim na blazer at mini-skirt, at naka-cross arms. Ang officemate naman ay nakatayo sa likod niya, bandang kaliwa na naka-blazer at mini skirt din na dilaw.