<<< balik sa listahan

may pera sa suhol, wala sa iskul

ika-6 ng Marso 2008

<<< bumalik sa naunang pahina


Kung tutuusin ang 20% na kickback mula sa NBN-ZTE deal ay sapat na upang punan ang kulang sa badyet sa Unibersidad ng Pilipinas at patakbuhin ang buong sistema nito kabilang na ang PGH. Ngunit, iba ang oryentasyon ng pamahalaang pilipinas sapagkat mas iibigin nitong magsilbi sa interes ng imperyalismo kaysa sa interes ng mamamayan na siyang dapat nitong pinagsisilbihan.

Sa ilang milyong pera na kinukurakot ng gobyerno ay pagpatay sa mamamayan. Sa bawat piso na binubulsa ay pisong inalis sa pasahod, pisong inalis para sa pagsiguro sa kalusugan, pisong nawala sa edukasyon at iba pang serbisyong sosyal.



“Only through militant struggle can the best in the youth emerge.” – Joma Sison

Ang kasaysayan ng Pilipinas ay kasaysayan ng pakikibaka laban sa kolonyal at malakolonyal na mga kaapihan. Kailangang bawiin ng kabataang Pilipino ang dangal ng bayan sapagkat ang kabataan ang tagapagmana ng lipunan na hinuhubog sa kasalukuyan.

Winawala ng neoliberal na karakter ng edukasyon ang makabayang oryentasyon sa mga kabataan sa kasalukuyan habang tinataguyod ang indibidwal na kagalingan at mga pansariling interes. Imbes na lumabas sa apat na sulok ng silid-aralan ay kinatatakutan pa kung hindi manminamasama ang sama-samang mga pagkilos para sa pagkamit ng mga batayang karapatan.

Ngunit kung susuriin, ay napatunayan na ng kasaysayan na ang sama-samang mga pagkilos ay nagbunga ng mga tagumpay at kalayaan na tinatamasa hanggang sa kasalukuyang panahon. Pamana sa atin ng ating mga ninuno ang naturang mga tagumpay kung kaya’t dapat itong pahalagahan ng mga kabataan.

Ano pa nga ba ang pinakamainam na paraan na paggunita sa naturang tagumpay kung hindi ang pagbawi sa diwa nito at pagsigurado na mananatili ang maka-mamamayang oryentasyon ng pamunuan sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa militanteng tradisyon.

(tapos)

________________________________________________________________________________





kasalukuyang binabasa:

may pera sa suhol, wala sa iskul

mga susunod:

mariannet amper, namatay sa sinapupunan palamang

kung si hillary ang maging susunod na U.S. president

paano bubusalan ang midyang mapagpalaya?

mga aktibista, mamamahayag at lider unyonista

shampoo,conditioner at girlpower




tinala ni Mikas Matsuzawa ang DIWATA 2008
pambungad | tahanan | anawnsment | artikels | piktyurs | kontak