 |
25 MARCH 2005
Earfood: Gabi - Taffy Trip
Ramdam: Sleepy
Gunam: Ang init.
|
bard
anong mangyayari kapag ang www[dot], dinikit mo sa akin (lagsh) at sa [dot]com?
lumipat na ako! unahan tayong makapunta sa nilipatan ko! http://www.lagsh.com.
goodbye na sa 15 mb mo, geocities. goodbye na sa bandwidth exceeded shit mo! so long, suckers, yeeeeeeeeeha!
 |
24 MARCH 2005
Earfood: Skies - Harsh Flavor
Ramdam: Unreligious
Gunam: Billy crawford is coming to town. Soon.
|
conyo tv
ako lang ba talaga ang nanonood ng mga palabas sa channel 13? yung tuwing miyerkules ng gabi na tinatawag na ideal minds' wednesday lupet! night?
magsisimula ng alas siete sa palabas ni jm rodriguez et. al na on air tambayan. tapos susunod ang direk. susundan naman iyon ng isa sa mga talagang inaabangan ko, ang junior reyes reports. tapos, ang paboritong kong palabas sa tv nowadays, ang bestfriends nina abby cruz at william thio. laugh-trip naman pagkatapos sa celebrity single: dale villar.
bakit laugh-trip yung kay dale villar? natatawa kasi akong obserbahan ang isang conyong tao na nabubuhay sa isang conyong buhay. nakikipag-date sa mga conyong babae sa iba't ibang mga conyong lugar. ang conyo-conyo ng palabas na 'to kaya nakakatawa! it makes me tawa like all the time! yah, really!
what makes a pinoy palabas conyo ba? i make paniwala it's the target audience. examples of conyo shows are f and txtube live out loud at gma7 every midnight. include also celebrity single: dale villar and bestfriends.
madalas ko silang i-describe as "cosmo" shows. metropolitan. urban. para sila sa mga city people. pero kahit hindi ako city people, nahuhumaling ako. yung bestfriends, kahit conyo ang mga tao dun, okay siyang panoorin kasi may light love story ni william thio at ni abby cruz. sobrang genuine ng acting nila parang hindi na sila nag-a-act. parang totoo na. unlike pag nanood ka ng teleserye, kahit nadadala ka minsan, obvious na theatrical ang performance.
sana dumami pa ang mga palabas katulad ng sa ideal minds. kudos kina christopher tan at sa rest ng board of directors! any job openings? hehe.
tungkol pa rin sa tv. one time, napadpad ako sa pbo at showing yung horror flick na takot ka ba sa dilim. pangatlong beses ko ng napanood yun pero at that time ko lamang siya na-a-appreciate. andami niya kasing element mula sa philippine underworld folklore: mga kapre, tikbalang, duende, asuang, diwata, atbp.
gustong-gusto ko kasi yung mga ganun e. at, by the way, ang conyo-conyo ni raven villanueva dito. hindi siya nakakatuwa. ang awkward nung mga tagpong kasama niya yung diwata (amanda paige) tapos sinasabihan niya ng, "kailangan ko pang bumalik sa mga friends ko e." jusko, hinihintay ko na lang mag-reply ang diwata ng, "e why do you have to return to your friends ba? di mo ba naiintindihan na mahal kita?"
roll master tape
noong nakaraang huwebes ang final production namin sa radio production class ko. ako ang scriptwriter at ang director. masasabi kong medyo mahusay na ako sa pagdi-direk kasi confident ako noong nagdidirek. alam kong puwedeng may mangyaring mali pero confident pa rin ako kasi i knew i'll be able to manage things kahit magka-murphy's law.
ang final prod namin ay one-broadcast-hour (one broadcast hour = 40 mins; 20 mins allotted for advertisements, station ids, and time checks) thriller. sabi ng prof ko paririnig niya sa mga katulong at sila ang manghuhusga, kaya dapat, i-match sa stereotyped intellectual level nila: don't involve too much thinking; thrill them. scare them. atsaka dapat daw may hindi inaasahang twist sa huli; kapag nahulaan niya ang ending bago ang huling 10 minuto ng palabas, cinco na.
ang kuwento ko ay tungkol sa isang maka-diablong kulto na tinatawa na 'kulto ng mga binulag.' lahat ng miyembro ay mga taong bulag, na ginawa nila sa kani-kanilang mga sarili voluntarily. ganito sila nagpaparami: lalapit sayo ang isang miyembro at tatanungin ka ng "gusto mo ba ng kadiliman?" kapag tumanggi ka, asahan mo na isang gabi ay susugurin ka ng kulto nila, aalisan ng mata, at papatayin. kung umoo ka, ikaw ang itatalagang 'bagong kasapi,' at required kag makahanap na mare-recruit mo. pag nakahanap ka na full-pledged ka na. kailangan mo ng bulagin ang sarili mo.
ang pokus ng istorya ay sa tatlong estudyante (giselle, celine, dale) na kailangang gumawa ng documentary tungkol sa isang abandonadong gusali. naririnig na nila yung tsismis tungkol sa kulto pero hindi nila pinapansin; iwasan na lamang daw ang makipag-usap sa mga bulag kung sakali. nabalitaan na rin nila ang tungkol sa babaeng nagngangalang lisa na natagpuang patay at walang mata sa isang kalye. pero tumuloy pa rin sila sa kanilang proyekto.
sa gusali, inabot sila ng dilim. nahiwalay si celine sa mga kasama niya. noong makita niya si giselle, nabalitaan niyang pinatay na si dale nung kulto. so panic-panic sila. sa huli, ma-re-reveal na si lisa ay kababata ni giselle at si giselle ang 'bagong kasapi' ng kulto. sinubukan niyang i-recruit si lisa ngunit tumanggi ito kaya siya pinatay ng kulto. noong nawalay si celine kina giselle at dale, sinubukang i-recruit ni giselle si dale ngunit tumanggi rin ito kaya pinatay siya.
so takot na takot na si celine. nire-recruit na rin siya ni giselle. noong papatayin na sana siya, pumayag na rin siya.
title pala niya ay gusto mo ba ng kadiliman? heto download niyo yung mga cool audio files na 'to na ginawa ko; maliliit lang naman: "gusto mo ba ng kadiliman? will be back" stinger, "gusto mo ba ng kadiliman? is back" stinger.
ito ang scene 1:
(SFX: FADE IN CHATTERING GIRLS, SUSTAIN 5 SECS)
S1 GIRL 1: O pa’no, Lisa, iwan ka na namin dito?
S1 GIRL 2: Iiwan na natin siya? E wala ng tricycle o. Ala una na ng madaling araw.
LISA: Sus, wala ‘to. Lalakarin ko na lang. Ako pa?
S1 GIRL 1: Sigurado ka ba?
LISA: [laugh] Oo naman. Ano ba? Sanay akong maglakad sa gabi, no.
S1 GIRL 2: Pero... di ba may black lady na gumagala dito, Lisa?
LISA: Sssh! Ano ba?! Nananakot ka na naman e. Sige na, sige na. Uuwi na’ko. Paalam!
S1 GIRLS 1, 2: Paalam, Lisa!
LISA: Sige.
(PAUSE 3 SECS)
LISA: [yawn] Haaaay... Gusto ko ng matulog.... Ang lamig. [humming “We Are The Dwarfs continuously until next line]
(MUSIC: SLOWLY FADE IN TRACK 1 NIGHT HAZARD, SUSTAIN 8 SECS, FADE UNDER)
(SFX CD: SOUND 1 KALUSKOS)
LISA: (startled) May tao ba diyan? (pause) Tao po? (pause) Hmp. Pusa lang siguro. [hum again until next line]
(MUSIC: FADE UP, SUSTAIN 8 SECS, FADE OUT)
(SFX CD: SOUND 9 FLUTE)
LISA: Ano iyon?
(SFX CD: SOUND 1 KALUSKOS)
LISA: [gasp] (scared) Tao po?
CULTISTS: (becoming louder and louder; continuously chanted) Diablo opto / Diablo opto / Diablo opto...
(MUSIC: FADE UNDER TRACK 2 CULT CHASE)
LISA: (panic) Sino po iyan?! (cry) Mommy! (cry) Daddy! (continuously cry and pant until next line)
(MUSIC: FADE UP)
(SFX CD: SOUND 7 RUNNING)
(SUSTAIN SFX, PANTING, CRYING, CHANTING 13 SECS; CUT CHANTING)
LISA: (bumps onto something)
(CUT SFX)
LISA: Aah! (pause) [scream loud] Sino po kayo? Huwag niyo po akong sasaktan! Maawa kayo! [continuously cry until next line]
PINUNO: Diablo opto / No lumino / Diablo opto / No lumino
PINUNO/CULT: Diablo opto / No lumino / Diablo opto / No lumino
(MUSIC: FADE OUT, FADE IN TRACK 3 CULT MURDER)
PINUNO: Diablo opto!
LISA: [scream loud; mouth suddenly covered with hand; struggle to shout 8 secs]
PINUNO: Ugh!
LISA: [eye plucked; moan in pain] Ang... mata... ko...
PINUNO: Ugh!
LISA: [eye plucked; moan in pain] Tama na po...
PINUNO: Um!
LISA: [stabbed] [pant] [die]
(MUSIC: FADE UP)
CULTISTS: Diablo opto / No lumino / Diablo opto / No lumino / Diablo opto...
(CONSOLE: FADE OUT EVERYTHING)
(SILENCE 3 SECS)
(SFX LIVE: FADE IN CLAMORING CROWD, SUSTAIN UNDER)
OLD LADY: Ano’ng nangyayari dito? Ba’t may mga pulis?
OLD MAN: Kita mo iyon? Bangkay iyon ng isang dalagita.
OLD LADY: [gasp] Diyos ko po!
OLD MAN: Kawawang bata. Tinanggal pa pati ang kanyang mga mata.
OLD LADY: Panginoon kong mahabagin! Sinong mga walang-kaluluwang kriminal ang nanggahasa ng babaeng ito?!
OLD MAN: Nanggahasa ba kamo? Heh. Tingin ko hindi lang basta-basta mga reypis ang gumawa nito.
OLD LADY: Huh?! E sino pa?
OLD MAN: Palagay ko, gawa ito ng Kulto Ng Mga Binulag.
OLD LADY: Kulto Ng Mga Binulag?
(CUT CLAMORING CROWD)
OLD MAN: Oo... Ang maka-Diablong Kulto Ng Mga Binulag.
(MUSIC: PLAY TRACK 4 THRILLER THEME, SUSTAIN 12 SECS, FADE UNDER)
SPINNER: Inihahandog ng BC 101 FM.
(PAUSE 5 SECS)
(STINGER: PLAY TRACK 1 INIHAHANDOG)
(MUSIC: FADE UP, SUSTAIN 20 SECS, FADE OUT)
ang aking mga talento, nagpapa-cute sa talent booth. lima lang ang mga mikropono sa loob kaya kailangan nilang diskartehin ang pagsasalit-salitan nila kapag turn na nilang magsalita. yung mic 5, pang-echo voice lang kaya kung hindi kailangan ang echo voice, hindi puwedeng gamitin.
(kaliwa) ang aking spinner. spinner, siya ang responsable sa pagpasok at pag-fade out, fade in, taas volume, paghina, etc. ng mga bed (background) music, sound effects, commercials, station id, at stingers. (kanan) ang aking console technician at assistant director. console technician, siya ang bahala sa audio console. sa pag-on ng mic ng mga talento, sa pag-adjust ng volume ng mic nila, etc. ang assistant director, katulong ko sa pagsasabi sa mga talento through hand signals kung nagba-blast ba sila sa mic, kung maingay sila, etc.
at siyempre, AKO, ang maepal na direktor na unang sinisigawan ng propesor kapag mali sa grammar, pronunciation ng mga linya, kapag may dead air, at kapag overtime o undertime. buti na lang on time ang aming prod. sa sabado pa raw ipaparinig ni prof sa mga katulong ang aming obra.
makata
ito ang tulang sinulat ko ng rush for the sake na may mapasa sa malikhaing pagsulat kong klase. tunog-may social relevance siya pero noong ginagawa ko, wala akong social concern na iniisip.
sumpa ng mga biik
sa kural, pumunta ako
ang mga biik, nakita ko.
lahat sila nakayuko
kaya sila’y aking tinanong
“o, bakit kayo nakayuko?”
wala ni isa ang kumibo.
tila nahihiya sa isasagot.
subalit isang biik ang naglakas-loob
na sagutin ang aking tanong,
“ikinahihiya ko po ang nanay ko.”
“ikinahihiya mo ba, kamo?”
aking inusisa upang makapaniguro.
kanyang sagot, “opo, opo,
sapagkat ang nanay ko
ay isang baboy po.”
tapos, ito pa yung isa na saksakan ng kakornihan.
maria juliana
si maria juliana
tinutukan ng baril
kaya kanyang utak
ay nadiskaril.
“sige, iputok mo,”
utos niya sa lalaki.
“kung wala pang bala,
isaksak mo na lang sa’kin.
saksakin mo ako
hanggang masiraan ako
sapagkat sa huli
ang kamatayan ang siyang
hindi mamamayani.
sa huli, ang pagsaksak mo
ay gagawa ng buhay;
hindi ng kamatayan."
short
siyempre, meron ding pinasumiteng maikling kuwento yung propesor ko. heto ang on-the-spot kong ginawa ng rush. (sori, mahilig sa cramming.)
Anak-Kapre
Magandang umaga po. Ako po si Virhinia. Marahil nagtataka po kayo kung bakit mag-isa lang ako palagi; kung bakit walang kumakausap sa akin sa probinsiyang ito maliban kay Mang Tiko; kung bakit lahat ng mga matatandang nakakakita sa akin ay nangungurus; at kung bakit walang mga batang nais maglaro kasama ako. Hindi na rin po ako sinasama ng ina ko kapag naglalako ng mga kakanin, kasi walang bumibili kapag kasama ako.
Lahat ng ito ay nangyayari sa akin, kasi ang ama ko po raw ay isang Kapre.
Ang sabi ni Nana, ang mga Kapre raw ay mga masasamang lamanlupa. Sila yung mga malalaki at marurungis na nilalang na may hawak-hawak na higanteng tabako. Nakatira sila sa mga punong mayayabong at maaasim ang bunga, katulad ng puno ng mangga sa tabi ng bintana ng silid ni Nana.
Ang sabi ni Nana, noong dalaga pa siya, tuwing gabi ay may nambabato ng mga mangga at maliliit na bato sa bubong ng bahay. Iyon daw ang Kapre, kasi naaakit sa kaniya. Dahil gabi-gabi na lang kung mangyari iyon, nasanay na si Nana. Natutunan na ng mga tao sa bahay na huwag na lang pansinin yung Kapre, basta magdasal na lamang daw si Nana nang hindi siya anuhin ng lamanlupa.
Isang gabi, pinuntahan raw ng Kapre si Nana sa kuwarto niya at ginahasa. Walang nagawa si Nana, siyempre. Kaylaki-laki ng mga Kapre! Doble sa taas ni Lolo.
Iilang araw matapos iyon, napansin ni Lola na tila buntis si Nana, kasi madalas itong magsuka at panay naghahanap ng maaasim na pagkain. Nagkagulo sa bahay kasi batid nila na kagagawan iyon ng Kapre.
“Diyos kong mahabagin!” hiyaw daw ni Lola. “Nalamnan ka ng Kapre! Alagad ni Satanas!”
Kaagad silang tumawag ng albularyo upang alisin kay Nana ang bunga ng panggagahasa sa kaniya ng Kapre. Kung anu-anong ipinainom kay Nana ngunit lahat ng ito ay isinusuka lamang ni Nana. Bukod sa mapait, ayaw tanggapin ng kaniyang tiyan. Malakas daw talaga ang kapangyarihan ng dugo ng Kapre kaya nagagawa ng bata sa tiyan ni Nana ang pigilan ang ginagawa ng manggagamot.
Inutusan si Nana na ipalaglag ang bata kay Aling Pertivo, ngunit ayaw ni Nana.
“Anak iyan ng Kapre! Magdadala iyan ng sakit sa pamilya natin! Ng malas! Ipalaglag mo na ang Diablong batang iyan, Moniqa!” pilit ni Lola.
Ayaw ni Nana. Liban sa natatakot daw siya sa gagawin sa kaniya ng manlalaglag, anak pa rin daw niya ang dinadala niya kaya hindi kaya ng kaniyang konsiyensiya ang kitlin ang buhay ng kawawang bata.
Ilang linggo rin daw nagtatalo sina Nana at ang Lola tungkol doon, hanggang sa mahimatay si Nana. Dahil sa nangyaring iyon, hinikayat ni Lolo si Lola na hayaan na lang si Nana sa nais niyang mangyari sa batang kaniyang dinadala.
At matapos ang mga buwang pagbubuntis ni Nana, ipinanganak ang isang batang babae. Wala ni isa sa bahay ang natuwa na naisilang ang bata ng maayos maliban kay Nana, at marahil, ang Kapreng ama ko. Ang sabi ni Nana, dahil takot nga ang mga tao sa akin. Nananalaytay kasi sa aking dugo ang dugo ng isang lamanlupa.
Pinangalanan akong Virhinia ni Nana upang gabayan ako ng Birheng Marya at upang hindi matakot ang mga tao sa akin, datapwat hindi iyon naging epektibo. Nanaig pa rin sa isipan ng mga tao na ako ay may lahing Kapre.
Simula noong ipinanganak ako, unti-unting nalugi ang pagbebenta ni Nana ng mga kakanin. Hindi na rin daw dinadalaw ng mga kaibigan ni Lolo at Lola ang bahay at madalang na lang silang imbitahan sa mga salu-salo at pakain. Lahat ng ito, isinisi sa akin.
Kaya ngayon, malungkot ako; wala ako laging kasama. Si Nana, naglalako ng mga kakanin at gabi na kung umuwi, kung kailan tulog na ako. Mabuti na lang nandiyan si Mang Tiko; siya lang ang naglalakas-loob na kausapin ako at sabihan ako na ang ganda-ganda ko; kamukha ko raw si Nana. Nakikipaglaro pa siya sa akin minsan sa may sapa. Kahit pinagsasabihan siya ng kanyang mga kakilala na layuan ako kasi baka magalit ang Kapre sa kanya, hindi siya nagpapaapekto. Siya pa nga ang nagturo sa akin kung paano gumawa ng bangkang papel at eroplano.
Isang araw, ginabi kami sa may ilog. Hinanap ako ni Nana at nang makita niyang kasa-kasama ako ni Mang Tiko, pinasalamatan niya ito.
Hay. Mahal na mahal ko si Mang Tiko. Sana siya na lang ang naging ama ko; hindi ang Kapre.
 |
18 MARCH 2005
Earfood: Love Dues - Kampai
Ramdam: Stressed, unstressed, stressed, unstressed
Gunam: Gosh, lapit na pala sembreak. Di ko pa dama.
|
dj/c2
muli akong nag-dj noong lunes sa dzup 1602. this time, sa musikada segment naman, kung saan ang mga pinapatugtog ko ay opm. 12:30 pm to 2 pm ang programa, kaso medyo na-late ako ng 20 minutos dahil nawili ako sa bago kong nadiskubre sa pc sa boarding house: ang paggawa ng radio station id. pakinggan niyo naman o. ginawa ko para sa bc101 class ko. :)
so tinakbo ko mula sa quezon hall hanggang sa up media center kung nasaan ang himpilan ng dzup 1602. kaya naman pagkarating ko doon ay humihingal-hingal akong nagsasalita sa mikropono.
tapos, nakalimutan ko pang dalhin yung pinrint kong tracklisting ng cd na ipapatugtog ko (naka-burn na ayon sa pagkakasunod-sunod ang mga kanta). medyo mahirap kasi kailangan ko munang marinig yung ilang unang segundo ng bawat kanta bago ma-identify.
okey naman. medyo na-mental block lang ako kung ano ang title nung kanta ni wency cornejo (next in line) at medyo hindi ko nahulaan yung overdrive.
ang pinakapangit na nangyari, potah, ang ganda ng intro ko for bamboo's these days pero hindi ko na-play ng buo yung kanta kasi nagloko yung tape. kinain. kaya kalahati lang ang na-air. tsk! argh!
badtrip. ayokong nasisira ang favorite kong kanta. buti na lang may c2.
ang sarap ng c2 no? paborito ko yung kulay red kasi siya ang pinakamalasa. least kong gusto ay yung color green kasi natatabangan ako. although masarap pa din naman. yung green yung pinakalasang tea, habang yung red ay lasang inasukal na iced tea talaga.
halos araw-araw akong nakakainom ng c2. adik na'ko. sana huwag naman mangyari na one time lumitaw sa tv na cancerous yun or shit.
ngayon, ano ang koneksyon ng pagdi-dj sa c2? adik ako pareho. pareho kong gusto. craving. (maghanap daw ba ng koneksyon?)
analisa
langit, lupa, impiyerno
im-im-impiyerno
saksak puso, tulo ang dugo
patay, buhay
alis ka na dito!
isang larong pambata, ang langit, lupa ay tila alam ng kahit sino. ang mekaniks: kung sinuman ang magiging taya, kailangan niyang maka-tag ng isang manlalaro. “lupa” ang isisigaw niya kapag nagawa niya iyon. kung sinuman ang ma-tag, siya na ang bagong taya. kaya nga lang, hindi puwedeng i-tag ng taya ang manlalarong nasa isang “elevated” na lugar o bagay. iyon ay simbolo na nasa langit ang manlalaro. ang mga manlalarong nasa “lupa” lamang ang kanyang puwedeng i-tag.
sinasabing matanda na ang larong ito kaya mahirap sabihin kung ano nga ba ang pinagmulan. maraming relihiyon ang may konsepto ng tatlong puwedeng pamalagian: ang lugar ng lumikha (langit), ang lugar ng mga taga-lupa at materyal na bagay (lupa), at ang tapunan ng mga makasalanan at ng demonyo (impiyerno), ngunit dahil tagalog ang langit, lupa, ipagpapalagay nating kristiyanismo ang tinutukoy.
ang langit, lupa ay umaalingasaw sa pagka-katolisismo. una, dahil sa konsepto ng langit, lupa, at impiyerno. pangalawa, ang linyang “saksak puso, tulog ang dugo” ay tumutukoy sa sacred heart of jesus, na tanyag sa mga katoliko. maging sa laro mismo, tinitingnan ang langit bilang isang lugar na mataas, kaya kailangang sumampa sa isang “elevated” na lugar upang mapunta sa “langit.” iyon ay isang paniniwalang katolisismo, dahil sa ibang relihiyon, ang langit ay isang state of mind.
ang “im-im-impiyerno” ay binigyan ng diin dahil ito ang puwedeng kahinatnan ng mga tao. si hesus ang maghuhukom (“saksak puso, tulo ang dugo”), at walang takas—buhay man o patay na (“patay, buhay”). ang ibig sabihin ng “alis ka na dito” ay ang pagpapadala ni hesus sa mga makasalanan sa impiyerno, na binigyang diin ng mas maaga sa kanta (“im-im-impiyerno.")
sa laro, kung sino man ang taya, siya ang demonyo (ang nadapuan ng "-to" sa "alis ka na dito"). hinahabol niya ang mga manlalarong alagad ng langit at kapag nahawakan niya ang isa, iyon na ang demonyo. pinapatunayan lang na kahit alagad ng langit ay puwede pa ring mabihag ng tukso ng kadiliman, kagaya ng nangyari kay lucifer bago pa siya naging tiwali. ngunit kung ang demonyo ay may pag-asa pa ring makasampa sa langit, ibig sabihin ay puwede pa siyang tanggapin ng diyos.
kahit demonyo o taga-langit ay puwedeng dumaan sa lupa. sa bibliya, maraming kuwento ng mga anghel at demonyo na bumibisita sa lupa.
ipinapakita lamang ng langit, lupa ang tagumpay ng mga kastila sa pagpapalaganap ng relihiyon sa ating bansa.
rakista
noong pebrero, nag-release ng album ang org ko (sosyal!). time & tide: the album.
compilation siya ng kanta ng mga bandang bato (rock bands) na walang major record label, pero may original songs. yung mga pa-gig-gig lang. promise! magaganda ang mga kanta, kaya kung gusto ninyo ng copy, mag-order kayo sakin. p150 bawat cd.
but wait... there's more. ang proceeds nito ay para sa kapakanan ko at sa iba pang mga estudyanteng kakurso ko sa up. mapupunta ang proceeds sa up media center at sa facilities nito. medyo outdated na at kulang yung mga gamit-gamit dun kaya please naman o. tulong naman diyan. :p
heto ang tracklisting. kung gusto niyo pakinggan niyo muna yung radio ad na ginawa ko para mapakinggan ninyo kahit kaunti. kapag natipuhan niyo, edi bili na.
01. slip by wishstick
02. the stars are waiting by april morning skies
03. irog by flavor
04. love dues by kampai
05. babaeng nakapula by putik sa langit
06. fly by 7 purple moons
07. will it ever go away by taffy trip
08. early dying hopes by april morning skies
09. skies by harsh flavor
10. lucid time interval by kampai
11. bartended dilemma by putik sa langit
12. larawan sa umaga by 7 purple moons
13. gabi by taffy trip
14. clean by wishstick
pesewey
nasubukan niyo na bang maging pasaway sa grupo sa klase? ako... oo. for the first time in my academic life.
nung wednesday, may practice kami sa french 10 class ko. may presentation kasi kami bukas sa isang french thing. ewan ko ba kung ano yun. dalawang set ang practice. isang 7 am, isang 4 pm. hulaan ninyo kung ano ang inatendan ko.
wala.
kasi nga naging pasaway ako.
ang sarap pala ng feeling.
feeling ko tuloy ang guwapo ko na.
joke.
 |
11 MARCH 2005
Earfood: Crazy For You - Sponge Cola
Ramdam: Overwhelmed
Gunam: My life is full of writing right now.
|
sodom
naaalala ko lang dati, yung sa balita, may alagad ng simbahan na nagkasal ng baklang couple. nang tinanong siya kung bakit ginawa niya iyon, sabi niya, wala raw dini-discriminate ang poong lumikha.
father, mali po kayo. galit ang diyos sa man-to-man action.
kung pagbabasehan natin ang banal na aklat ng mga kristiyano, pinaulanan ng baga ng diyos ang bayan ng sodom at gomorrha dahil makasalanan umano ang mga naninirahan dito. malaking porsiyento ng pagiging makasalanan nila ay dahil sa talamak na homosexual intercourse. kaya nga may ingles na salitang sodomy na ang ibig sabihin ay pagtatalik ng dalawang lalaki kasi na-coin siya mula sa bayan ng sodom.
galit din ang diyos sa mga tsismosa, kaya tuloy naging sangkap sa sinigang yung asawa ni lot.
kung magpapaka-darwinistic tayo, galit din ang inang kalikasan sa homosexual union. nananatiling "imortal" ang isang tao sa pamamagitan ng reproduction. ipinapasa natin ang ating mga genes sa ating mga anak, para kapag nilisan na natin ang ating mga pesteng buhay, buhay pa rin ang ating mga katangian through the genes of our offspring.
paano ba nagkakaroon ng anak? sa unyon ng babae at lalaki. kapag babae-babae o lalaki-lalaki ang relasyon, walang reproduction. made-defeat ang purpose ni mother nature. at kung lahat na lang mag-e-engage sa homosexual relationships, by natural selection, tayo ay ma-e-extinct, kasi we failed to reproduce.
ngunit sa isang banda, maaaring kagustuhan din ng inang kalikasan ang pagsulpot ng homosexuality sa mundo ng mga tao. baka kasi masyado ng maraming species ng tao sa mundo kaya kailangang hinay-hinayin ang paglalabas ng anak.
pero bakit mas maraming anak ang mga taong kapos sa salapi? ano kaya ang explanation ni mother nature dito? siguro para mas mataas ang probability na may makaahon sa kanila sa kahirapan. pero palagay ko, kaya maraming anak ang mga iskwater ay dahil palaging walang ilaw sa mga tahanan nila.
buwisit na mother nature kasing ito eh. ang labo mo, mader.
NOTE: kapag sinasabi kong mother nature, hindi ako tumutukoy sa kahuhuyan. ang tinutukoy ko, nature, as in yung rootword ng natural laws of physics, ganyan.
hayop ka
isa ring magandang pag-isipan ay kung bakit tao lang so far ang nagsisibaklaan at nagsisilesbiyanahan. may bakla bang hipon? may lesbiyana bang pabo? may bading bang monkey-eating eagle? may tibo bang komodo dragon? may jokla bang reticulated python? may tomboy bang bottlenose porpoise?
ano ba ang nasa tao na wala sa ibang mga miyembro ng kingdom animalia? KATALINUHAN. advanced logic and reasoning. humanistic creativity. extreme inquisitiveness. reality shows. blind date. oral sex. 69.
isang teorya ko, isang factor ng pagiging homosexual ay ang katalinuhan ng tao. mahirap sabihing nasa orientation o environment, kasi kung titingnan natin ang mga mas mababang uri ng hayop, for example mga liyon, kahit pinalaki sila ng kanilang mga ina ay lumalaki silang mga straight na liyon. ang mga lalaking biik na pinalaki ng inahin ay hindi tumatandang baklang baboy na nakikipagharutan sa mga guwapong baboy at nakikipagkulutan ng buntot sa mga dalagitang baboy.
maaaring sumuporta sa teoryang ito ay ang katalamakan ng mga matatalinong mga tao na bading o lesbiyana. ibang mag-isip. creative.
bakit ang bilis ng pag-arangkada ng teknolohiya? kasi ang mga tao, likas na mapaningin sa posibilidad ng siyensiya. mga visionaries na mahilig kumawala sa world of creative consciousness para tumingin ng mga possibilities. maaaring ito ang nagpasabog ng homosexuality. naturally, lalaki-babae lang (for reproduction), pero dahil ang tao, inuusisa lahat ng possibilities, nauso ang homosexuality.
maaaring i-argue na yung iba, hindi naman iniisip yung creativity at possibility shit habang bata, so paano nababaluktot ang kanilang mga sekswalidad? hmmm. ewan ko. baka napasa sa kanila ang genes ng unang bakla/tomboy?
ay ewan. eto na lang. to quote:
"sino? ako, bakla? helllooooo!" jimboy (ex ni mahal)
gurl
sa mga karaniwang porn clips, ang babae ang nasa mababang lebel kaysa sa lalaki.
ang babae ay alipin ng titi. kung anong sabihin ng titi ay siyang dapat sundin ng babae. madalas makita ang mga scene kung saan ang babae ay ka-"eye contact" lamang ang titi ng lalaking katalik niya sa pelikula. ang titi ay parang patalim na ginagamit panakot sa babae, kung saan kapag natutukan ang babae ay wala siyang puwedeng gawin kung hindi maging serbidora ng titi, o ng lalaki.
ito ay, of course, kung peministiko ang pagtingin sa porn films. kung ako, wala akong pakialam dahil kung libog na libog yung babae at nasasarapan siyang maging "alipin" sa pagtatalik, edi go.
nasabi ko na rin lang na hindi ako "peminista" (peminista ako, in such a way na I believe there should be equal opportunities for males and females sa paghahanap o pagde-delegate ng trabaho), may napanood ako sa txtube kagabi. parang pageant, at ang q&a portion ay "what is a man without a woman?"
as usual, ang sagot ng mga babae ay pam-pageant. pampa-uplift ng kapangyarihan ng babae over men. sobrang nakakairita yung may sagot na "a man without a woman is not a man at all."
WHATEVER!
ang dating sa'kin nung statement ay may tinge of insecurity. kung a man without a woman is not a man at all, ano na lang si adan (assuming he did exist) noong wala pa si eba? paano ang mga taong requirement ang pagiging celibate, e.g. mga pari? so ang mga pari hindi sila man at all kasi wala silang woman.
atsaka bakit kapag may gender war, parating ina-argue ng mga babae, "kung wala kami, hindi darami ang mga tao."
WHATEVER!
sige, mga hija, try ninyong mabuntis ng kayo-kayo lang. ang process of reproduction ay UNION ng lalaki at babae, hindi babae lang, kaya huwag naman ganun sana ang argument. alam naman nating lahat na ang mga babae ang nagdadala ng bata sa loob ng siyam na buwan, pero option niyo naman iyan eh. ganyan kayo ni-design ng kalikasan kaya kung ayaw niyo ng proseso ng pagbubuntis o panganganak, you can always choose not to.
atsaka pag buntis lagi naman kayong pinapakain ni mister, kaya okay na iyan. ;) puwede pang mag-request. excused pa kayo kapag naghysterical kayo.
to quote a beauty contestant nang tinanong siya "what is pregnancy?":
"pregnancy is when you carry a baby inside your stomach for nine months onwards!"
 |
8 MARCH 2005
Earfood: Crazy For You - Sponge Cola
Ramdam: Overwhelmed
Gunam: My life is full of writing right now.
|
tutok
ayan, balik na tayo sa sirkulasyon.
ang weird lang. kung hahalukayin ninyo ang arkibo (archives na ginawa kong tagalog; imbento ko lang) nitong blog ko, makikita ninyong nirereklamo ko na walang nangyayari sa buhay ko na may saysay kaya hirap na hirap akong mag-blog.
ngayon, masasabi ko na nag-iba ang ihip ng istilo ng aking pamumuhay. busy na lagi. sa acads, sa org, at sa iba pang mga bagay. may saysay na. kayrami nang worth i-blog.
kanina lang, nag-dj ako on air officially. yun nga lang, sa dzup 1602 lang. medyo hindi kasi malakas ang signal ng istasyong ito eh (heller! up kasi may-ari). okay naman ang performance ko. kung may time kayong makinig, sa lunes, 1 pm - 2pm mag-o-on air ako sa segment na musikada, kung saan magtutugtog ako ng opm songs.
tapos, sasali rin ako ng palanca writing contest. malaki-laki rin ang cash prize. first time ito in my life kaya gudlak sa akin.
tapos, na-feature na rin itong blog ko sa YOU sa inq7.net.
anyway, balik sa asignatura.
bakit hirap akong mag-blog lately? nami-miss ko yung noon na todo ako maglabas ng entry. at hindi lang iyon. kadalasan patok pa sa panlasa ng nakararami.
tama kaya ang teorya ko? na ang mga todong nagba-blog ay ang mga taong walang magawa sa buhay? hindi ko na rin mapiga-piga ang creative juices ko para sa mga nilalabas kong articles sa peyups.com. sabi nga ng teacher ko:
student: sir, para nga mapiga ang creative juices eh!
prof: creative juices... sheesh! it's more like pus squirting from an open wound.
o sige, para makabawi, ang entry ito ay hindi lang "entry." isa siyang ENTRY. basahin niyo with a huge and husky voice. one, two, three: ENTRY.
rakrakan
yehey talaga at sa upd ako nag-aaral. sa sobrang dalas ng mga concert ng mga local bands, sus. mababaliw ako.
noong nakaraang linggo, nanood ako ng grounds of venus concert kung saan ang tumugtog (na sikat; hindi kasi sikat ang cover me quick) ay mymp, barbie's cradle, at si labs kitchie nadal. sa up bahay ng alumni siya naganap.
mymp. ang ganda ni juris! reminds me of someone na may hawig sa kanya. idagdag mo pa ang kanyang boses na madalas kong i-describe as "divine." para kasing kapag kumakanta siya parang galing sa kalangitan ang boses. corny ba? pero ganun talaga ang pananaw ko tuwing umaawit siya eh.
barbie's cradle. hindi talaga ako fan ng music nila. ewan ko. not my type. sa lahat ng songs nila ever since lumabas sila, money for food atsaka all i need lang ang pumasa sa taste ko. sige, pati limang dipang tao. teka, tatlo na rin yun. marami-rami na. o siya, gusto ko na rin sila. first time kong makita at maobserbahan ang kagandahan ni barbie. ang ganda niya sa personal. sobra. kaya pala natitibo sa kanya si kitchie. joke lang.
kitchie nadal. aba, aba, aba! paganda nang paganda ang aking ina (si bamboo ang aking ama)! buti naman at hindi siya nag-bratinella a la sisfire nung up fair. kinanta niya pa buong album plus tuwing umuulan kitchie version. nasa-sad ako. kasi noong bago kantahin ang same ground, tinanong niya ang audience kung sinong may alam ng unang stanza. kung alam ko lang na pupunta sa stage at kakantahin, sana ay naglakas-loob akong tumakbo sa kanya. argh! memorize ko naman yun eh. in fact, yung buong album niya!!!
bulok na ang exit style ng mga artistang ito. yung after ng kuno "last" song nila, tapos sisigaw ang mga tao ng "more!" tapos kunwa silang babalik upang tumugtog ng isa pang awitin. BLEH! bulok na iyan mga ineng! kaya di na ako nagmo-more. pero mahal ko pa rin kayo.
nais kong gumawa ng rundown ng mga musical artist na napanood ko na ng live.
kitchie nadal: 3 beses
- 626 campus radio music marathon
- sisfire (up fair)
- grounds of venus
sponge cola: 2 beses
- 626 campus radio music marathon
- sisfire (up fair)
bamboo: 1.5 beses
- rx 93.1 battle of the bands
- 626 campus radio music marathon (narinig ko lang nagre-rehearse)
kjwan: 1 beses
- 626 campus radio music marathon
moonstar 88: 2 beses
- 626 campus radio music marathon
- sisfire (up fair)
mymp: 1 beses
- grounds of venus
luke mejares: 1 beses
- luke ahead with kyla
kyla: 1 beses
- luke ahead with kyla
cover me quick (sinuman sila): 2 beses
- sisfire (up fair)
- grounds of venus
session road: 1/2 beses
- sisfire (narinig ko lang habang papunta sa sunken)
noong una punta ko sa isang rock show (which is 626), na-culture shock ako sa mga punkistang slammers sa gitna. nasa harapan pa man din ako nila. everytime na may "wave" of people, tinitigasan ko na lang aking... tindig, para mapigilan ang pagbagsak sa sahig.
tuwang-tuwa ako tuwing may binubuhat na slammer tapos nahuhulog. bwahahaha! kawawa na nga, huhulihin pa ng bouncer at palalayasin sa venue. bwahahaha!
pag-usapan natin ang una at kaisa-isang up fair na in-attend-an ko noong pebrero: ang sisfire. pumunta ako sa booth ng peyups.com. bumili ako ng peyups shirt at tumambay kasama sina ate mimi at kuya karl. tapos i proceeded to the concert.
noong pauwi, may taong nakakita sa akin. may dala siyang digicam. tumakbo siya papunta sa akin at tinanong ako, "are you lagsh? pwedeng pa-picture!" pinagbigyan ko na siya. tinanong ko siya kung sino siya. sabi niya, host siya ng nasibak na homosexual-oriented show na out! na pinapalabas dati sa gma7. jigs mayuga daw ang name niya.
kidding lang po. ako ang jologs na nagpa-picture. para kapag sumikat na'ko, bibigyan ko siya ng copy ng larawang ito para may maipagmamayabang siya with his friends.
job at "job"
may napansin ako sa sarili ko na nagbago: kapag may naka-post na job opportunities sa kahit saang pader, binabasa ko at tinitingnan kung pasado ako sa requirements.
oo, si lagsh ay naghahanap ng trabaho. hindi ako after sa pera. sige na nga, after na rin, pero ang priority ko talaga ay work experience. para sa resumé ko, meron akong puwedeng ilagay. right now at in the near future, heto ang mga puwede kong pasukan: mcdo philcoa bilang waiter, campus radio bilang student dj, west bilang call center agent, some firm in katipunan bilang transcriptionist. in fact, nakapag-submit na ako ng resumé sa iilang firms. kaso i doubt matatanggap ako. unang-una, medyo mali yata ang pagkakagawa ng resumé ko. haha.
oo nga pala, bakit kaya ang mga tao sa call center, kapag tinatanong mo kung ano ang trabaho nila, sinasabi nila, "sa call center." bakit yung lugar ang sinasabi nila? pag ba ang doktor tinanong mo kung ano ang trabaho, sasabihin, "sa ospital." o kaya, pag titser, "sa eskuwela." o kaya pa pokpok, "sa whorehouse."?
uy, nabanggit ko ang whorehouse. yaman din lang, ikukuwento ko yung napanood kong villa scandal. in poetry form.
taas-baba, taas-baba
labas-masok, labas-masok
taas-baba, taas-baba
labas-masok, labas-masok
ungol, sigaw, ungol, sigaw
pikit, bukas, pikit, bukas
aaah, oooh, aaah, oooh
oooh, aaah, oooh, aaah
subo, dila, subo, dila
labas-masok, labas-masok
hawak, kalkal, bukas, labas
labas, bukas, kalkal, hawak
sakit, sarap, sakit, sarap
ungol, pikit, bukas, sigaw
higa, tayo, patihaya
taas, baba, palit lugar
palit lugar, baba, taas
hawak, taas, baba, tigas
bukas-bibig, lasap, lunok
ngiti, tawa, pikit, ungol
sakit, sarap, halik, laplap
hay nako. wala man lang creativity ang mga porn films. sobrang cliché ng plot. yung napansin ko lang sa pinoy porn however, mas nipo-focus sa romantic action kaysa sa pag-close up sa labas-masok angle.
direk lagsh
kamakailan ay nagdirek ako ng children's drama for radio sa broadcasting 101 class ko. one hour, with commercials. ako rin ang scriptwriter. tatlo ang musical parts sa drama, pero isa lang ang ginawa ko. yung evil queen song.
sa next thursday, thriller naman ang ididirek ko. ako rin ang magsusulat ng iskrip. madugo na naman 'to kasi 40 pages ang script. gusto ng prof ko may unexpected twist sa ending atsaka dapat nakaka-thrill talaga. ang saya talaga sa broadcasting classes. sabi ng aking mga kaklase okey daw ako magsulat ng iskrip at magdirek na rin. naku, future director na ba ito? puwede.
gusto ko, kapag director na ako sa radyo, may innovation ako. napag-usapan na din lang natin yung whorehouse, magpapakalat ako ng porn for radio. hindi sila on national radio. parang illegal casettes na kumakalat sa mga bangketa ng mga muslim sa quiapo, ganyan. at least, hindi ganun kaimoral kasi yung mga talents ko hindi naman tunay na nag-sesex. boses lang at sound effects.
guy: aaaah.... aaahhh... ooohh...
girl: sige pa, pancho. sige pa, putang-ina, bilisan mo! ooooh! aaah!
(sfx: rhythmic squirting sounds and bed springs going up and down)
dahil parang porn film on casette tape siya (or voice cd), 20 minutes lang na "oooh, aaah" ang maririnig. at dahil walang nakikita sa radyo, kailangan descriptive ang dialogues. medyo awkward siya realistically speaking pero kailangan eh.
guy: inaalis ko na ang bra mo. hayan, natanggal ko na.
girl: asan na ang zipper ng pantalon mo? ibaba ko na ha?
guy: ayan, binababa mo na. kita mo na ang gray kong brief.
girl: kita ko na rin na nakaumbok—
OPS!!! bawal na iyan! tama na ang perversion. ano ba ang nangyayari sa akin lately? siguro dahil malapit na akong mag-18. pero the heck, sa september pa yun. good boy me. :)
outreach
wag makulit, good boy ako. last month nga, sumama ako sa outreach program ng org ko, kung saan pumunta kami sa isang school sa krus na ligas at nakipaglaro at pinakain ang mga masangsang at pobreng bata. nakakaaliw, kahit ang init at amoy lupa ang ibang mga paslit.
puro dance contest ang mga palaro. at kahit anong novelty song, alam sayawin ng mga bata. mapa-chocolate man iyan o halukay ube. pero hindi ko kinaya yung babaeng nagngangalang kc. noong pagalingan sumayaw, biglang nag-split ang lola at nag-caterpillar! hindi ko talaga kinaya.
mga cute na baby. si choco-choco slap-slap baby yung nasa right.
heto, pina-smile ko sila. promise, ang babaho nila. don't get me wrong; hindi naman ako maarte sa ganyan. nire-relay ko lang ang nasagap ng aking olfactory ek-ek. honest observation kumbaga. kahit nga amoy ng imbornal kaya kong tiisin. (defensive?)
wala ang taong ito sa paligid noong nag-outreach kami. pero nakuha ng camera. katakot, noh? noong pinakita ko doon sa isang teacher, sabi niya, matagal na raw nanggugulo ang engkantang iyon sa eskuwelahan.
joke lang.
--> February 05 <--
|
|
Demonyito. Paborito ko 'tong lugar dito sa UP. Tahimik. Maganda ang tanawin. Presko. Hindi matao.
Ngayon ko lang ito nagawa. Ngayon lang talaga. Pero hindi—sinapian lang ako ng Demonyo. Siya ang dapat sisihin. Likas na mabuti ang tao. Kung walang Demonyo wala naman talagang gulo dito sa lupa, hindi ba?
|
meet my parents
kitchie nadal
fave songs: fire, wag na wag mong sasabihin, same ground, run
watched her live: 3 times
bamboo
fave songs: these days, mr. clay, hudas, war of hearts and minds
watched 'em live: 1 time
my other relatives
sponge cola: 2 times
moonstar 88: 2 times
kjwan: 1 time
mymp: 1 time
barbie's cradle: 1 time
rivermaya: 0 time
|
LAGSH
17 years old | Sep 21, 1987 | Virgo
3/4 Kapampangan | 1/4 Olongapoan
Angeles City | Philippines
bunso sa 2 magkapatid
College Sophie | UP Diliman | CMC
BA Broadcast Communication
UP-CMC Broadcasting Association
College Freshie | UPEP Pampanga
BA Psychology | Ass. of Econ Students
Yahoo! IM: tempest_jaz
Friendster: tempest_jaz@yahoo.com
Peyups: lagsh
|
The UP-CMC Broadcasting Association
(UP Broad Ass)
BROAD ASS is my beloved org in UPD. It is the Premiere Organization in the College of Mass Communication, living already 37 years of excellence. It has produced a number of successful people such as Loren Legarda, Ogie Alcasid, Tessie Tomas, Luchi Cruz Valdes, and many more. I am from Batch 2K4.5, currently in the Publicity Committee.
UP Association of Economics Students
(UP AES)
AES is my happy org in UP Pampanga. Founded by Sir Rodel Liwanag, it is undisputably the best organization in the campus. As our cheer goes, "AES The Best!" It stages annually the most prestigious event in UP Pampanga, the Mr. and Ms. UPEPP Pageant. I'm from Batch BAAP (2003) and an alumnus of the org.
|
Visionary started May 5, 2002
Visionary v2.0 started May 3, 2003
Visionary v3.0 started October 18, 2003
10,000 hits February 20, 2004
20,000 hits June 28, 2004
30,000 hits October 17, 2004
40,000 hits February 9, 2005
Lagsh as YOU Blog Addict
|
|