![]() |
<<< balik sa listahanmay pera sa suhol, wala sa iskulika-6 ng Marso 2008<<< bumalik sa naunang pahina>>> pumunta sa susunod na pahina
Walang badyet, ito ang laging sinasabi sa mamamayan tuwing hinihingi nila ang kanilang lehitimong karapatan. Ngunit, sa panahon na umaangat ang ekonomiya ay kapansin-pansin na hindi naman nadarama ng mamamayan. Nasaan ang tunay na kaunlaran kung ang mamamayan ay hindi naman nakikinabang mula dito.
Napatunayan nitong mga kaganapan ng nakaraang araw kung sino nga ba talaga ang nakikinabang sa mga “proyektong pang-kaunlaran” ng gobyerno. Mula sa mga pahayag ni Jun Lozada patungkol sa NBN-ZTE deal ay naipkita ang katotohanan sa likod ng mga proyekto ng pamahalaan. Higit sa paglilingkod sa publiko ang naturang mga proyekto ay mga negosyong pinagkakakitaan talaga ng mga pulitiko. Sa katunayan ay hindi ito ang unang pagkakataon na humarap ang gobyernong Arroyo sa mga anomalya. Bago pa man ito ay nalalaman na ng mamamayan na may korapsyon talaga sa gobyerno, at naging instrumento dito si Lozada upang ipakita kung paano isinasagawa ito ng gobyerno. Mula “Hello Garci?” hanggang NBN-ZTE deal, ang administrasyong Arroyo na din ang umuukok sa pundasyon ng panunungkulan niya.
|
|