August 2005 The Unofficial Publication of A Tired Would-be-journalist Vol.2/No.2 P99
Tatlong ako
August 21, 2005 @ 8:30 pm
Kung sa tingin ninyo kilala nyo na ko, nagkakamali kayo. Triplets kaming nagpapalit-palit sa pwesto ng taong nagngangalang Jerald Uy. Oo, surreal man pero totoo. Sige na nga, hindi. Hehe. Nagninilay-nilay lang kasi ako at nalaman kong tatlong klase pala ang pagkakakilala sa 'kin ng iba.
JERALD
Ito ang personang iniwanan ko nung haiskul. Ang batang mahilig sa Physics, Calculus, at rock music. Isa syang ambisyosong tao. Gusto makuha ang lahat. Sa maniwala kayo't sa hindi, tahimik at may pagkadesente sa Jerald. Madalas rin syang na katatanggap ng mga sulat sa mga nabubulagang babae. Sabi nila asset ko daw ang ngiti ko kaya Captain Smiley ang tawag ng mga kaibigan ko sa'kin. Kaso may pagka-playboy. Kinarma sya ng ma-meet nya si D. Mula nun, gusto na nyang palitan ang pangalan nya.
JERRY
Pagpasok ng kolehiyo, lumabas na si Jerry. Mula nang masaktan sya, tinanong nya ang sarili nya kung ano ba ang ayaw ng mga babae: Corny. Papansin. Isip-bata. Successful sya dito. Halos lahat naasar sya. Pero may nakalagpas pa rin. sabi nga ng isa, ang pagiging corny ko raw ay paraan ko para magwapuhan ang tao sa'kin. Di ako naniwala. Hanggang dumating si Y. Sa mga panahong mababa ako, nakita nya ko. Kaso ang gago, takot. Pinabayaan nyang mawala si Y.
JERIBOY
Ito ang pangalang binansag na kaibigan ko. Wala tong kinalaman sa anuman. Bago lang kasi. Naiiba. Sabi nila nagbabago na ko. Ang totoo natatakot ako. Kung iwawaksi ko ang nakaraan baka mawalan ako ng direksyon. Kaso hirap talaga. Dapat na talagang umalis sa mga bagay na natapos na. Sana nga lang may dumating na.
Print Ads
August 19, 2005 @ 4:30 pm
I made these ads for my advertising class. Check them out. Photos from Stan, Jepi, Kate and Google. Photoshopped by the silverbolt *kaboom!*.
Tip
August 15, 2005 @ 3:57 pm
The cashier should know that the customer isn't always right. He has to realize that the customer, like him, also commits mistakes. The counter should also think if he really served him right. Did he give him enough time? Did he treat the customer with respect as humanly as possible? There are reasons why the customer did such acts. Hear him out. There are always two sides of a story. And your side is as important as his.If you would ignore him, you'll just end up hurting each other.
About Me
3:55 pm
from my friendster profile
simple lang gusto ko: pera, kaibigan, pag-ibig at pagkain.
generally masayahin akong tao kaya nga Captain Smiley ang palayaw ko nung high school. Hilig ko ang math, physics at chemistry pero napadpad ako sa journalism. Pinakaayaw ko ang biology dahil inaantok ako sa mga phylum at mga bulate, except na lang kung reproductive system ang pag-uusapan. Kaso ang nangyari reproduction ng plants ang laging tinututukan.
Sa lahat ng bagay binibigay ko ang best ko. Wala na kong pakialam sa mga naiingit at ayaw sa akin, basta wala akong tinatatapakang iba.
Mahalaga sa kin ang pamilya at mga kaibigan ko. Mahilig ako sa comics, arcade, at music. Hilig ko ang Pinoy rock. Dati akong choir member at band vocalist at street cum cheerdancer, nakakahiya mang sabihin (pero nanalo naman ang year namin). Nagkamedal na rin ako sa mga plays. Miss ko na nga ang acting eh.
Mahirap lang rin ako. Nagsisideline ako sa PC shop ng tita ko tuwing Linggo. Nakakatulong naman dahil naeencode ko ng libre ang papers ko kaso amoy yosi dito. Two years ago, nag-janitor naman ako sa business ng tito ko. buti na nga lang naging iskolar ako ng bayan nang ma-admit ako sa UP. Tapos naging iskolar ng isang NGO. Tapos ng isang sikat na dyaryo.
Sa ngayon kinikilala ko pa ang sarili ko. Gusto kong subukan lahat. Nalaman ko rin na hindi ko pwedeng maangkin ang lahat.
Yun lang. bow.
Abbey Road. The UJP-UP Information and Propaganda Commitee walks on the pedestrian lane
Si Diana (Hindi yung Tuna)
August 14, 2005 @ 10:35 am
Na-aarouse ako kay Diana Zubiri.
Kanina pa nga sya nakatitig sa'kin. "Date Diana Zubiri and grab any of these," sabi ng poster ng diwata ng lupa na nakadikit sa pintuan ng PC shop na aking pinagtratrabahuan. Dahil sa kanya, di ko matapos-tapos ang assignments ko kay Ma'am Chua. Nakakarelate na ko ngayon kay Spiderman: "Is this a gift or a curse?"
May mga bagay talaga na inaakala nating maganda pero minsan maiisip nating malas pala ang dala. Tama ba ko, Diana?
"Hindi. Akala mo lang yun. Be optimistic, may mangyayari ring maganda."
Wow. Salamat Diana sa pagsagot. Teka lang ha, papatingin muna ako sa doktor.
Original Pinoy Superhero ?
10:25 am
Captain Marvel's magic word + Wonder Woman's style + Superman's heat vision (recently)= Darna, the original Pinoy superhero!
Film Buff
10:20 pm
Nagiging film buff na ata ako. Ngayong sem napanood ko na ang Fantastic Four at Charlie and the Chocolate Factory (Premier Night pa!). Kung marami lang akong pera, sana napanood ko rin ang Sin City at Batman Begins. Inaabangan ko na lang ulit na bigyan ako ng free ticket ng Red Sky ba �yun? Basta maganda raw yun.
Kagabi napanood ko ang Asian film na So Close. Translated in Filipino sya pero halatang mga boses ng mga tauhan sa characters sa Naruto kaya astig pa rin. Hindi ko masabi kung Korean film sya kasi narinig ko iba�t ibang stars daw sa Asia yun. Pero nakita dun yung lead actor ng Endless Love, yung nasagasaan ng trak sa ending. Minor role lang sya pero talagang astig . Ang ganda talaga. Na-miss ko talaga ang mga martial arts flicks. Hehe
Si PS Girl
August 11, 2005 @ 3:32 pm
"Oi, in love ka ba?" tanong sa'kin ni PS girl. "Nagiging cute ka na kasi"
Baka nga, gusto ko sanang sabihin. Baka nga tinamaan ako ng palaso ni Kupido kaya ako gumagwapo. Imbes na sumagot, napangiti na lang ako.
Pero di pa rin tumigil si PS girl na kanina ko pa nakasabay sa Philcoa dyip.Tinanong nya ko kung ba't di na ko napapadaan sa dorm nya. Tapos hinamon nya ko na makipaglaro ng play station. Ulit, napangiti ako.
"O sige, dito na ko," sabi ko sabay baba sa Quezon Hall. Sa FC pa ang klase nya.
Eiow
August 10, 2005 @ 10:30 pm
Wala akong magawa, post ko na lang ang pektyur ko.
May isang taong makasarili. Sya rin naman may pagkukulang.
Blue
August 6, 2005 @ 4:30 pm
Everyone, heads up! You're now looking at the August edition of the Silverbolt! Now,why so "inquirer," you ask? I have three reasons for you:
1. This is a sort of saying thanks to the Philippine Daily Inquirer who picked me out of the ten finalists and into the five scholars (Although I haven't received anything yet). In just two years, I would be working for them for at least a year as part of the contract.
2. My current J121 lecturer is one of the best investigative reporters in the country: Ms. Yvonne Chua. Although I must admit that I really should work on my editing and make up for the recently disastrous report, thanks to my groupmates living in the other side of the galaxy (no offense, guys :), this design should set the mood. Probably, this would also stay for some months because of my hectic sked.
3. Markyboi liked a newspaper-style handout with the Inquirer masthead made by Karl Castro, last year's Collegian layout artist. I thought it would be good to also use a spoofed masthead for our nonexistent handouts on copy editors so I asked Karl to make one(Philippine Daily Copy Editor). When he said "yes," I also asked him to make one for my site. So voila! Look how cool it is! :)
To be honest, I'm not in a very happy state right now. This is the time when I'm faced with different tests (physical, emotional,psychological, social and academic), all of which I think I'm failing. But seeing the uncle's niece everyday seems to lighten things up. The idea of being with her is so ideal. But she is one of the few who have always greeted me on my being a scholar of a paper. Perhaps there's a chance. Haha. Here I go again.