<<< balik sa listahan

may pera sa suhol, wala sa iskul

ika-6 ng marso 2008

>>> pumunta sa susunod na pahina


Matingkad ang sikat ng araw. Nakaupo sa may kalsada sa may bukana ng Mendiola ang ilang mga kabataang mula sa iba’t-ibang paaralan. Maya-maya lamang ay dumating ang ulap at tinakpan ang mga sinag ng araw, sabay patak ng mangilan-ngilan na butil ng tubig mula sa kalangitan. Maya-maya nanaman ay umaaraw na muli.

“Mga kasama, malinaw sa ulat ng panahon kanina na magiging mabuti ang araw na ito para sa isang mobilisasyon! Ngunit, kataka-taka na pabugsu-bugso ang ulan. Malinaw na cloud-seeding ito. Mga kasama, tinatangkang buwagin ng rehimeng ito ang ating hanay, ngunit alam natin na sila ay bigo sa kanilang tangka" ito ang umaalingawngaw na sigaw ng isang estudyante sa megaphone. Nakikinig ang mga kabataan sa mga pahayag ng mga kasamahan sa pagkilos na iyon. Nakikinig ang lahat na tila nasa klase, isang klasrum sa lansangan.

“I will not entertain any argument based on the premise that tertiary education is a right." -UP President Emerlinda Roman


Ito na nga ang kasalukuyan at laganap na retorika ukol sa kalagayan ng edukasyon sa unibersidad. Ang edukasyon ay unti-unti nang ginagawang pribilehiyo na dapat ipagpasalamat ng mamamayan, dahil kahit papaano ay hinahayaan pa ang ilang pampublikong institusyon ng edukasyon na manatili. Ngunit, maging iyon ay ipinagkakait na din sa mamamayan ngayon sapagkat ang mga pampublikong mga kolehiyo at unibersidad ay nakikipagsabayan sa pagtaas ng matrikula ng mga pribadong institusyon ng edukasyon.

Kung matatandaan noong Disyembre 15, 2006 ay ipinasa na sa Board of Regents, ang nakapagpapasyang kapulungan ng Unibersidad ng Pilipinas, ang pagtaas ng matrikula na aabot sa 300%. Hindi naman daw kayang tustusan pa ng gobyerno ang pagpapatakbo sa naturang pampublikong unibersidad kung kaya’t marapat lamang na mga estudyante na ang pumasan ng buong bigat sa responsibilidad ng estado. Kapansin-pansin din na imbes ikumpara ang halaga ng matrikula sa mga katulad na pampublikong pamantasan ay inihambing ang matrikula ng UP sa matrikula ng mga korporasyong pamantasa.

(susunod)

________________________________________________________________________________




kasalukuyang binabasa:

may pera sa suhol, wala sa iskul

mga susunod:

mariannet amper, namatay sa sinapupunan palamang

kung si hillary ang maging susunod na U.S. president

paano bubusalan ang midyang mapagpalaya?

mga aktibista, mamamahayag at lider unyonista

shampoo,conditioner at girlpower




tinala ni Mikas Matsuzawa ang DIWATA 2008
pambungad | tahanan | anawnsment | artikels | piktyurs | kontak