PAGE 2
Frame 1
ATONG: (whispering balloon) Ang ganda talaga niya… babong!
KAIBIGAN: Oy, oy, oy… tumigil ka sa pag-iilusyon mo ah! Hindi ka papatulan nyan.
ATONG: Kailangan ko siyang makilala. Halika, sundan natin…
ILLUSTRATION:
Magkatabi ang magkaibigan na nakatingin kay Mia habang papalayong naglalakad kasama ang cameraman.
BOTTOM CAP: At sinundan nga ng dalawang lalaki si Mia pabalik sa kanyang istasyon…
Frame 2
TOP CAP: Pagdating sa GMA-CBN…
MIA: 'Lam mo, may lalaking kumausap saken kanina. Gwapo!
OFFICEMATE: Talaga?! Anong sabi mo? Anong nangyari?
MIA: Wala. Isa lang syang gusgusing usisero. Turn-off!
OFFICEMATE: Mia ah. Di talaga yan pasado sa standards natin…
ILLUSTRATION:
Nasa office na maraming lamesa at upuan si Mia at officemate. Si Mia ay nakatayo, nakaharap sa officemate at mejo nakabend papaharap na nakatukod ang dalawang braso sa table na kinauupuan ng officemate. Si officemate naman ay mejo mataba ang katawan, short hair at naka-white na blazer.
Frame 3
BOSS: Mia, itinawag kanina na isang Atong ang witness sa krimen.
MIA: (thinking balloon) Atong? Siya nga kaya yon?
BOSS: Magaling sana kung makikilala natin 'tong taong ito.
ILLUSTRATION:
Nakatayo si Boss na nakaharap sa dalawang babae mula sa kanan. Si Mia at officemate ay parehong nakatingin kay Boss. Si Boss ay maliit, kalbo, balbas-sarado, malaki ang tiyan, naka-chaleko na brown at nagyoyosi.
BOTTOM CAP: Biglang napa-isip si Mia sa sinabi ng boss nya. Ang kausap kaya nya ang Saksi sa storya nya?
Frame 4
TOP CAP: At nakarating narin sila Atong sa istasyon…