Frame 4
TOP CAP: Napakalaking bahay ang kanilang tinuluyan at sinalubong sila ng isang lalaking hindi nakilala dahil sa gara ng kasuotan…
ATONG: Mia, anong ginagawa nyo rito. Kailangan nyo kong interviewhin?
MIA: Atong, mali ang iyong iniisip…
ATONG: Hindi nyo ko kailangang suhulan para magsalita… (shouting balloon) Interviewhin nyo na ko!
MIA: Kaya kami nagpunta dito ay dahil…
ILLUSTRATION:
Nakaupo si Mia at officemate, magkatabi sa sofa. Si Atong naman ay nakatayo sa harap nila galing sa mataas na hagdan. Nakasuot si Atong ng Amerikana na may dalang brief case.
PAGE 5
Frame 1
MIA: Mahal kita… Hindi importante sa'ken kung isa kang witness o hindi.
MIA: Minahal kita kung sino ka talaga kaya ako nandito ngayon.
MIA: Hinanap kita dahil hindi ko kayang tuluyan kang mawala sakin…
ILLUSTRATION:
Whole-body shot. Nakatayong magkaharap si Mia at Atong sa isa't isa… Blangko ang background, puti lang para ma-highlight yung dalawa.
Frame 2
ATONG: Maykaya ang pamilya ko ngunit ayaw ko 'to ipaalam sa tao.
ATONG: Ilang beses na 'kong bigo sa mga babaeng salapi lang ang habol.
ATONG: Mabuti na lang at mayron pang mga babaend tulad mo…
ILLUSTRATION:
Same with the previous frame pero half-body shot.
Frame 3
MIA: Mahal kita, Atong….
ATONG: Mahal na mahal din kita, Mia…
ILLUSTRATION:
Same as previous frame but extreme close-up -- from eye-brow to lips lang. Very minimal space between lips.
Frame 4
ILLUSTRATION:
Extreme close-up -- Kiss
BOTTOM CAP: Simula noon ay namuhay si Mia at Atong sa haciendang pagsisimulan ng kanilang magandang pagsasamahan.